The Tiu-per Duper Fan Girl

267 8 5
                                    

(Today is July 15, 2012)

Lahat tayo ay may kani-kanyang iniidolo – artista, mang-aawit, host, DJ, reporter o kaya naman manlalaro. Tila isang bukas na aklat ang aking buhay pagdating sa natatangi kong idolo, walang iba kundi si Chris Tiu.

Mahilig akong manood ng laro ng basketball kaysa sa volleyball. Ewan ko ba, siguro dahil sa lumaki akong kasama mga uncle ko na nanonood lagi ng basketball. Una, PBA lang alam ko, siyempre GINEBRA ata to! Pero, nang ako’y nasa kolehiyo na nag-iba na ang gusto ko. Nalaman ko ang UAAP at doon nagsimula ang lahat!

Napukaw ang aking atensyon sa koponan ng ATENEO BLUE EAGLES. Siguro, dahil na rin sa face value nila kaya ganoon., hehehe! Ang nakikita ko lang na naglalaro pa noon ay sina Enrico Villanueva, Larry Fonacier, Rich Alvarez, Wesley Gonzales at siyempre si Lewis Alfred “L.A.” Tenorio. Aaminin ko, bangko pa lang noon si Chris Tiu, kumbaga sa prutas, bubot pa. Hanggang sa dumating na ang panahon na kailangan ng umalis ng iba. Makalipas ang ilang taon, dito na nag-umpisa ang karera ni Chris Tiu. Sinubaybayan ko ang bawat laro nila, kung hindi man ako makapanood, nakiibalita na lang ako. Pinangarap ko talaga siyang makita sa personal kahit na magpakuha lang kami ng litrato o kaya nama’y magpapirma lang! Lumipas ang mga taon, natapos na siya sa UAAP, di ko pa rin nakakamit ang aking pangarap. L

Hanggang sa di inaasahang araw…

June 19, 2010 – (tanghaling tapat yun alam ko)

 Nasa bahay ako ng aking tita, nakiki-internet. Nakita kong paparating aking ina na humahangos pa.

“Mic, si ano… si…” sabi ng mama ko

“Sinong ano?” sagot ko

 “Si… si Chris Tiu nasa Tibagan Elementary School!”

 “Ha? di nga mama?”

 “Oo, dun sa tindahan natin huminto yung kotse nya at sa akin nagtanong! Nagulat pa nga kami, grabe ang pogi nya at ang ganda ng kotse, puting Volvo! Magmadali ka, pumunta ka na run baka di mo siya maabutan.”

 “Hala, di pa ko naliligo, nakakahiya…”

 “OK lang yan, magpalit ka na lang ng damit at maghilamos!”

 “Sige, sige!”

(very supportive si mama! J)

Nagmadali akong umuwi sa amin upang maghilamos, magpunas-punas, magpalit ng damit at syempre magpabango. Sama-sama kami ng aking kapatid, pinsan at pamangkin na pumunta sa school. Mabuti na lamang at may charge pa ang battery ng digicam ng pinsan ko. Sadyang napakabait ng tadhana, naroon ang kapitbahay naming kapitan. Nagpatulong kami para makita si Chris Tiu. Sinabi nya na magka-partner daw ang aming barangay at ang barangay nina Chris tungkol sa isang proyekto sa edukasyon. (barangay kagawad po kasi siya sa San Lorenzo Village) Pinasama pa nya kami sa assistant niya (ni kapitan) para makapasok sa school. Grabe, alam mo yung feeling na habang naglalakad kami papasok sa school eh nagsisimula na akong manginig at manlamig! Haysss… nakakaloka talaga! Umakyat na kami sa 5th floor pero wala na siya sa auditorium, nangingilid na luha ko kasi baka di ko na siya naabutan. Pero di ako nawalan ng pag-asa kasi naroon pa yung kotse nya! Hinintay na lang namin siya na makababa sa ground floor kasi baka dumaan pa yun sa principal’s office.

Ang pinakahihintay… (parang drum na ang puso ko!)

*eksena*

(pababa si chris sa hagdanan...)

(kabado ako, malamang)

(nakababa na si Chris...)

Ako: hi! pwede pa picture?

Chris: sure, why not!

(piktyur piktyur)

Chris: (inabot ang kamay sa kamay ko, malamang shake hands) +gulat ako+

Ako: nice meeting you! I am an Ateneo Fan... :) +ngatog+

Chris: wow, thats nice, thank you very much! (syempre nag smile nam bongga!)

Ako: (napa smile, na tunganga)

*umeksena am pinsan ku*

jamie: teh, picturan mu rin kami

Ako: teka, nangangatog ako... (habang hawak ang cam)

Chris: oo nga eh, nanginginig ka! :)

Ako: hehe... (click sa cam!)

*tapos na pa pic. naglakad na si chris*

(dun na nku nakatile!!! at sabay sabing, pwede na ko mamatay!!! ^^,)

(pasakay si chris sa kotse nyang White Volvo XC60, nagba bye xa, lalo ko kinileg!!!)

-done

Sana maulit muli… J

Nabalitaan kong kabilang siya sa Smart Gilas at may tournament ang FIBA Asia dito sa Pilipinas. Pinaghandaan ko talaga iyon. Nagpagawa ako ng t-shirt na may picture namin ni Chris at bumili ng ticket upang makapanood nang live sa Ultra, syempre nasa pinakaunahan talaga kami!

May 28, 2011 - Dumating na ang araw na pinakahihintay ko! (I’m so excited to the highest level!) Napakalakas ng ulan nung araw na yun, pero di pa rin ako nawalan ng pag-asa. Inayusan pa ako ng aking bff, kinulot, nilagyan ng make-up! Di naman talaga obvious na pinaghahandaan ko talaga actually bumili pa ako ng super permanent marker para mapapirmahan ko ang t-shirt ko, hehehe…

Bumaba na kami ng pinsan ko sa FX at habang naglalakad kami papunta sa entrance, ayan na naman ang puso ko, ang bilis ng kabog, yung kumakabog-kabog na talaga! (Ang O.A. na noh? Pero yan talaga ang naramdaman ko!) Dinala na kami ng usherette sa aming pwesto. Medyo napaaga ang aming dating pero ok na yun.

Bago magsimula ang laban, naghagis pa sila ng t-shirt ng SMART Gilas! Swerte ko talaga, sa akin inihagis ni JV Casio! Nagsimula na ang laban. Ang lahat ay nagsisigawan para sa SMART Gilas. Ako naman ay di mapakali sa tuwing nasa court si Chris lalo na nung natumba siya. Naging exciting ang laban ng mga oras na iyon hanggang sa ideklarang sila ang nanalo laban sa Saudi Arabia. Dali-dali kaming tumakbo ng pinsan ko patungo sa kabilang side ng court kung saan dumadaan ang mga manlalaro. Hinintay ko si Chris hanggang sa di ako makapaniwalang nasa harap ko na siya. Iniabot ko lang ang marker sa kanya at agad nya itong binuksan upang pirmahan ang t-shirt na may picture naming dalawa na suot ko nung araw na iyon! Pagkatapos nun, nagpakuha ulit kami ng litrato! (ang alam ko, hawak ko kamay niya nung oras nay un kahit na basa ng pawis, keri lang! J) Hindi kami umalis sa pwestong iyon kahit na nababangga na kami ng mga foreign players, nagbabakasakaling dadaan siya ulit hanggang sa pinaalis kami ng isang guard! Asar na asar ako nun, pero may isang good Samaritan na nagsabing dun daw kami maghintay sa kabilang gate at dun daw dumadaan ang mga players. Agad kaming pumunta, mabuti at mabait si kuya guard at pinayagan kami. Naghintay kami run, unang lumabas si Dylan Ababou! (actually, crush ko rin sya) tapos si Asi Taulava, next si JV Casio na namukaan pa ako. (syempre nagpasalamat ako sa kanya kasi sa akin niya inihagis yung t-shirt nung tinawag ko siya at sinabing “wala yun, salamat din sa suporta! J”) Muntik na ako mawalan ng pag-asa kasi di pa rin lumalabas si Chris Tiu. Pero sinabi ko sa sarili ko “Manalig ka lang, lalabas din yun!” at di nagtagal, lumabas na nga siya! Nagpakuha ulit kaming dalawa, tapos kinuhanan ko rin siya ng solo pic! Pagkatapos nun lumabas na kami, at ito ang nakakakilig na part, sabay kaming naglakad. Imagine that? That moment was awesome and unforgettable! At habang naglalakad kami, nakikipag-usap pa sya! Haaayyyyy… gusto ko mahimatay nung oras na yun. Kaso kailangan na nyang umakyat sa service bus nila then before he finally go there, he gave the best smile I’ve ever have! J

He is my inspiration and strength everyday! Kaya nga yung picture naming dalawa nasa table ko para kahit badtrip na ako sa mga pasaway kong mga estudyante, makita ko lang ang smile nya, OK na ko! J

Today is his birthday. Kakatapos nya lang tumugtog sa Party Pilipinas! Ang gwapong pianist! Haaaayyyyyyyyyyy…. Nakakakilig!

I am hoping that I will meet him again soon! J

Thank you for reading and have a nice day! J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Tiu-per Duper Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon