Chapter 1

3 0 0
                                    

"Luna"

"Luna"

Rinig kong may tumatawag sa akin mula sa bintana ng kwarto ko.

Alam kong si janus yun.

Di ako nagkamali. Nakita ko nanaman yung mata nyang makinang at yung bilog na bumabaon sa kanyang pisnge kapag sya'y ngumingiti.

Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan sya sa labi.

"Sumunod ka sa akin luna, may ipapakita ako sa'yo." Sabi ni janus

"Pero si Ama, Sigurado akong magagalit yun kapag nalaman nya na sumama nanaman ako sa'yo."

"Saglit lang luna, pakiusap"

Ayan nanaman sya, ano pa nga bang magagawa ko kundi pagbigyan ang mahal kong si janus . Di ko matiis kapag may hinihiling sya sakin. Nahihirapan lang ako, kaya't sinabi ko sa kanya na bilisan lang namin.

"Mag aalas kwatro na, Limang minuto na lang at makikita mo na ang aking sorpresa sayo" Sabi ni Janus at hinawakan ang aking kamay ng kay higpit.

Hindi ako mapakali, bakit ako kinakabahan.

Parang may mali sa sorpresa ni janus sa akin.

"Luna" Malambing nyang tawag. "Heto na." At tumuro sya sa papunta sa kalangitan.

Totoo nga, totoo ngang may buwan. Napakaganda nito at bilog na bilog.

"Mahal na mahal kita, mula sa buwan at pabalik."

"Gayon din ako janus." At niyakap nya ko ng mahigpit.

Pagkayari'y sinakop kami ng liwanag na nanggagaling sa buwan.

Bigla akong nagising mula sa panaginip ko. Agad kong tiningnan kung anong oras na.

It's 4o'clock.

Humagin sa bintana ko at naging dahilan ng pagtaas ng kurtina.

Nakita ko yung buwan, bilog na bilog at napakaganda. Bigla akong kinilabutan dahil lalong lumakas yung hangin.

Panaginip lang yun, luna. Please, panagi—

"Luna" tinakpan ko yung bibig ko ng banggitin ko yung pangalan ng babae sa panaginip ko, na pangalan ko di:

What the heck?!

Agad akong nagtalukbong ng kumot at saka pinilit na patulugin ang sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

4 o'clock(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon