"YIIEEEEEEEEEEEE" GOSH ako ba yun?
After nun bumalik na lahat ng contestants sa backstage tapos yung host na lang ang natira.
"Nag-enjoy ba kayo guys?" sabi ng host
"YESSSSSSSSS"
"Pero lahat ng bagay may katapusan kaya. See you next year na lang sa BATTLE OF THE BANDS"
"WOOOOOOOOOOHHHHH"
"Julia tara puntahan natin sa backstage yung parking 5"
"Hayy nako porket nakita mo lang LOVES mo pupuntahan mo na. Tara na nga"
Pagpunta namin ng backstage. Tinanong namin yung staffs dun kung san namin makikita yung Parking 5. Nung nasabi na samin Binilisan namin ang pagpunta dun kaso may nauna na yata sa amin.
"Akala ko hindi ka na makakapunta" si Daniel yun may kausap na babae na may hawak na video cam.
"Congrats ha." Tapos niyakap nung babae si Daniel. Teka ibig sabihin ba nun siya yung tinutukoy niyang may hawak ng video cam niya?
Ibig sabihin nun hindi ako?
Hindi rin para sakin yung Kinanta niya kanina?
Ang sakit naman nun sa puso.
At isa pa yung babae na yun ay yung babaeng nasa likod ko kanina. Ibig sabihin all the time pag akala kong tumitingin siya sakin hindi para sakin yun. Na nung akala kong kumindat siya sakin hindi para sakin yun.
At siguro siya rin yung tinutukoy niyang babae dun sa video cam niya na naiwan niya sa bus. Akala ko okay na ang lahat nung nakita ko siya. Nakalimutan ko may mahal nga pala siyang iba. Bakit ba kasi umasa-asa ako na para sakin yun?
Ako na siguro ang pinkabobong babae. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa lalaking yun? Sana hindi na lang ulit kami nagkita.
At sana hindi ko na lang siya minahal dahil sa una pa lang alam ko naman na hindi kami para sa isa't isa.
"Huy kath okay lang yan. Sabi ko naman sayo e. Huwag ka nang umasa dun sa lalaki na yun. Huy wag ka nang umiyak."
"Juls tara na." Sabi ko at tumakbo na ko palabas ng backstage.
"Kath. Nagpasundo na ko kay daddy hintayin na lang natin siya."
Iyak lang ako ng iyak ganito pala yung feeling na masaktan. Dapat pala matagal ko ng hinanda ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Para kahit papano hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
"Kath tara na kath nandyan na sila daddy"
__________
Pagkahatid sakin nila Juls umiyak lang ako ng umiyakHanggang wala ng lumalabas na luha sa mat ko siguro naubos na sa dami ng naiyak ko. Di ko din alam na nakatulog na ako sa kakaiyak.
Kinabukasan pag-gising ko diretso agad ako sa salamin tinignan ko sarili ko. Grabe mugto na mugto na yung mata ko. Buti na lang sunday ngayon walang pasok. Naligo na ako at nagbihis. Pagkatpos ay naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Pero nasan kaya yung video cam nakalimutan ko na yung nangyari dun. Siguro nandun kay Julia.
Naisip ko rin na kapag umiyak pa ko hindi naman na nun mababago lahat ng nangyari kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko iiyak dahil dun sa lalaki na yun.
"Kath, Gising ka na ba kain na tayo" Sabi ni mama
"Sige po Ma susunod na lang ako"
"Sige, nak bilisan mo at naghihintay ang pagkain"
Inayos ko lang ang higaan ko at bumaba na ko.
"O, anak bakit ganyan ang mata mo?" Expected ko na yan ang sasabihin ni Mommy pag babako kaya prepared na ko sa explantaion ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1625214-288-k464775.jpg)
BINABASA MO ANG
Hinahanap-hanap kita aking prinsesa [KathNiel FanFic] Short Story
RomanceNagmahal ka na ba? Posible bang magmahal ng isang taong isang beses mo pa lang nakikita? Ni hindi mo nga alam pangalan niya e.