Chapter 1

2K 36 9
                                    





YASMIN'S POV

"GOOD MORNING everyone!" Automatic akong napa-straight sa kinauupuan ko nang marinig ko ang bati ng Adviser namin. Bumalik yung kabang nawala kanina.



Oo nga pala. First day ko ngayon sa St. Catherine Academy bilang fourth year high school student. Ano naman kayang delubyo ang kahaharapin ko ngayon? Sana naman wala. Hindi ko siguro keri kung magiging impyerno na naman ang buhay ko sa new school ko.



"I am your new teacher, Ms. Merry Ann Romatico. I know most of you are already familiar with me since I was your teacher in Mapeh last year. By the way—-"




Bago humaba ang speech ng napakaganda naming new teacher, mag papakilala muna 'ko. Ako nga pala si Yasmine Claire Apricot. You can call me Yas coz that's my nickname. Fifteen years old pa lang ako. Section A ako ngayon sa St. Catherine. Nasa highest section na rin naman ako dati sa previous School ko, kaya lang hindi na talaga ako puwedeng mag-stay dahil—-




"My new classmate nga pala kayo, Section A." Biglang  nakuha ni Ma'am Merry ang atensyon ko. "Miss Apricot, please introduce yourself here in front"





Muntik na 'kong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko. It was my first Time to enter an exclusive private School, kaya daig ko pa ang kakain ng bubog kung sakaling magsasalita ako sa harapan.




Makita ko palang ang mga nakamamatay na titig ng mga new classmates ko, mahihimatay na 'ko. Walanjo! Judgement day na ba ngayon? Holy cow. Hindi naman ako pumasok sa St. Catherine para mag-circus sa harap ng mga spoiled brat na nilalang. Unfair 'to.

d>.<b

"Miss Apricot?" Ulit ni Ms. Merry. Lahat ng mga mata ay nakatitig na sa 'kin.



Napilitan akong tumayo at maglakad hanggang sa unahan. Nakayuko ako. Pakiramdam ko mauubos na ang dugo ko. Napakalakas naman ng aircon sa room pero isang drum na yata ang pawis ko.



"G-Good......Morning po," uutal-utal na sabi ko. Hindi na 'ko makahinga. "I-I'm Yasmine Claire Apricot. Your new classmate."



I heard some of them smirked. 'Yung iba naman tumirik 'yung mga mata sa ere.



*Blag!*


Biglang bumukas ang pinto at may isang matangkad na lalaking pumasok sa room. Tayu-tayo ang buhok niya. And nu'ng tinitigan ko 'yung mukha niya, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nanghina. Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy. Wala siyang kasing-guwapo. He had a white complexion. Matangos ang ilong, may mapupungay at singkit na mga mata at may lips na kasing pula yata ng mansanas. Tamang-tama rin ang hubog ng mukha nito at proportion ang pangangatawan.




Seryosong-seryoso ang mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang mangatog nang tumitig sa'kin ang chinito niyang mga mata. Anghel ba siya? O siya si Adonis? Ang gwapo niya! Gusto ko tuloy kumanta ng 'Chinito' at ngitian siya ng bonggang-bongga!


"Excuse me!" Sabi nung lalake sa teacher namin.


Uh-Oh.....

Nah.


Biglang nalaglag 'yung balikat ko. I think all of my admiration for him has suddenly disappeared. Ganoon ba siya bumati sa teacher?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kiss me, Handsome bullyWhere stories live. Discover now