Umiiyak ka na naman
Para kang ulap na hindi nauubusan ng patak ng ulan
Sa pag aakalang babalikan
Ka nung taong nangakong hindi ka iiwan kalianmanUmiiyak ka nanaman
Paulit ulit nalang ba
Umaasa sa taong nawala nalang bigla
Hinihintay kita sa pag balik mo, nasan kana ba?Para kang araw sa umaga at buwan sa gabi
Na lumilitaw para paliwanagin ang mundo ko pag may kailangan ka lang uli
Ngunit lulubog at mawawala ka din bigyan mo naman ako ng sukli
Kahit konting pagmamahal lang para sa puso kong nalulumbay at hinihintay ka nanaman sa iyong pagbalikBigyan mo naman ako ng konting oras
Para iparamdam ko sayo kung gaano kita ka mahal
Kung gaano ka kahalaga sa bawat segundo ng aking dasal
Hinihiling at patuloy na hinihiling sa itaas ang iyong pagmamahalMahal, kahit alam kong imposible ang pagbalik mo
Ay maniniwala padin ako sa pag dating mo
Na balang araw ay mamahalin mo ulit ako
At makikita mo ang halaga ko sayo
BINABASA MO ANG
"Magbalik"
PoetryIsang tula para sa mga taong pilit na umaasa at nagpapakatanga sa taong mahal nila.