My Facebook Boyfriend...For REAL!!?

952 6 5
                                    

                                                        Chapter 1: Katuwaan lang!

What's on your mind? > Girls,just wanna have fun!

''Two Chocolate Cream Frappuccino for Liz and Sandy, one Caramel Frappuccino for Chris, and one Chocolate Cream Chip for... Miss Nadine .''

''AH!'' Iling ko pagkasiko sa'kin niting ni Sandy.

''Girl,wag maarte. Ikaw ang kumuha at mukhang may pagka-exotic ang hilig nung guy.'' Sabi niya habang nakatingin naman siya dun sa direksyon nung guy crew na tumawag ng order namin. Nandito lang naman kasi sa favorite hang-out place ng gusto lumanghap ng kape buong araw at bumili ng pagkamala-mala na pastries in just one slice, ang Starbucks.

''Sige na Nads, minsan lang magkalat ang may sapak ngayon. Get the chance!'' Dagdag pa ni Liz.

''Che! Inggit lang kayo, ako ang unang napansin-''

''Dahil ikaw ang pinakakakaiba sa'ting tatlo. Now go!''

Biglang tulak sa'kin sa pagkaka-upo ko kaya napatayo 'ko. Tumingin ako kay Sandy habang inaayos yung damit ko. ''Kailangan nanunulak?'' No choice kaya naglakad na 'ko papunta dun sa counter' kay guy crew na kinindatan ako pagkukuha ko ng mga orders namin.

Ngumiti na lang ako, pero deep inside, sa kalalimlaliman ng pagkababae ko, kinikilig ang gaga.

Ako nga pala si Maria Nadine Castro, but my friends call me Nads. second year college student na may course na HRM. Mahaba ang buhok, maputi naman, five-three ang height. Curious ka ba kung maganda ako?

Hindi naman ako kagandahan tulad ng iba, pero alam mo ba yung salitang KARISMA?

Diyan lang naman 'na-i-ichupwera' ang lahat ng maganda sa mundo. At yun ang mayroon ako... Karisma!

Pagkabalik ko naman, nagkanya-kanya na silang kuha ng mga orders nila. Habang eto namang si Sandy ay may tinitingnan sa laptop niya.

''Tutal, pakipot si Nads sa guy crew na yan.'' Tumingin siya sa'ming tatlo with that Oh yeah, get ready... eyes niya. ''May papakita ako sa inyo ang I know! I just know, you know? That you'll  all love it! Especially you!'' Sabay turo sa'kin.

Si Sandy ang playgirl ng grupo. Dyosa nga kasi ang tingin sa kanya ng kalalakihan at Bruha naman pagdating sa mga kababaihan. Bakit? She treat boys like a game, may start at may tinatawag ding game over. Kaya inis ang ibang girls sa kanya dahil  alam na alam niyang maganda siya at wala siyang paki-alam sa sasabihin nila. Just don't mess up with her, okay?

Napataas na lang ang kilay ko. Pero nang ilapit niya sa'min yung laptop niya... Napa-OH! nalang ako.

''Wow, Sandy. Tinanggap mo na talaga na desperada ang isng 'to sa mga imaginations niya.'' Sabay buntong-hininga ni Chris. ''Ginawan mo pa talaga ng Facebook ang imagination boyfriend ni Nads, ah...''

Si Chris naman ang tinatawag naming 'just right'. Bakit? She wants everything in order, ayaw niyang may magiging mali sa mga bagay-bagay. Kumbaga, siya na siguro na siguro ang pinaka-matino sa'ming grupo.

Mahahawa na lang talaga si Ms. Right sa'min kapag hindi na kinaya ng brain cells niya, alam niyo na? Tahimik lang yan, pero wag kang magkakamali na kantiin siya o ang kahit na sinong malapit sa kanya, dahil makakakita ka ng santong naging siga sa kanto. Ah basta, don't make her mad.

''Ang galing! Sino naman yang 'ultra mega hot super duper love him na talaga' na guy na yan?'' Nangingiting sabi ni Liz habang sabay naming tinitingan ang facebook nitong guy na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Facebook Boyfriend...For REAL!!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon