Mga kinang ng iyong mga mata't
lamig ng titig,
Hubog ng labi mo't ngiting
sa'kin nagpapakilig
Mahal ko ang lahat sa'yo,
alam mo ba?
Saksi buong mundo,
heto't marami pa
Ang 'yong suot,
amoy mong kay bango't
mga kamay mo,
Pintig ng puso't
lahat ng sa'yo'y
sana ay ako
Mahal kita,
Saksi buong mundo, sinta
Maghihintay sa'yo,
Sana'y malaman na...
Bawat sandali't oras, mahal ka
Bawat sulok, sa'n pa man, mahal ka
Pagmamahal ko'y 'di na magbabago pa
Tinamaan na
Ewan ko ba
Umulan ma't umaraw, ikaw lang
Taglamig ma'y uminit, ikaw lang
Ang mahalin ka'y panata ng
pusong 'di bibitiw
Giliw, alam mo ba?
Sa puso ko'y ikaw
ang MVP ng bawat laro
Pagtugtog mo ng piano
wari'y hinehele ako
Sa tuwing tayo'y
nagbabasa'ng mga libro
Nawawalang bigla
'pag tinitigan mo
Ikaw ang aking kalakasan
tuwing nanghihina,
Isang ngiti mo lang
lahat gumagaan
Bawat sandali't oras, mahal ka
Bawat sulok, sa'n pa man, mahal ka
Pagmamahal ko'y 'di na magbabago pa
Tinamaan na
Ewan ko ba
Ang lahat biglang lumiliwanag
'Pag kasama ka ay walang mahirap
Ang mahalin ka'y panata ng
pusong 'di bibitiw
Giliw, alam mo ba?
Mahal na mahal kita, sinta
YOU ARE READING
Song List
Sonstigesthis is my songlist so free to read ang sing this but DON'T.YOU.DARE. judge this book