Chapter 3

7 0 0
                                    

Protect

Pilipion POV.


"Kung sino ka man. Please umalis ka na." Sabi ko nakakairita na siya.

"Nope. Babantayan kita." Hindi talaga siya aalis.

Paano ko siya papaalisin kung sa tingin ko ay malakas siya kaysa sakin.

"Saan ka pala pupunta? At bakit tayo nag lalakad lang?." Sunod-sunod niyang sagot.

"School." Tipid kong sagot.

"Owwh, school. Gusto ko ulit mag aral." Ang saya-saya niya no samantalang ako naiinis na.

Dahan-dahan lang yung paglalakad ko baka sakaling mainip at iwanan na ako. O baka sakaling mahirapan na talaga saakin at iwanan na ako.

"Hmh, by the way. Nag start na pala yung class mo. Pwede mo nang bilisan mag lakad." Sabi niya.

Wow hindi siya nainip? So ako pa talaga ang sinasabihan niya na bilisan ha.

Tinanaw ko ang orasan ko at tama ng sinasabi niya late na ako. Dahil talaga to sa kaniya.

Binilisan ko ang takbo ko para hindi niya ako masundan.

Bumuntong hininga ako at tumigil at pansin ko na hindi na siya nakasunod sa akin tinanaw ko ang saking likuran ay wala na siya. Naiinip nayun kaya hindi na ako sinundan.

Pagtingin ko sa harap ay

"Anong nangyari?."

Napaupo ako bigla dahilan sa gulat na naramdaman ko nang ginulat niya ako! Ano bang klasing nilalang tong babae to.

"Bakit ang bilis mo na naman??." Pag tataka ko.

"I told you nga kasi nga, I'm a fairy.." Ngumiti siya.

"Bakit hindi ka lumipad kung saan mo gusto bakit ka lumalakad kasama ko?." Tanong ko na naman.

"I told you again. I'm your fiary guardian." Ngumiti ulit siya. Ano to wala siyang problema?

"Ano bang pinagsasabi mo. Oh sige fairy ka na. Umalis ka na, tantanan mo na ako." Tumayo ako at nag umpisa ulit mag lakad.

"Hindi nga pwede. Huwag kang matigasin mister." Ayan na naman ang ngiti niya.

Dahan dahan akong pumasok galing sa likuran nang pintuan habang nag susulat si maam sa blackboard.

"Your late!." Si maam joy.

Nakita ako. Patay. Detention.

Yumuko ako at umakmang pupunta sa harap para mag explain kung bakit ako na late. Halos lahat nang classmate ko tumitingin saakin at puro bulungan na naman ang naririnig ko.

Mag sasalita na sana ako nang may biglang pumasok sa room namin. Hanggang dito pa naman?.

"Good morning maam. And good morning classmates. I'm fancasy floraly ficolsem. And I am your new classmate." Ngumiti siya. At tulala kaming lahat sa ginawa niya.

Binulungan ko siya.

"Ask teacher first." Bulong ko na naintindihan naman niya. Pero huli na dahil nag salita na si maam joy.

"Did I ask you to introduce yourself here without my permission?." Maam joy.

Isang pahamak na naman. Wala ba siyang pagiisip? Bakit siya pumapasok nang walang paalam sa guro.

"Pasensya na po." Ngumiti siya.

Halos kaming lahat ay titig  titig sa kaniya. Yung mga bunganga nang aking mga kaklase ay naka nganga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Fairy GuardianWhere stories live. Discover now