1- Pagkatapos ng Panahon

3 3 0
                                    

Ang panahon ay lumilipas
Tumatakbo ang oras,
Nabubura ang mga alaala
Ang nararamdaman ay nawawala.

Ang pag-ibig ay ang kaunting saya,
ng maalala ang mga nangyari na.
Ito rin ay nagbibigay ng lungkot at luha
nang iyong mapagtanto na ito na lamang ang natitira.

Pero ang sakit na aking natamo
ay tagos mula sa aking puso,
dahil ang sugat ay nagi-iwan ng marka
tulad ng ating mga nagdaan na alaala.

Parehas at sabay na sumuko,
para sa isa't isa'y hindi pinagtagpo.
Ang pangakong pagmamahalan ay napako,
kaya sa puntong ito, tayo'y naglayo.

Muntik ng mapag-iwanan
sa mga alaala ng kahapon.
Ito'y hindi na binalikan,
At matagal ng itinapon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POEMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon