Enjoy!Sana magustuhan niyo
*Tenenenenen*
-------
Sa panahon ngayon, di na uso ang tatanga tanga.
Dapat laging praktikal.
Mahirap mabuhay.
Pero para sakin,minsan may mga patalim na hindi nakakasugat ng malalim.
"Basta 50/50 tayo ha?Gipit din ako ngayon, mga brad" pagsang ayon ko. Tumango naman si Jabar at Brando.
Ngumisi ako bago hinarap tong lalaking andito pa pala na pilit pa ring inaalis ang kamay ko sa braso niya.
Pero dyusmiyo,parang bakla
kung humila,walang force!"Walang samaan ng loob, bata. Kasalanan mo to, bat mo kasi iminodel yung sasakyan mo.Galing ka bang fashion show?, "wika ko,kahit di ko pa rin talaga naaaninag ng mabuti ang mukha niya.
Hinablot ko yung sukbit niyang
backpack tsaka binuksan.Normal lang naman ang laman.Iilang libro, notebook,at isang white shirt na nakatiklop ng maayos. Wala dito yung wallet.
Ibabalik ko na sana sa kanya ng may biglang mahagip ang mata ko.
Patay kang aleng ka.
Kung tama ang nakikita ko, paniguradong lagot kami nito. Itinaas ko ang ulo ko para makita siya.
Nakatingin lang din siya sakin, walang emosyon sa mga mata.
"Aleng ano ba, bilisan mo! May makakapansin pa satin neto sa bagal mong yan," inis na sabi ni Brando at akmang aagawin sakin yung backpack.
Mabilis ko naman itong isinara at pinigilan ang kamay niya.
"Brad, walang laman yung bag pwede ba?!Mukhang masipag mag aral si totoy at puro libro ang laman nito. Try nyong kapkapan, baka asa bulsa ng pantalon niya yung wallet niya.Awat na tayo dito sa bag, pokonsuwelo na natin kay totoy." litanya ko.
Napakamot naman sa ulo niyang mukhang di nababahiran ng kalinisan si Brando. Tumango ito bago sinenyasan si Jabar na kumapkap.
Kinapa ni Jabar ang dalawang bulsa ni totoy.Sakto naman dahil nandun nga sa bulsa niya yung wallet.
Aba malaki!
Binuksan na ni Jabar ang wallet at nagmukha itong nakakita ng engkanto.Sinilip naman ni Brando yung hawak ni Jabar at napapalatak.
"Kingina naman,oh! Ano to?! Basurahan? Kolektor ka ba ng resibo bata? Ni condom wala,talaga namang ginagalit mo ko!" sabi niya at naglabas ng balisong. Itinutok nito ang patalim kay totoy na ngayon ay nakatingin pa rin sakin.
At dahil mabait ako,
"Brando, tama na yan.Ayaw mo naman sigurong makarating kay Franco to diba? Wala tayong mapapala dyan" seryoso kong wika. Napatingin naman si Brando sakin bago ibinalik ang tingin kay totoy.
Ibinaba niya na ang kamay at humarap kay Jabar.
Pero dahil alam ko na ang karakas nito, humakbang ako ng mabilis papunta sa lugar ni totoy at sinangga gamit ng braso ko ang balisong na iwinasiwas nito para saksakin si totoy.
Nahawakan ko ang braso nito at mabilis itong inikot patalikod bago ko sinipa ang likod nito para ito ay mapaluhod.
Napadaing naman ito at sinabing titigil na. At dahil nga mabait ako, bago ko bitawan ang braso ni Brando ay binali ko muna ito.
Isang malakas na sigaw ang nagpabulabog sa buong eskinita.
"Araaaaay!!!"
Napatalon ang mga pusa paakyat ng bubong at tumahol ang mga aso. May ilang napatingin sa labas ng bintana pero isinara rin ito ng makita ang mga sangkot sa ingay.
"Pangatlo mo na to,Brando. Masyado ka nang gumagawa ng ingay. Tandaan mo nauubos ang bait ko. Isang pitsel na nga lang, inaaksaya mo pa" wika ko malapit sa tenga niya bago ito pinawalan.
Pagkabitaw ko, agad na kumaripas ng takbo ang dalawang ugok.
Hawak hawak pa ni Brando ang braso nitong namamanhid na. Tinanaw ko ito hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
"Bakit mo ginawa 'yon?, " isang malamig na tinig ang nagpaigtad sakin.
Hinarap ko ang pinanggagalingan ng mala anghel na boses na ito at nakitang hawak na nito ang bag na siyang dahilan kung bakit ko siya iniligtas.
Tiningnan ko siya sa mata.Hindi lang pala dun, buong mukha.
Una mong makikita ang kanyang malalalim na mga mata na hihigupin ka palapit sa kanya. Sunod ang matangos nitong ilong, pababa sa manipis na labi nitong nakabukas ng kaunti.
At ang buhok nito ang pinakanagustuhan ko. Kahit madilim ang buong paligid, ang mala abo nitong mga buhok na medyo magulo ang kumumpleto sa mala anghel nitong anyo.
Tumikhim ako.
"Ayokong mamatay nang maaga,bro, "seryosong sabi ko sa kanya.
Itinuro ko ang bag na hawak niya, "Bumalik ka na sa kung saan ka mang planeta nanggaling at wag nang babalik pa. Sa oras na makita ulit kita, asahan mo magdadala rin ako ng baril pantapat sayo"
Ibinaba ko ang kamay ko at tumalikod na. Sinimulan ko nang humakbang at papunta na sa sakayan ng jeep.
Mabuting kalimutan na natin to. Lasing pa ko at inaantok na.
Ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa mga bulsa ng pantalon ko.
'Grabe, ang bait-bait ko ngayong araw'
Pero dahil sumobra yata ang kabaitan ko ngayong araw, nakakailang hakbang pa lang ako ay hinila na ako pabalik ni totoy.
At sobra talaga akong nagulat sa mga sumunod na nangyari.
Umiiyak siya.
Sa harap ko.
Habang yakap yakap ako....
'O God,what have I done?' (๑•﹏•)
⌒°(❛ᴗ❛)°⌒
BINABASA MO ANG
Fallen
General FictionMeet Alexa Dominique Calayag. Ang palabang bida sa ating storya na manggugulo-este magtatanggol sa kanyang kyut na kyut na masarap tirisin na bestfriend na si Lucifer Yoko Montreal.Kakaiba man ang ugali ni Yoko na unang napansin ni Alexa, hindi nito...