A/N:
Hihi. :">
Alam kong hindi pa masyadong nakakalayo yung story ko sa BK: Jearzel.. kaso lang biglang sumulpot tong story concept na to sa utak ko e. Pagbigyan niyo na tong baliw na writer na to. Pero for sure VERY SLOW UPDATE ang kakalabasan nito dahil syempre ang ipprioritize ko ay ang BLACK KNIGHT: JEARZEL. Kaya kung pwede ay pakisupport po ang BK. :D
Salamats po ng maraming much. :DD (oh dibey. Talagang marami sya. Hehe. XD )
*************************************************
CHAPTER 1:
EM'S POV
“EL! Gising na! Late na tayo! Tumayo ka na dyan! First day pa naman ng school ngayon!” sigaw ko habang tumatalon sa kama ng pinakamamahal kong kakambal.
Sa totoo lang, hindi pa naman kami late e. Gusto ko lang siya gisingin. Ang sama ko ba? Haha. Akala niyo lang yun. Mabait pa ako ng lagay na yan. Mas malala sakin si EL e. Haha.
“Nii-chan. Ano ba?! Gusto ko pang matulog. Maawa ka naman sa maganda mong kambal.” Inaantok na pagmamakaawa sakin ni EL.
At dahil mabait ako. Hindi ko pinakinggan ang pakiusap niya. Nagpatuloy lang ako sa pagsigaw at pagtalon talon sa kama niya. Nagulat ako ng bumangon siya at bigla bigla akong tinulak. Dahil nga hindi ko iniexpect na gagawin niya yun. Ayun—bumalandra ako sa sahig ng kwarto niya.
Oh diba—sabi ko sa inyo mas mabait ako sa kambal ko e. Haha. Pero masakit yun ah. Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi nasuntok ko na yang babaeng yan. Tss.
“Masakit yun ah. Nakakatampo ka naman. Ako na nga yung nag eeffort na gisingin ka tapos sasaktan mo pa ako. Hindi mo na ba mahal si Nii-chan mo?” malungkot na tanong ko sa kanya. Pustahan tayo, tatayo na yan. Ayaw na ayaw niyan na nagtatampo ako e. Hindi pa rin ako tumatayo sa pagkakaupo ko sa sahig, para paawa effect ng konti. Haha >:)
Nakita kong bumangon si EL sa kama at lumapit sakin. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako.
“Sige na nga po. Tatayo na po ako. Wag na po tatampo si Nii-chan ah. Labby ka ni EL.” Parang batang sabi sakin ni EL tapos kiniss ako sa cheeks.
Aww~ kaya mahal na mahal ko si EL e. Sobrang lambing. Niyakap ko rin siya at kiniss ko siya sa noo. “Oh sige na. Hindi na tampo si Nii-chan kay EL. Ligo ka na para hindi na tayo malate.” Nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumayo naman na si EL at dumiretso na sa banyo. May sarisarili nga pala kaming banyo sa mga kwarto namin para hindi kami nag aagawang dalawa sa CR pag may pasok.
Lumabas na ko ng kwarto niya at dumiretso na ko sa dining room. Doon ko na lang siya hihintayin. Nung makarating na ko sa dining room ay nakita ko na sina Mommy and Daddy na nakaupo sa harap ng lamesa at nagsisimula ng kumain.
“Nasan na si EL? First day of school niyo ngayon diba?” tanong ni Daddy.
“Ginising ko na po, Dad. Tinulak pa nga ako e,” nakangising sabi ko sa kanila.
Natawa parehas sina Mommy at Daddy. Alam kasi nila na brutal yang si EL pag ginigising sa umaga. Kaya as their loving son, ako na lang yung nagvolunteer na gumising kay EL every morning kaysa ang mga maids ang mabugbog ni EL ng wala sa oras. Haha.