— ☪ —
Umalingawngaw ang isang matinis na tunog sa kwarto na naging dahilan ng paggising ng isang dalaga.
Noong una ay wala pa sa ulirat itong kumurap kurap, pero nang napagtanto kung saan nanggaling ang tunog na iyon ay napataranta siyang tumayo, tiningnan niya ang lalaking pasyente at ang isang monitor kung saan sinusubaybayan ang heart rate ng isang tao.
Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang kaninang pagtaas baba ng heart rate nito ay ngayon isang linya na lamang. "N-No. Hindi p-pwede," nanginginig na sambit ng kanyang labi. Inalog alog ng nanginginig niyang mga kamay ang balikat ng pasyente, "Hindi ka pa pwedeng mamatay! May dapat ka pang malaman!"
Dali daling itong lumabas ng kwarto at nagsusumigaw ng tulong sa pasilyo. Kaagad namang naalarma ang mga nars at doktor nang marinig ang kanyang palayaw. Nanatili siyang nasa labas ng kwarto habang nakamasid sa loob.
Ang walang kabuhay buhay na kasintahan nito ang nagpabigay sa kanya ng labis na pighati. Tuluyan nang tumulo ang kanina pang nagbabadyang luha kasabay ng pagiwas niya ng tingin.
Sumalampak ang nanghihina niyang katawan sa upuan. Hinayaan niya lang umagos ang luha sa kanyang pisngi.
Ano pa nga ba ang punto ng pagbahid ng kanyang mga luha kung hindi naman ito titigil sa pagpatak?
Lalo na't ngayon, wala na ang kanyang minamahal.
Mabigat. Napakabigat sa dibdib. Halos malunod ang sarili niya sa kanyang pagiisip. Puno ng pagsisisi. Sinisisi nito ang sarili dahil sa lahat na nangyari sa kasintahan.
Dapat pala nanatiling tikom ang bibig nito sa nangyari. Pero huli na ang lahat at pagsisisi na ang nagunguna sa kanyang sistema. Napahilamos naman ito at tuluyan nang humagulgol.
"Kahit sino. Kahit ano. Basta mabubuhay lang siya,
gagawin ko ang lahat. Bibigay ko ang lahat."
Sa kabilang dako nama'y binigay nilang lahat ang kanilang makakaya. Pero hindi na talaga kayang lumaban ng pasyente, dumating na ang kanyang oras. Iyon ay ngayon.
Bagsak balikat ang lahat ng nasa loob. Lahat ng tao ay dapat tanggapin ang ganitong katotohanan, masakit man ay dapat tanggapin.
Rich or Poor. Beauty or not. Good or Bad. We'll all end up in the same box; At iyon ay ang itinadhana sa lahat, ang kamatayan.
Tiningnan ng doktor ang kanyang relo, "Time of Death : 12:00 AM."
— ☪ —
Sa pagpatak ng alas tres.
3:00AM
Sa loob ng isang kwarto na naglalaman ng mga metalyang kabinet, pumagitna doon ang isang patay. Handa nang kunan ng mga lamang loob para sa darating na lamay.
Napakatahimik at lamig ng paligid.
Munting gumalaw ang darili ng nakaratay na patay, hanggang sa tuluyan nang maigalaw nito ang naninigas niyang kamay. Sa pagbukas ng kanyang mga mata ay matinding hapdi ang sumalubong sa kanya, sobrang tuyo nito kaya kinurap kurap siya upang masanay sa paligid.
Kunot noo siyang tumayo at bumaba sa kanyang malamig na kinahihigaan. Napatigil siya nang makita ang repleksyon nito sa isang makinis na metalyang pader na nasa kanyang harapan.
Halos bumiak ang kanyang labi dulot nang dehydration nito. Sobrang putla ng taong nasa harapan niya, mismong ilalim ng mga mata nito ay naging kulay asul. Nagmismong yelo din ang kanyang katawan dahil sa ilang oras nitong paghiga sa loob ng nakakamatay na tahimik at lamig ng morgue.
Sa sitwasyon ngayon ay nagmumukha siyang patay na nakatayo, nakakalakad at nakakakita; pero ang mismong paghinga o tibok ng puso nito ay hindi man lang niya maramdaman.
Unti unti niyang naramdaman ang init na dumadaloy sa kanyang katawan, kung paano ito naglakbay papunta sa kanyang kamay, paa, mukha.
Napasinghap siya ng nagsimula nang tumibok ang kanyang puso.
Oras na.
— ☪ —
Hindi pa nagka-chapter 1 yung Book of Shadows. Pero may ni-publish ulit kami haha. Hayaan na lang, dalawa naman kaming naghahandle nito ((: Dedicated kay kuya Dave, since ang galing nung Stay Awake /sobs/ ((:
Don't forget to vote and comment!
— s&m
BINABASA MO ANG
Reaping Souls
Mystery / Thriller☦ a filipino mystery/thriller novel written by slghtrmadness ❝ she's death. he's life. she hates them. he pity them. both of them are detectives. he's a real human. she's pretending to be a human. she's finding the missing soul. he's the missing sou...