Lahat ng tao nakakaramdam ng sinasabi nilang pagibig, tulad nalang nang nanyaring kakaiba kay Rowena. Si Rowena ay isang ganap na halimbawa nang isang Normal na Tao. Siya ay nakaramdam ng isang kakaibang parang Himala kay Roy. Si Roy ay masasabi nating napaka sikat, gwapings at mayaman na nag aaral sa pribadong paaralan ng St. John. Parehas sila ni Rowena na nag aaral doon. Parehas din silang nasa ikaapat na taon at parehong best in arts pero magkaiba nang section.
Noong una palang may gusto na talaga si Rowena kay Roy. Yumparang patay na patay siya dito. Pero ang laging tumatatak sa isipan nang dalaga kung magkakaroon ba sila ng ugnayan sa isat isa? Kahit friends lang sila ok na.
Isang araw sa Canteen ng St.John nagkita ang dalawa at una silang nagkatabi. Hindi naman talaga sinasadya ang pangyayari pero nangyari na....
Sa may bilihan ng HotDog.
Pabili po ate, Hot sauce ha .. "Sabi ni Rowena" , Nang hindi namamalayan na nasa likod na pala niya si Roy at ang mga tropa nito. Sa pagmamadali ni Rowena nalagyan niya ng mantsa ng Hotsauce ang damit ng tropa ni Roy.
"Hala wala na akong extrang damit!! Bwisett." Sabi ng tropa ni Roy na si Kenneth.
"Pasensya na di ko sinasadya, Di ko alam na nandiyan ka pala, Pasensya na" Sambit naman ni Rowena sa tono nang pagmamakaawa.
Biglang may sumingit sa usapan "Pre, Hayaan mo na may extra T-Shirt naman ako sa Locker ko, Ipahihiram ko nalang sayo" Sabi ni Roy.
Nakaramdam nang lalong pagkaginhawa si Rowena at lalong tumindi ang pagtingin niya kay Roy simula ng araw na iyon. At paulit-ulit na sinasambit sa isipan ang salitang "Ang bait ni Roy!! "."Buti pa si Roy" "Grabeeeeeeeeeee!!"
Sa Likod ng bawat pangyayari na iyon, hindi nagalit si Roy sa ginawa ni Rowena sa kanyang tropa na si kenneth dahil sa totoo lang, may lihim na pagtingin din si Roy kay Rowena. Ngunit wala pa siyang pinagsasabihan nito maliban lang sakanyang katropa na si Kenneth.
"Alam mo pre, kung hindi siguro dahil sa iyo prinangka ko na yung babaitang yon!, Ano bang meron siya at sa lahat ng nag-gagandahan babae dito sa campus sakanya kalang nagkaganyan?" Tanong ni Kenneth kay Roy
"Ewan ko nga e, Siya yung babaeng basta di ko madefine, basta siya na yata yung perfect girl para sa akin siya na yata!" Sagot naman ni Roy.
"Nababaliw kana ba? Diba may nirereto na sayo yung parents mo. Sige ka pag di mo sila sinunod mawawala na lahat ng luho mo!" Sabi ni Kenneth
"Pre, ilang beses ko bang sasabihin sayo? Ayaw ko kay Mariella, Ayaw na ayaw ko sakanya, Hindi siya ang gusto ko." Sambit naman ni Roy
"Bahala ka nga pre!, Basta kung anong pipiliin mo at ginugusto mo, Susuportahan taka, Pre Paano kaya kung ligawan mo si Rowena?" Tanong naman ni Kenneth.
"Ulol ka pre, Alam mo naman na sa bawat kilos ko kailangan ko pa nang payo ng aking mga magulang. " Sambit naman ni Roy.
Kinabukasan sa bahay nila Roy. Gusto na niyang ipamungkahi sakanyang mga magulang ang lubos na nararamdaman..
"Mom,Dad, May babae po akong napupusuan" May kabang sambit ni Roy sa mga magulang.
"Sino naman ang maswerteng babaeng iyan?" Tanong ng Mommy ni Roy sakanya.
"Mom, Si Rowena po. Si Rowena Mangarap" Sagot naman ni Roy.
"Ha? Mangarap? Hindi kilalang pangalan!. Diba sabi ko naman sayo na si Mariella Magdrigal lang ang dapat mong mahalin?." Singit naman ng Daddy ni Roy.
"Pero Dad, its my life. We Live in a Democratic Country pero sarili niyong anak hindi niyo kayang bigyang kalayaan sa sarili niyang buhay pagibig." Sabay bigkas naman ni Roy
BINABASA MO ANG
Don't Tell me What to Do.
Teen FictionHay naku, Pagibig? Pagibig? Yung iba pag tinatanong mo ng "What is Love?" Ang Sagot nila "PagIbig", Hindi naman sa nagpapatawa diba? Pero tinatagalog lang talaga nila! Pero ano nga ba talaga ang pag ibig? Eto yung naramdaman ni Rowena at Roy sa isa'...