Chapter 19

11.9K 264 7
                                    

France P.O.V.

Naghanda na ako nang mga kutsara at tinidor at plato syempre hindi mawawala ang baso

Nasa Garden sila Tita at Madam nag uusap ata habang si Liezle naman ay nasa living room at hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya
Si Clien naman ay nasa kwarto niya kanina pa nga hindi lumabas e'

Inilapag naman ni Ate Martha ang lalagyanan na may laman na kanin sumunod naman si Nanay Erma na nag lapag ng ulam

"Tawagin mo na sila Ma'am at Sir" utos saakin ni Nanay Erma

Pumunta ako sa Garden kaso may narinig akong usapan

"Vince bakit yung babaeng iyonpa ang pinili niyo na ipakasal kay Casffer nandiyan naman si Liezle at alam ko na mahal ni Liezle si Casffer , wala naman mapapala si Casffer sa babaeng yan baka perahan pa siya" rinig kong sabe ni Madam Gladys at ayaw ko na marinig pa ang iba niyang sasabihin ayaw kong umiyak dahil sakanya

Hindi niya deserve ang mga luha ko kaya lumapit na ako sakanila

"Excuse me po , Ma'am Sir naka handa na po yung hapag kainan" sabe ko sakanila kaya naman napa tingin saakin si Tita Irish

"Sige susunod na kami" sabe ni Tita Irish saakin kaya naman tumango nalang ako at umalis na

Pupunta na sana ako sa dinning area ng madaan ako sa living room at nandoon si Liezle
Hindi ko nalang siya pinansin kaso siya pinansin ako

"Hoy" sambit niya kaya naman napatigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya ng naka ngiti

"Ano po yun Ma'am" tanong ko sakanya lumapit naman siya saakin tapos tinulak niya ako ng malakas kaya naman napa upo ako sa sahig

"Diyan ka nababagay sa lupa , hindi bagay ang katulad mo na maging asawa ni Casffer tignan mo nga yang itsura mo at ih kumpara mo sa itsura ni Casffer , wala kapa sa kuko niya kaya kung ako saiyo ih suko muna ang kasal niyo" sabe niya saakin tapos iniwan niya na ako doon

Pumikit nalamang ako at tumayo dahan dahan ayaw ko mag sayang nang oras sa mga taong spoiled brat wala naman ako mapapala sakanila

Tsaka wala nang epekto saakin ang mga sinasabe niya dahil alam ko naman sa sarili ko na walang wala talaga ako

Pumunta na nga ako sa dirty kitchen at tinulungan sila Nanay Erma sa gawain
Medyo masakit yung pwet ko pero keribells lang HA HA HA

"Francheska!?" Narinig kong tawag saakin ni Tita Irish kaya naman dali dali kong hinugasan ang kamay ko at pumunta sa dinning area

"Sumabay kana saamin" wika niya tapos tinuro yung upuan sa tabi ni Clien
Syempre ayaw ko na tumanggi kaya umupo nalang ako at kumain

Nang matapos na kumain sila Madam at Liezle bigla siyang nag salita

"Saan yung kwarto ni Liezle?" Sabe ni Madam kaya naman sumagot ako

"Sa pangalawang kwarto po ng guest room" sagot ko sakanya tapos tinaasan naman niya ako ng kilay niya

"Diba may isa pang bakanteng kwarto sa taas dapat doon siya" napa pikit nalang ako at dumilat ng mag salita si Tita Irish

"Ma ma may gumagamit na po nun" sabe niya tapos tumingin saakin

"At sino naman?, yang babaeng yan hindi bagay sakanya ang matulog sa ganung kwarto kaya paalisin mo siya" sabe ni Madam kaya bago pa sumagot si Tita Irish ay inunahan ko na siya

"Masusunod po Madam" sabe ko tapos yumuko nalang

"Teka Francheska saan kanaman matutulog?" Taning saakin ni Tita Irish

"Sa k—-" naputol na yung sasabihin ko nang mag salita si Clien

"In my room" nagulat ako sa sinabe niya kaya naman napa tingin sakanya ang lahat

"But Casffer hindi pa kaiyo kasal" Aniya ni Liezle. Tapos masamang tumingin saakin

"I don't care she's my fiancé , there's nothing wrong with that" sagot niya kay Liezle.
She just rolled her eyes tapos masamang tumingin saakin

Paktay na! Ano na gagawin ko umiinit nanaman ang ulo ni Madam saakin nito

"Pack your things and go to our room" sabi ni Casffer then umalis na kaya naman napa tingin ako sakanila

Tumayo na ako at nag bow nalang sumunod naman ako kay Clien pataas pumasok na siya sa kwarto niya at ako naman ay pumunta sa kwarto ko na magiging kwarto na ni Liezle

Kinuha ko yung mga mga gamit ko as in LAHAT lumabas na ako sa kwartong iyon tapos humarap sa pintuan ng kwarto ni Clien at kumatok ng tatlong beses

Bago niya buksan ito pumasok na ako sa loob at ini,apag ang mga gamit ko
Sinarado naman niya agad yung pinto kaya naman napa hinga ako ng maluwag

"Clien ano to?" Tanong ko sakanya kaya naman tumingin siya saakin ng naka taas ang kilay

"What?" Iritang tanong niya

"Bakit mo naman sinabe sa Lola mo yun ayan tuloy kumukulo nanaman ang dugo niya saakin tsaka pwede naman ako sa guest room matulog, BAKIT?" tanong ko sakanya pero parang wala lang sakanya yung tanong ko at saan naman ako matutulog dito sa tabi niya?

Jusko ko po hindi pa nga kami kasal e'

"I'm going to sleep now turn off the light" sabe niya saakin tapos humiga na
Kaya napa buntong hininga nalang ako
At inayos yung mga gamit ko sa tabi pinatay ko na yung ilaw at sobrang dilim na ng kwarto

"Hindi mo ba sisindihan yung dream light mo?" Tanong ko sakanya kaso hindi na siya sumagot kaya dahan dahan akong humiga sa higaan niya iisang kumot lang to
Teh! Taena ano ba kailangan ko narin masanay!

Pumikit na ako at medyo hindi ako makatulog dahil ang lakas ng aircon niya ang lamig hindi ako sanay.

Nakatalikod siya saakin kaya naman nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya
Wag nalang baka tulog na siya magalit pa saakin
So humarap nalang din ako sa kabilang gilid kaso nilalamig talaga ako
Ipipikit kona sana ang mga mata ko ng maramdaman kong may yumakap saakin sa likod

At hindi naman ako tanga para hindi malaman kung sino yun eh kaming dalawa kang naman ang tao dito

"You can't sleep?" Tanong niya saakin ng mahina at shit yung hininga niya tumatama sa batok ko kaya nakikiliti ako

"Yes" sagot ko sakanya huminga naman siya ng malamin
Amoy na amoy ko yung bango niya kahit na patulog na kami ang bango niya parin ah!

"Let's stay like this until you sleep , is that okay to you?" Tanong niya saakin kaya naman mesyo ma comfy naman na at mesyo hindi na malamig

Kaya tumango nalang ako bilang sagot ko at pumikit na

***
✨✨✨

Arranged Marriage to Mr.Huard (Season 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon