Yung feeling na, kapag nakikita mo siya, para kang ngingiti o kaya naman ay pasimple lang na sinusulyapan mo siya para malaman kung tinitingnan ka rin niya.
"Friend ayan ka nanaman oh! Lutang ka nanaman dahil sa nakita mo na naman yang crush mo."
Ganyan ako palagi. Kapag nakikita ko kasi siya, yung ngiti niya, yung mga tawa niya na minsan ay nakakahawa, at yung maamo niyang mukha, para akong titili sa kilig na nararamdaman ko rin minsan kapag lalapitan niya ako para kausapin o kaya naman ay....
"Ayan na siya friend! Papalapit na sa atin ang dakilang enemy mo sa buong campus!"
Tama ang nabasa niyo. My crush is My Enemy. He's the bullier and I am the pretty girl ah este the ugly girl.
"Martha! Pangit! Gawin mo nga 'to!" Sabay tapon sa akin ng notebook niya na puno ng drawing at may kaunting notes sa bandang last page ng notebook niya.
Akala niyo mabait ano? Hahaha oo supaldo siya, mayabang, young master ng palasyo niya, leader ng isang grupo ng mga bullier at higit sa lahat palautos!
'Gwapo naman sana, masama nga lang ang ugali!'
"At ano na naman 'to? Atsaka, bakit ako ang gagawa? wala ka bang mga kamay para gawin ang lahat ng ito? Mas maiintindihan ko pa kung wala kang UTAK! Pero kamay? Tsk. Akina yang kamay mo at IPAPAPUTOL ko para ako ang gagawa nito." Matapang na sabi ko sa kanya habang nakapameywang ako at inaabot ko ang kamay ko sa kanya para abutin ang kamay niya.
'Ako lang lumalaban sa kaniya ng ganito. Ganun ako katapang!'
'Akala mo hindi kita papatulan? Hmp! manigas ka!'
"Anong sabi mo?"
"Ang alin doon? Marami akong sinabi. Saan doon sa sinabi ko para naman maulit ko."
"Yung wala---"