Fate "2nd Shot"

3 0 0
                                    

Akesha's POV






"Goodmorning Maam. Your order please?"






"I would like to have Oreo Cheese Cake, Cheese and Bacon Croissant, Choco Chip Cookie. And for drinks I want Iced Americano, Mocha Oreo Frappe and Double Choco Frappe"







I gave her my credit card and look for a table. Umupo ako sa pangisahang table. Ayoko ng may kashare and yes lahat ng inorder ko kanina ay akin. Para sa akin lang. Walang take out or whatsoever.







"Maam? Kayo po yung-..."







"Obviously Ate. Like duh? Ako palang naman ang customer nyo dito malamang akin yung order." I rolled my eyes. Badtrip na nga ako babadtripin pa ko.







"Ahh yes sorry maam. Here's your order."







Dali dali syang umalis matapos nyang mailapag ang order ko sa table. Natakot ko ata. Hayst. Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit ako nandito sa McCafe. Ito ang lagi kong pinupuntahan kapag wala ako sa mood. Maramirami narin kaming pinasamahan ng shop na toh. Gladly hindi sila nagsasara kahit na ako lang ang regular customer nila. Sige sabihin na nating halos ako lang lagi ang customer nila. Depende pa kung mawawala ako sa mood. Kawawa din ang shop na toh, laging nakikita ang katarayan ko.







Sinimulan ko nang lantakan ang Oreo Cheesecake na inorder ko. Hayst. Nakakainis talaga. Alam nyo ba kung bakit ako naiinis? Syempre hindi, kaya nga ikukwento ko na eh.







Flashback.....







Pano ba ko makakauwi neto? Arghh. Talagang mga walang puso, iwan daw ba naman ako. Peste talaga.







"Aki? May problema ba? Bat di ka pa umaalis?"







I just looked at him. 'Wow gustong gusto mo na talaga akong umalis eh noh. Dont worry gustong gusto ko naring uwuwi kaya lang ang mga kamaganak kong walanghiya iniwan ako. Kamusta naman yun diba?'







"Aki? Tulala ka na naman.."







Iniwas ko ang tingin ko sa kanya kasabay ng mga salitang ito na lumabas nalang bigla sa bibig ko.








"Hindi ako makakauwi."







Napatakip ako ng bibig. Ang bobo talaga. Bat ko ba nasabi yun? Baka sabihin pa nya nagdadahilan ako para lang makatulog o makituloy muna sa bahay nila. 'Pede naman. Hihi' Aish.







"Same address?"







"Yeah"







"Hatid na kita"






"Bakit? Pede namang dyan muna ako sa inyo..."







"May sinasabi ka?"







"Ha? Wala. Ano. Wag na. Nakakahiya naman."







He smiled at me. Those smiles. Natulala nalang ako. Nangyayari na naman.







"Im just going to get my car keys. Dyan ka lang."







"Shit. I need to get out of here." Bulong ko pa.







"Wag nga daw ho kayong aalis maam eh tapos you need to get out of here."







Binalingan ko sya nang may masamang tingin.







"Pede ba kuya kanina pa ko nabubuwisit sayo. Tigiltigilan mo ang pangingialam dito. Extra ka lang storya ng buhay ko. Okay? So shut up!"







Mukhang natakot ata yung guard kaya bumalik na sya sa pwesto nya kanina. Hays kuya kung sana maganda lang ang una nating pagkikita, hindi kita matatarayan. Wag kasing pakialamero, ba naman ih.







"Aki! Lets go!"







Shet eto na naman ang puso ko. Lalabas na ata sya sa ribs ko. Gosh. Si kuyang guard kasiiii dinaldal pa ko kanina, hindi tuloy ako nakaalis.







Sumakay na ko sa kotse nya. 'Walang pinagbago' same perfume, same ambiance. Kahit yung mga nakasabit walang pinagbago. Yung amo siguro oo. Lumingon ako sa drivers seat.









"Any problem?"









"Ah huh?"









"Alam mo kanina ka pa ha. Hay nako sige ka baka isipin kong-.."









"Hoooy wag kang feeling. Sayo ba ko nakatingin? Nakatingin ako sa side mo. Ganda ng view. Panira ka lang."









Sige lang Esha. Magdeny ka pa. Kala mo naman maniniwala sya. Neknek mo. Sinong niloko mo?










"Okay sabi mo eh."









Oh diba hindi naniwala? Minsan nga makapanghingi ng advise kay Dad. Kung paano nya nauuto si Mom sa mga palusot nya. Baka sakaling epektib. Badtrip.









"Wala kang balak?"









"Huh?"










"Wala kang balak bumaba? Gusto mo ulit sumama pabalik?"










Lumingon lingon ako. Sheeeet. Andito na pala kami. Di ko man lang napansin. Sige lang Esha. Baka naman gusto mo pang dagdagan ang kahihiyan mo. Stay ka pa. Mga 5 minutes. Aissshhh. Lumingon ako sa kanya. Tamang ngiti lang.









"Hehe toh naman. Ineenjoy ko pa yung kotse mo. Damot mo. Lam mo yun?"









Napafacepalm nalang ako. Ano pa bang katangahan ang pede mong sabihin self? Gusto mo, sabihin mo narin na mahal mo sya. Na di ka pa nakakamove on. Na umaasa ka paring babalik sya. Waaaaah Esha ano ba yan.









"Eto na bababa na. Sama ng tingin ih. Relax. Eto na oh. Binuksan ko na yung pinto. Lalabas na ko. Babye. Ingat. Salamat" sa pananakit. Ay char.









Kantatakbo na ko sa loob ng bahay. Infairness may natira pang kahihiyan sa katawan ko. Buti nga nagawa ko pang tumakbo. Hehe.










"Wooh."









"Insan!!" Froylan.








🙎‍♀️🙍‍♀️......









"FROYLAAAAAAAN"









🏃‍♂️🏃‍♀️








FateWhere stories live. Discover now