Mrs. Rowena Rosales & Mr. Roy Rosales

174 3 2
                                    

"Congratulations, Best Wishes" , Ang sabi ng lahat matapos ang simpleng kasalan nila Roy at Rowena.

"Kamusta na kaya ang anak ko?, Nasa mabuting kalagayan pa kaya siya?"Ang paulit ulit na tanong na bumabagabag sa isipan ni Marco, (Ang Ama ni Roy). Matapos kasi ang Lahat, nagsisisi na sa kanyang ginawa ang dating ganid na ama. Hinalughog ni Marco ang kalakhang maynila upang hanapin si Roy na pinagkaitan niya ng kalayaan. Ngunit sa totoo lang, ang pamilya ni Roy sa sobrang takot lumipat sila sa mas malayong lugar. Ang Lugar kung saan mapabubuti ang kanilang kalagayan. Ang Lugar na tinatawag na Cebu. Inilihim lang pala ni Anita(Ang Ina ni Roy) ang Lahat kay Marco. Ipinadala niya pala ang mag anak ni Roy sa Cebu. Sa Cebu kasi naninirahan ang ina ni Anita o ang lola ni Roy.

"Wow, Ang ganda pala dito sa Cebu" Ang sabi ni Rowena sa sobrang pagkamangha. "Saan banda nakatira ang lola mo dito Roy" Ang tanong ni Rowena.

"Doon banda sa Minglanilla. Tara na. ako na magbubuhat kay Felipe" Sagot ni Roy.

(Si Felipe ang bunso at panganay na anak nila Roy at Rowena)

Nakarating na sila Minglanilla Cebu, Nang Mahagilap ang bahay ng kanilang lola nasi Corazon. Agad silang nag mano sa Matanda.

"Lola, Kamusta na po kayo? Kaytagal na po nating di nagkita. Naaalala ko pa dati rati'y pinapagalitan niyo pa po ako at pinapalo sa pwet pero eto na po ako ngayon may asawa't anak na, lola dito po muna kami maninirahan at si Rowena, Ang aking asawa napo muna ang mag aalaga sainyo." Sambit ni Roy kay Corazon.

"Ha? Ano nga bang sinasabi mo?. Hindi kita maintindihan." Ugod ugod na pagsabi ng matanda.

Si Lola Corazon ay matanda na, siya ay binge at nag aantay nalang ng kanyang kamatayan.

"Tara na't pumasok na tayo sa ating kwarto at bukas na bukas maghahanap na ako ng trabaho para hindi naman tayo yung tipong umaasa lang sa pensyon ni lola"Sabi ni Roy.

Pumasok na sa kwarto ang mag anak matapos ihatid si Lola Corazon sa kanyang sariling kwarto.

Kinbukasan...

"Anita? May nalalaman kapaba tungkol sa ating anak na si Roy?" Tanong ni Marco sa Asawa.

"Ano Kaba Marco? Matapos mong palayasin ay maghahanaphanap ka riyan!" Sagot ni Anita.

"Nagsisisi na ako sa aking mga ginawa, hindi ko naman kasi alam na seseryosohin ni Roy ang mga sinabi ko. Inaalala ko lang siya." Mungkahi ni Marco.

Isang gabi.. Dinalaw ni Rowena si Lola Corazon sa kanyang silid. Agad siyang napasigaw.

"Roy,Roy??" Sigaw ni Rowena. "Roy Si Lola Corazon." Sigaw muli ni anita.

Nabulabog ang natutulog na Roy na pagod galing sa paghahanap ng Trabaho. Hindi lang siya dahil pati ang anak nila na si Felipe ay umiyak dahil sa pagkabitin ng tulog.

"Rowenaaaaaaaaaaaaaa!!! Bakittttt ??" Pasigaw na tanong ni Roy.

"Halika dito sa silid ni Lola Corazon. Si Lola Corazonnnn!!!!!" Pasigaw na sabi ni Rowena.

 Mabilis na pumunta si Roy sa Silid ni Lola Corazon..

"Si Lola Corazon, Hindi na Humihinga. Sumakabilang buhay na" Paiyak na sabi ni Rowena.?

"Ha? Hindi maari yan. Kararating lang natin dito. Masakit man isipin pero kinaya lang niya ang lahat upang hintayin na may tumira dito sa kanyang bahay" Lumuluhang sambit ni Roy.

"Anong Gagawin natin? Tatawagan ba natin si Mama Anita?" Tanong ng lumuluhang Rowena.

"Paano yan? Edi makikita tayo ni Daddy dito? Malalaman niyang narito tayo?" Sagot ni Roy.

"Pero kailangan natin tong ipaalam kay mama Anita" May pagaalalang banggit ni Rowena.

"Hala sige bahala na." Sabi ni Roy.

Tinawagan nila si Anita.

"Kriiiiinnnggg !! Kriiiiinnnggg!!" Ang tunog na telepono.

"Hello sino ito?"Sabi ni Marco.

Nagulat ang dalawa dahil lalaki ang sumagot sa telepono, at walang paghihinayang na si Marco ito.Nagsalita si Rowena gamit ang ibang boses.

"Ahhhh, Pwede po ba kay Anita?" Sagot ni Rowena.

"Oh sige ho saglit lang." Sabi ni Marco.

Nakahinga ng malalim ang dalawa. At hinintay si Anita

"Hello. Sino ho ito?" Tanong ni Anita.

"Mommy si Roy to, patay na po si lola." sabi ni Roy.

"HA. huhuhuhuhu. Sige luluwas ako jan bukas" sagot ni anita.

"Huwag mo pong isasama si Daddy, hindi papo ako handang makita siya." Sagot ni Roy.

"OO, Alam ko, Wag kang mag alala." sagot ni anita.

Lumuwas ng maynila si Anita papuntang Cebu, Ngunit hindi niya inaasahang susundan siya ni Marco.

Nakarating si Anita sa Cebu at nakapunta sa bahay ni lola corazon, at nasundan siya don ni Marco.

""Kamusta anak? Kay tagal na nating hindi nagkita. " Sabi ni anita

"Mommy, Ok Lang po pero si Lola Hindi po. Patay na po siya" Sagot ni Roy.

"Anaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkkkk!!!" Singit ni Marco.

Nagulat ang lahat dahil sa hindi inaasahan .

"Marco? Bakit ka nandito? Sinundan mo ako?" Tanong ni Anita.

"Ay Hindi, hindi kita sinundan. Picture ko lang to!" Sagot ni Marco.

(HAHAHAHAHAHAXD BiGLang Comedy, Pasingetttt -Peejay)

*Continue*

Tumakbo sa Salas si Roy, pero sinundan siya ni Marco.

"Bakit ka nandito daddy?, Hindi mo ba alam na dinidibdib ko parin ang sakit na sinabi mo sa akin dati" Sabi ni Roy.

"Anak, Pagpasensyahan mo na!, Hindi ko naman alam na seseryosohin mo ang lahat na aking sinabi. Bibigyan na kita ng kalayaan. Mapatawad mo lang ako" sambit ni marco.

"Hindi ganon kadali yon. Lalo na't bakas parin ng aking kasiranlan ang mga pasa na iyong ipinadama sa akin." sagot ni Rowena.

"Daddy patawarin mo na si Lolo." Singet naman ni Felipe.

"OO nga anak, Simula noong pinagsisihan na ng daddy mo ang lahat"sambit naman ni Anita

"Kaya nga mahal ko, Tama na para kay Lola Corazon" Sabi ni Rowena.

"OO nga Apo patawarin mo na siya" Sambit ng kaluluwa ni Lola Corazon

Nakunsinti ng lahat si Roy..

"OO pinapatawad na kita. Pasensya narin po sa katigasan ng aking ulo dati" Sabi ni Roy.

Niyakap ni Marco si Roy at naayos na ang Lahat.

Makaraan ng 10 araw, Nailibing narin ang hindi matahimik na kaluluwa ni Lola Corazon. At bumalik sa dati ang lahat

                                               WAKAS:D 

Don't Tell me What to Do.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon