MGB

1K 34 0
                                    

Kasalukuyan akong kumakain sa canteen. May mga tawanan akong narinig

"HAHAHA oo bro may bagong victim, at mukhang masarap i bully" tawa nung mga nag uusap

Hindi ko pinansin, malay ko ba kung sino sila

Tapos na akong kumain at akmang tatayo na ako nang harangin ako ng pitong tao at kasama ang kuya ko

Ang mga gago nanaman

"Anong kailangan nyo? ipapa detention nyo ba ulit ako?" tanong ko at umirap

"Of course not" nakangiting sambit ni Ice

"Ikaw lang naman ang bagong victim namin" sabi nya at sumeryoso ang mukha nya

"What?" sabi ko

"Kuya? don't tell me okay lang sayo?!" inis kong tanong

"Sorry baby girl" sabi ni kuya at umiwas ng tingin

"What kind of people are you? ano bang gusto nyo ha?" sigaw ko kaya pinagtitinginan na kami

Akmang aalis na ako ng may humawak sa magkabilang kamay ko

"Fuck! bitawan nyo nga ako!" sigaw ko at sinubukan kong pumiglas pero ang lalakas nila

"Kuya! for pete's sake, help me!" sigaw ko

"Bro tama na" sabi naman ni kuya

"Baka isumbong ako nyan kay dad" dugtong pa niya

Oo nga noh? bakit di ko naisip na ipantakot yon?

"Don't worry Jericho saglit lang to" sabi ni Ice at nag smirk

"Chris" tawag ni Ice at lumapit ang isang lalaki sa kanya at inabutan sya ng spaghetti

"Ready?" naka smirk nyang tanong at binuhos sa ulo ko ang spaghetti na hawak nya

May kinuha pa syang juice at binuhos din yun sakin

Binitawan ako ng mga humawak sakin kaya sinampal ko ng malakas si Ice kaya nagulat ang lahat ng nasa canteen. Maging sila kuya ay gulat na gulat

"Ano bang problema mo sakin ha?" sabi ko ng buong gigil

"Ikaw kuya! bakit hindi mo ko matulungan?! i thought you love me!pero hinayaan mo lang ako na i bully ng mga gago mong kaibigan!" sigaw ko

"Anong tawag mo samin?" seryosong tanong ni Ice na halatang nainis sa sinabi ko

Siya pa may magana mainis?

"Totoo naman eh, mga gago kayo mga bakla pa nga yata kay dami nyong lalaki pinagtutulungan nyo isang babae" singit ng babae at pagtingin ko ay si Fern

"Makonsensya nga kayo!" sabi niya at nilapitan ako

"Fern ano ka ba?walang konsensya yan, wala ngang mga puso yang mga gago na yan eh" sagot ko

napayuko naman si kuya dahil alam nyang kasali sya

Sinamahan na ako sa cr ni Fern

"Sorry na late ako" sabi niya

"No, it's okay. Mabuti na yon kaysa madamay ka" sabi ko

Nagbuntong hininga na lang sya

My Gangster BoyfriendWhere stories live. Discover now