This Story is Inspired by my Declamation Piece entitled: "Am I To Be Blamed?" Hope You Will Enjoy My Story. :)
-
Am I To Be Blamed?
-
"Oh Xandra *ubo* anak, kumain *ubo* kana ng pansit. Binili ko *ubo* kay Aling Maring 'yan kaya tiyak *ubo* na masarap yan." Tawag sa akin ni Inay para kumain.
"Wow, Inay! May pagkain tayo. Tara inay, upo kana dito. Atsaka uminom ka ng tubig para hindi ka ubo ng ubo." sambit ko habang inaayos ang aming maliit na hapag-kainan.
"Anak, ok lang *ubo* ako. 'Wag mo kong alalahanin. Makita lang kitang kumakain, ako'y busog na."
"Salamat, inay. Bigyan nalang kita ng tubig at magpahinga ka nalang." agad akong kumuha ako ng isang basong tubig at binigay ko sa kaniya.
"Salamat, anak." ininom nya na ang tubig at nagpahinga habang ako ay kumakain.
Maliit lang ang aming bahay. May bubong at gawa sa kahoy. Sa loob nito ay may papag kung saan kami humihiga na saksakan ng dumi. At karugtong nito ang kusinang naglalaman lang ng lamesa kung saan nakalagay ang 3 plato at 2 kutsara.
Mayroon ding lababong maliit, kaso hindi gumagana ang tubig kaya't nakikihugas kami sa aming kapit-bahay.
Ang inodoro'y nasa labas kaso nga lang, wala ni isang pinto o harang na pangtakip para makaligo kami ni Inay.
Dahil sa kahirapan, kami ay nasa 'squatter area'.
Iniwan kami ni Itay dahil hindi nakatiis sa kahirapan kaya't humanap siya ng ibang babae na pwedeng pagkaperahan.
Ang nakatatandang kapatid ay iniwan narin kami, tumirang permanente sa kaniyang sariling pamilya.
Kung gano't kaming dalawa nalang ni Inay ang mag kasama.
Ako'y hanga o bilib kay Inay. Sa gitna ng kahirapan, napapanatili niya paring matatag ang kanyang sarili kahit na siya ay may sakit.
Matapos kong kumain ay nagpaalam ako kay Inay.
"Inay, ako'y may bibilhin lang ho. Saglit lang ako. Mag-ingat ho kayo dito ah?" pagsisinungaling ko dahil ako ay talagang mag-nanakaw.
Hindi kasi ako nakatiis dahil walang pambili ng gamot si Inay.
Kung minsan ay may mga pulis na humahabol sa'kin. Pero agad naman akong nakatakas.
Ano ang nirarason ko tuwing ako ay uuwi ng bahay pagkatapos kong magnakaw?
'Nay, tignan mo nga naman oh, sineswerte nanaman tayo! Nagbigay si Manong Berting. Alam nya kasing wala na tayong pambili ng gamot mo. Ang saya ano?' pagpapanggap ko na kanya niyang ikinatuwa.
"O sige Xandra. *ubo* mag ingat ka.". Saka ko tuluyang iniwan ang aming bahay.
Pumunta ako sa madalas kong pag nakawan, ang malapit na bangko.
Inayos ko ang aking suot para mukhang presentable sa manong guwardya.
Dala dala ko rin ang na nakaw kong kard at nakita ang kanyang PIN dati.
Ipinasok ko na ang kard sa machine.
Agad akong kumuha ng 4,000 galing sa kard na iyon. Pagka kuha ko ay agad kong isinuksok sa aking nanlumang short.
Natapos na ang aking transaction at niliban na ang bangko.
Napaka saya ko naman dahil napasakamay ko ang napaka raming pera.
Maya-maya ay naka rinig ako ng wang-wang ng pulis. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko at kumaripas ng takbo dahil pansin ko eh ako ang hinahanap nila.
Ngunit ako'y bigo. Bigla nila akong nahuli.
"Maikli ang buhok, nanlumang gray na short, at medyo morena. Ikaw nga ang hinahanap namin!" sambit ng isang pulis habang tinitignan nya ang kanyang listahan at salit sa aking mukha.
Ang mga tuhod ko'y malapit na ring bumigay. Ito'y nanghihina, sanhi narin ng pagkatakot at pagtakbo. Nanlulumo.
"Ngayon, sabihin mo sa amin. Bakit mo nagawang nakawan ang may ari neto?" malapit sa pagalit na boses ang narinig ko galing sa unang pulis.
Saglit akong natameme.
"Sa prisinto kana magpaliwanag!"
Akmang lalagyan nya na ako ng posas sa aking mga kamay nang bigla akong nagwala.
"BITAWAN NYO KO! 'WAG NYO KONG IKUKULONG!" panik kong sagot. Sa lakas ng boses ko ay nabulabog ang mga tao't nasa harap namin na parang nanonood ng sine. May ibang nag chichismisan.
"Tumigil kana! Ngayon bigyan mo kami ng rason kung bakit mo nagawa ang pagnanakaw."
"GUSTO NIYO NG PATUNAY? SIGE! SAMAHAN NYO KO PAPUNTA SA AMING SIRA SIRA O TAWAGIN NYO NANG 'BULOK' NA BAHAY!" Dala ng aking galit, mas lalong lumakas ang aking boses.
Pinapasok na nila ko sa kotse ng mga pulis. Tinuturo ko ang mga daanan papunta roon.
Ilang minutong lumipas ay nakarating na kami sa makitid na eskinita para makapunta sa aming bahay. Sa aking paglalakad, binabantayan nila ko.
"Ngayon, sasabihin ko sa inyo kung bakit ko nagawang mag nakaw kahit na labag sa aking loob." sambit ko nang marating na ang tapat ng aming pinto.
Kumatok ako.
"Inay, may pera na tayong pambili ng gamot!" masaya kong bati habang kinakatok ang pinto.
Naka ilang beses akong katok.
"Inay may pambili na tayong pagkain!" ngunit, ayaw nya paring buksan.
"Inay? Buksan mo naman ito. Hindi kasi ako sanay na kahit hindi naka lock e binubuksan mo parin para salubungin ako." patuloy pa rin akong kumakatok.
Ng walang sumagot ay binuksan ko nalang tong mag isa. "Nay bat naman di mo binubuk--" bigla akong napatigil sa pag aakala kong nahihimbing na tulog si inay.
"Inay naman oh. Tulog tulugan pa. Haha" habang patuloy ko siyang inuugoy.
"Inay naman oh. Gising na kunwaring tulog haha nandito nako. Makakabili na tayo ng pagkain." Hindi ko alam pero para akong unti-unting nanghihina.
Agad kong tinignan ang pulso.
Bigla akong nanlumo nang mapagtanto kong,
"WALA NA SIYA! NAKIKITA NYO BA? WALA NA SIYA! W-WALA NA ANG KAISA ISA KONG KARAMAY SA BUONG PAMILYA! WALA NA ANG INAY KO! WALA NA!" patuloy na rumaragasa ang luha ko.
"NGAYON! SA INYO NA YANG PERANG YAN! YAN ANG GUSTO NYO DIBA? PARA SAAN PA YAN? WALA NA SIYA! WALA NA KONG PAG GAGAMITAN NYAN! HULI NA ANG LAHAT!" Hinagis ko ang apat na libong pera sa kanila. Maging sila ay naluluha na rin.
Eto ko ngayon, humahagulgol.
"AKO BA ANG DAPAT SISIHIN? SABIHIN NYO! AKO BA? AKO BA ANG DAPAT SISIHIN SA AKING MGA NAGAWA?"
Patuloy akong humagulgol katabi ni Inay. Niyakap ko siya ng sobra sobra.
Ako ba ang dapat sisihin sa lahat ng aking nagawa?
Am I to be Blamed for The Things I have Done?
BINABASA MO ANG
Am I To Be Blamed? One Shot
Non-FictionA heart melting story by AHSY_20. Hope you'll enjoy reading!