Fate "1st shot"

11 0 0
                                    

Akesha POV







Aishh! Bakit ba napakatagal nitong kampanya ni lolo?! Ihing ihi na ko! For godsake, sasabog na ang pantog ko!







"Auntie, hanggang anong oras pa ba to. Pramis sasabog na ang pantog ko. MagkakaUTI na ata ako kakapigil dito! Bakit ba naman napakatagal mangampanya ni Lolo! Jusko!"







" *chuckle* Swish Swish Swish. HAHAHA. Dyan ka na umihi Esha! Ipapalinis nalang natin mamaya! HAHAHAHA"







Sinamaan ko ng tingin si Froylan. Ang pinsan kong ewan ko kung saan pinaglihi nyang si Auntie kaya ganyan kung makapangasar. Hayop! Lalo tuloy akong naiihi eh. Bwiset!







"Manahimik kang hayop ka! Pasalamat ka at nagpipigil ako kundi, nakuuu. Kanina pa kita ginulpi!"







Tumawa lang sya ng tumawa sa likod ko. Sa lahat ng pinsan ko, yan ang pinakamalakas mangasar. Obvious ba? Tsk.







"Osige ganto. Mamaya titigil tong convoy. Bumaba ka at maghanap ng malapit na cr. Wag kang magtatagal okay?"







"Hayss salamat."









Mamaya tumigil na nga ang convoy na sinasakyan namin. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay Auntie na aalis na ko at agad na kong tumakbo palabas. Jusko kung di ko bibilisan aabutin ako sa daan. Isang daang porsyento ng kahihiyan ang aabutin ko. Mamaya mabalita pa na.







' Apo ng tatakbo bilang Mayor ng Famous City, inabot ng ihi sa daan '







Ewwww. Ghad di ko maimagine! Kakahiya! Whoo! Pero lintik, mukhang mangyayari nga yun. Pano ba naman walang malapit na cr sa pinagbabaan namin. Badtrip! Ang malas ko ata ngayon! Aishh. Naglakad lakad pa ko ng konti, nang may makita akong bahay! Whoo lord. Its now or never! Itago mo na ang hiyang meron ka Yesha! Tandaan mo, isang daang porsyento ng kahihiyan ang aabutin mo kung hindi mo gagawin to!







"Kuya! Kuyang Guard! Baka pede naman akong magrequest! Makikiihi naman po ako oh. Sasabog na po ang pantog ko eh. Pramis wala akong ibang gagawim kundi umihi! Pleaseee kuya, maawa ka!"







"Nako miss, ako ang papagalitan ng mga amo ko kapag pinapasok ko ang isang estrangherong katulad mo."







Grabe naman kung makaestranghero tong si kuyang guard. Kuu pasalamat ka magpapakabait ako ngayon kase kelangan ko ng tulong kundi, isusupalpal ko sa mukha mo na ang kaharap mo ngayon ay apo ng tatakbong mayor ng bayang toh.







"Please kuyaa. Maawa ka namam sakin oh. Dali na hoo."







"Di nga ho pede Miss."







"Kuya Dugyot anong meron dyan."







Pfft! Kuya Dugyot?! Langya. LT ang ang nanay at tatay ni kuya! Grabe! HAHAHA.







"Sir naman, ilang taon na kong nagtatrabaho dito di nyo parin matandaan ang pangalan ko? Dungyol po hindi Dugyot!"







HAHAHAHA. Mas LT pala yung Amo! HAHAHAHA.







FateWhere stories live. Discover now