Welcome!

8 1 0
                                    

Louis's POV

Papasok na ko ng bahay, habang binababa naman ni Ayan ang mga gamit ko, I don't expect anyone to welcome me kasi wala naman dito ang parents ko, nasa canada sila with my ate Lorrie, wala din dito ang kapatid kong bunso na si Liam kasi ang alam ko ay may summer class pa siya.

"Surprise!!! Welcome Owie!"

Nagulat ako sa pag sigaw ni Jenah at Margah mga pinsan ko at tita Josie kapatid ni daddy.

"Pano niyo nalaman na uuwi ako?" Tanong ko sa kanila.

Napatingin naman sila sa taong nasa likod ko na tila ba itinuturo.

"Sabi kasi ng mommy mo sabihan ko sila, alangan naman ako lang mag isa ang mag welcome sayo, wala namang kabuhay buhay yun." Sagot ni Ayan Sabay kamot sa ulo.

"Bakit ba ayaw mo sabihin couz na uuwi ka?" Tanong ni Jenah na medyo nalungkot. She is one of my closest cousin.

"Hindi naman sa ganun gusto ko kasi ako mag surprise sa inyo." Sagot ko naman sa kanya sabay yakap. Marami kaming napag usapan, kumain kami ng sabay sabay ng inihanda nila na pagkain.

"Eto talaga yung namiss ko e, yung may kasabay kumain."

"Why couz? Wala ka ba kasama sa bahay?" Tanong ni Margah sakin.

"Meron naman kaya lang madalas kasi may mga trabaho sila ng night shift parehas kasi nurse kasama ko sa bahay, kaya yun pag out nila tutulog na lang tapos ako naman papasok sa office sa umaga."

Nagkatinginan naman ang dalawa kong pinsan at si Ayan naman ay natatawa na ewan kaya binigyan ko siya ng what's with the face look.

"Wala! Okey!? Gusto ko lang pakilala mo ako sa NURSE mo na ka housemates." Sagot niya sa akin sabay wink.

He actualy emphasize the word nurse. Now I get it. Natawa naman ang dalawa kong pinsan na parang kinilig pa sa pagkindat niya, crush kasi siya nung dalawa. Si Ayan ay pinsan ko sa side ni Mom at dahil palagi siya nasa bahay noon ay para ko na din siya kapatid kaya alam na alam ko kung ano ibig sabihin ng mga kilos niya.

"No forget it."
Sagot ko na lang sa kanya.

"Bakit naman best! Don't worry ipapakilala kita dun sa bestfriend ko na nurse." He answer with pacute face. Kaya tiningnan ko siya ng pag babanta telling him na tumigil na siya.

He just raise his both hands telling surrender sabay sabing

"Bilis mo pa din mapikon talaga." And he laugh

I just ignored him and continue eating. Namiss ko talaga etong adobo ni tita Josie, after nun ay nag kwentuhan ulit kami at binigay ko ang mga pasalubobg nila inabot na kami ng gabi sa pag kekwentuhan at di na namin namalayan oras.

"Louis anak aalis na kami ha kaya mo na ba dito mag isa? Naayos ko na pala ang kwarto mo." Sabi ni tita Josie.

"Opo tita kaya ko na dito." pauwi na din kasi si Ayan kaya maiiwan akong mag isa.

"Bye couz! Thanks sa pasalubong."-margah

"Pasensya na di ka namin masasamahan may pasok kasi ko bukas alam mo naman adulting is real unlike the old times now we need to work." Biro naman jennah sabay yakap sakin.

"Una na kami Louis ha? Try ko Bumalik bukas to check ng mga kailangan mo dyan."-tita josie

"No tita it's okey kaya ko na po. Tawagan ko na lang po kayo kung sakali may problema, alam ko naman busy kayo sa resto."

When I hurt YouWhere stories live. Discover now