NEVER GIVE UP!

68 1 0
                                    

[PART 1]

Ako si CHARMAINE. On the process of moving on ang status ko. Broken ako dahil sa best friend kong si JHAY. Bakit ba kasi hindi ko pa sinabi sa kanya yung nararamdaman ko noon e, kung kalian ready na ako saka naman s’ya sumuko. Ayoko namang umasa pa, ngayong alam ko na may mahal na syang iba. Siguro, may ibibigay si Lord na para sa akin talaga.

Bago lang ako sa school pero may ilang kaibigan na rin ako. Minsan ay nagkarron ng event sa school, organized ng mga College of Education students. Sumali naman ako at nanalo sa ilang game ng question and answer at riddles. Paalis n asana ako sa venue ng event ng may nakasalubong akong matangkad na lalaki. Gwapo ito at nakasuot ito ng polo na bagay sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakatitig sa kanya. Simula ng oras na ‘yun, alam kong nakapag move on na ako ng tuluyan.

“Active ka ah.”, sabi nito ng nakangiti saka dumiretso sa mga kasamahan nya.

“S-salamat.”, kinakabahan kong pahabol na sagot. Lumingon ito at muling ngumiti. Di ko napigilang mapangiti rin sa sobrang kilig. Mukhang busy na ito kaya’t umalis na lang ako. Babalik na lang ako bukas, para makita ulit sya.

Kinabukasan ay naroon sya. Walang game ngayong araw, puro booths at bazaar ang meron. Para makalapit sa kanya ay bumili ako ng ice cream sa stall na sinusupervise nya. Inabot nya ang binili ko pero mukhang di ako nakilala. “Sino ka ba naman para maalala nya?” sabi ng isang bahagi ng isip ko. Oo nga naman. Okay na ‘yun. Atleast nakita ko sya.

Stalker na kung tawagin pero hinanap ko ang social networking account nya. XTIAN pala ang pangalan nya. Hindi rin nakaprivate ang mga pictures kaya libre kong nakikita ang mga ito. Inaccept nya yung friend request ko.

"Blag!" tunog ng pagbagsak ko sa upuan. Hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"XTIAN is in a relationship with..", pagbasa ko ng malakas. Parang tinutusok tusok ang puso ko sa nakikita ko. Na-love at first sight nga ako sa isang tao, dun pa sa taong may mahal nang iba. "Mukhang seryoso sya sa girlfriend nya..", malungkot kong sabi bago nag log out. "Ang swerte ng babaeng yun.."

Ilang araw ang nakalipas at nagkaroon ng announcement tungkol sa mga club at students organizations na pwedeng salihan. Syempre ang sinalihan ko, yung club na kasali sya. Inspired ako sa kanya. Wag ko lang maaalalang taken na siya.

Nahihiya akong sumali sa club na yun. Puro matatalino kasi ang kasama ko. Halos lahat paborito ang Math. Minsan nag-uusap usap sila at nagtatanungan ng mga Math problems. Wala naman akong maisagot. OP ako, buti na lang nandyan si XTIAN. Di naman nagtagal at naging ka-close ko sila. Lalo na si XTIAN.

[PART 2]

Isang araw nabalitaan kong break na sila ng girlfriend nya. Masaya ako sa balitang yun dahil single na sya. "Chance ko na 'to!" sabi ko sa sarili ko. Nakita ko sya sa school para i-comfort sa pinagdadaanan nya pero nang makita ko sya na halos tulala at hindi makausap, sinaway ko ang sarili ko. "Bakit ako magiging masaya kung malungkot sya at nasasaktan?" Napabuntong hininga na lang ako.

Nagka-text kami ni XTIAN. Nagmomove on sya ng mga panahong yun. Sabi ko sa kanya, marami pa namang iba dyan. Gusto kong idugtong na "nandito naman ako e." Pero nahihiya ako. Gusto kong sabihin sa kanya na "Hayaan mong ako na lang ang mag alaga sa'yo. Mahal naman kita e."

Madalas kaming mag-asaran sa text. Ako naman, kinikilig sa mga text nya kahit simpleng message lang naman yun para sa iba. Di nagtagal ay naging super close kami. 

Nagpost si JENI sa group ng club namin at tinanong kung may bading sa grupo. Si XTIAN ang sinagot ko, biro lang naman. Nagulat ako sa sinabi nya. "Ok lang na bading ako, basta ikaw ang girlfriend ko." Di nya ko tinigilan ng gabing yun. Kinukulit ako na maging kami daw, try lang naman namin. Gusto kong um-oo sa kanya. Baka sakaling maging totohanan kasi. Pero paano kung hanggang lokohan lang naman tapos nahulog ako ng tuluyan? "Bahala na,"sabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NEVER GIVE UP!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon