Dedicated kay Camila aka glimmering. Birthday niya kasi nung isang araw and I promised her that I'll make a story for her. Hindi nga dapat ito but ito kasi yung unang natapos. hahahahaha. Kaya ito na lang Camila ha! BELATED HAPPY BIRTHDAY! Hope this will make you smile! ^__^
***
"Kuyaaaaaaaa! Wala pa ba sila mommy! Nagugutom na ako eh!" sigaw ko habang pababa ng hagdan.
Nakita ko si kuya na nakaupo sa sofa, nanonood ng NBA. Tss. Boys thing. >____<
"Nakikita mo ba sila?!!" Pucha! Galing mambara eh noh?! Kaasar! Pag ganitong gutom na ako dapat hindi ako niyayamot eh! ARGH!
"Whuuuteeevaah! Magluto ka na lang! Nagugutom na ako!" utos ko kay kuya.
"BAKIT AKO?! Hindi ako marunong! Ikaw dapat, kababae mong tao eh!"
"Eh hindi rin ako marunong eh! Kuya namaaaaan! Tulungan mo na lang ako magluto!" tumabi ako sa kanya. Nilalambing ko siya para pumayag. Hahaha. ^__^
"Ayoko." sabi niya without feelings. Tignan mo to, parang di kapatid!
"Sige na kuya! Pleeeeaaaassseee?" Hihihihi. Gagana yan alam ko!
"Aish! Fine!" YES! Tumayo na si kuya at dumeretso sa kusina. Sinundan ko naman siya.
Nung makarating na kami sa kusina...
"Anong iluluto natin?" tanong niya.
"Kahit ano basta pagkain! Gutom na gutom na talaga ako." binuksan ko na yung ref at nakita kong may hotdog.
"Kuya Renz ito na lang oh." inabot ko naman sa kanya yung hotdog.
Kinuha niya naman sa akin tapos binalatan tsaka hinugasan. Kumuha siya ng frying pan at slotted turner. Binuksan niya yung gas stove at nilagyan ng oil yung pan tapos nilagay agad yung hotdog.
Biglang tumalsik yung mantika.
"ARAY!" sumigaw si kuya habang ako napatakbo kaagad pero bumalik din ako sa kusina.
"Ano ba kasing ginawa mo kuya?!! Basa pa nga yung hotdog eh!" Tss. Ang alam ko dapat hindi basa para hindi tatalsik yung mantika diba?! Ang tanga ng kuya ko eh. Hahaha. Ako din naman walang alam sa pagluluto. =)))
"Malay ko ba diyan?! Ikaw magluto kung gusto mo!" sigaw niya sa akin.
"Akin na nga!"
Kinuha ko naman yung pot-holder pati na rin yung slotted turner.
HALA! Bakit dumikit yung mga hotdog sa pan?!! OH NOOO!
"KUYA! HELP!"
Pumunta naman agad si kuya sa akin.
"Tss. Lakas mong pagsabihan ako kanina! Hindi ka rin pala marunong! Hahahaha" kinuha niya na ulit sa akin yung mga gamit. Pasahan lang?? =)))))
Inikot ikot niya yung mga hotdog hanggang sa...
"HOY KUYA! TAMA NA YAN! ANG ITIM NA EH! SUNOG NA SUNOG NA! HALA KAAA!" tumakbo takbo ako sa loob ng bahay. Parang sira lang. HAHAHAHA. ^__^
*after 10 mins*
Nakaupo lang kami sa couch. Tulala. T__T
"Kuyaaaa! Ano na ang kakainin natin?!!" halos maiyak na ako dito. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakakain. Nasaan ba kasi sila mommy at daddy eh! Wala tuloy kami makain! Huhuhuhu. TToTT
"ALAM KO NA!" biglang tumayo naman si kuya na ikinagulat ko.
"Ano yon?"
"Magpadeliver na lang tayo ng pizza!"

BINABASA MO ANG
My Pizza Guy (ONE SHOT)
Teen FictionAnong gagawin mo kapag sobrang gwapo ang taga-deliver ng pizza sa bahay niyo?