Chapter 16: The TRUTH and HEARTBREAK

21 2 0
                                    

Third POV

Sa lumipas na mga buwan, maraming nagbago.Pati plano ko nagbago hindi ko namalayan na ako pala mismo ang sisira ng sarili kong plano.Sa tuwing magkasama kami naipapakita ko sa kanya ang tunay na ako.

Ngayong araw nato susurprisahin ko sya.Matagal ko na dapat itong nagawa.Kaso napapangunahan ako ng "what if" hindi nya ako sagutin edi napahiya ako.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang mga bugok kong kaibigan.

"Oh mukhang problemado tayo ah"

"Oh ano nahulog na ang loob mo"

"Binalaan na kita noong una,anong napala mo?"

"Alam nyo sa halip na tulungan nyo ako,binubungangaan nyo pa ako tsk"

"Haha bakit ano bang plano mo?"

"Susurprisahin ko sya mamaya sa feild"

"Oh tapos ?"

"Tatanungin ko sya kung pwede ko na syang maging girlfriend"

"Nahulog ka sa sarili mong bitag ano?"

"Sinabi na kasi nung una pa lang na wag mo ng ituloy ang plano mo eh,ano ka ngayon"

"Pano pag nalaman nya yung plano mo?"

"Hindi nyo naman ako siguro ibubuking?" Tanong ko sa kanila.

"Of course not,bakit naman namin gagawin yun"

"Thank you mga bro"

Pinagplanuhan namin kong paano namin ko susurprisahin si Kacey.Sana magustuhan nya ang gagawin ko.Ngayon lang ako mag eeffort sa isang babae.

Jane POV

Matagal ko ng alam ang plano ni Third , hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon.Hindi ko naman sinasadya na marinig ang plano ni Third para sa malanding yun.Sisiguraduhin kong wala syang mukhang ihaharap sa mga estudyante dito.

I know sa akin ang huling halakhak haha.

Kacey POV

Pagpasok ko sa gate ng school nakita kong maraming estudyante ang nagpupuntang field.Hindi ko na lang pinansin pero biglang nagvibrate ang phone ko kaya tumigil ako sandali.Tiningnan ko kung sino ang nagtext si Third pala.

From: Third Babe <3
Punta kang field. :)

Halos araw-araw syang may text sa akin tuwing umaga.Dahil sinabi nyang pumunta ako doon so ako naman si masunurin pumunta ako.

Nagulat ako sa nadatnan ko.Si Third nasa gitna at may hawak na flowers.

Nang makita na nya ako ay sinenyasan nya ang mga estudyante na nasa taas ng building.

Nalaglag yata ang panga ko sa nakita ko.Ang nakasulat lang naman sa tarpaulin ay......

Kacey WILL YOU BE MY GIRLFRIEND

Maraming estudyante ang nagtilian.Hindi ko inaasahan ang gagawin nya.Napatingin ako kung san ko sya nakita kanina.Unti-unti syang lumalapit sakin.May hawak pa syang mic.

Bakit kailangan nya pang i-broadcast ito.Pero deep inside kinikilig talaga ako.Sa lahat ng nanligaw sakin sya palang yung taong nagpakita at nagparamdam ng ganito sakin.Sobrang speechless ako ngayon.Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko.

Dahil sa pag iisip ko hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya sakin.

Secretly Inlove With Him(ON-GOING)Where stories live. Discover now