chapter 52

5K 186 0
                                    

Icey's POV
Ang sakit isipin na malala na yung sakit ko at dalawang buwan nalang yung pwede kong itagal sa totoo lang kaya ako hindi nagpakita sa kanila dahil gusto kong makita na kaya nila pag nawala na ako

"Anak kumain ka na ba??"tanong saakin ni mommy

"Yes mom"sabi ko

"Icey pwede ka pangabuhay"sabi ni kuya jp saakin

"Paano??"tanong ko

"Ang sabi saamin ng doctor mo na kailangan nating makahanap ng donor para palitan yang puso mo"sabi ni daddy

"Wag niyo na pong pahirapan yung sarili niyo para lang maka hanap ng donor handa naman na po akong mamatay"sabi ko

"Ikaw oo handa nang mamatay pero kaming mga nagmamahal sayo ayaw ka pa naming mawala saamin"sabi ni mom tapos may tumulong luha sa mata niya

"Tama ang mommy mo anak sa ayaw at gusto mo maghahanap kami ng donor para makasama ka pa namin ng matagal"sabi ni daddy saakin

"Salamat po dahil nandyan kayo lagi para saakin mahal na mahal ko kayo"sabi ko tapos nag break down na ako

"Wag ka ngang umiyak icey pangit ka na nga mas lalo ka pang papangit"sabi ni kuya saakin tapos niyakap ako kaya niyakap ko rin siya

"Sama naman kami"sabi ni mommy tapos nag group hug kami

"Icey bukas papasok ka na uli sa S.U. para mag aral"sabi ni mommy saakin

"Sige po"sagot ko

"Lalabas na kami magpahinga ka na kasi gabi na maaga ka pa bukas"sabi ni daddy bago sila lumabas ng kwarto ko

.............Kinabukasan

Andito na ako ngayon sa school hindi ko alam kung tutuloy pa ako pero kaya ko toh fighting lang huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok ng school campus

Pagpasok ko nagbubulungan nanaman nanaman yung mga stupidyante dito

"Bumalik na pala yung isang bitch"

"Bat bumalik pa yan??"

"Slut"

"May aagaw nanaman sa prince ivan natin" sabi nila hindi naman na bulungan yun eh naririnig ko kasi pero hindi ko sila pinansin pagpasok ko ng classroom yung kaninang maingay naging tahimik pero tuloy tuloy lang akong pumasok pero pinatid ako ni andreah buti nalang hindi ako nasubsob dahil naibalance ko agad yung sarili ko

"Long time no see bitch"sabi niya saakin tapos pekeng ngumiti

"Wala akong ganang makipag-away ngayon kaya please lang tumigil ka na"malamig na sabi ko

"Ohh kung ikaw walang gana pwes ako may ganang makipag-away"sabi niya

"Kailan ka ba nawalan ng ganang makipag-away"sabi ko

"Tama ka hindi ako nawawalan ng ganang makipag-away sa isang mamamatay tao"sabi niya

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ako ang pumatay kay alyssa dahil siya mismo yung bumaril sa sarili niya"sabi ko naiinis na ako sakanya pero pinipigilan ko lang

"Hindi ako naniniwala na hindi ikaw ang pumatay kay alyssa kasi isa kang gangster mamatay tao so hindi na ako magtataka kung bakit mo napatay si alyssa diba GANGSTER QUEEN??"sabi niya tapos ngumisi konting konti nalang mapapatay ko na tong babaeng toh

"Hindi na ako ang gangster queen dahil nag back out na ako at humahanap na sila ng bagong mamumuno sa kanila"sabi ko

"Aww how sad masakit bang mawalan ng mga kaibigan dahil nalaman na nila na masyado kang malandi"sabi niya at nag kunwari pang malungkot

"Wag na wag mong dinadamay yung mga dati kong kaibigan kasi kahit nasira yung pagkakaibigan namin ng dahil sayo may mga pinagsahan pa rin kami na kahit kailan hindi ko makakalimutan eh ikaw alam mo naman ng ginagamit ka lang ni alyssa pero ikaw si desperadang sumikat kahit anong ipagawa sayo gagawin mo tama ba ako??"sabi ko sakanya naiinis na kasi ako eh ang sarap sapakin

Halata sa mukha niya na naiinis na siya saakin wala pang ilang minuto sinampal na niya ako ng malakas kaya napahawak ako sa pisngi ko at narinig ko naman yung mga kaklase ko kasama narin sila guen na napasinghap

"Ang sakit ha ang tigas naman ng mukha mo ay mali ang kapal naman ng mukha mo"sabi niya saakin tapos tinitignan niya yung kamay niya na numumula hindi na ako nakapag pigil sinapak ko siya ng napakalakas oo sinapak hindi sinampal

"Ang sakit ha makapal na nga yung mukha mo makapal din pala pati yung bungo mo"sabi ko

"How dare you too punch me sino ka ba para sapakin ako ha hindi ikaw yung nagpapakain saakin!!!"sigaw niya

"I'm Icey Leigh Stanford if you don't know my name at sino ka rin ba para sampalin ako hindi rin ikaw ang nagpapakain saakin!!!"sigaw ko rin

"I will tell to my parents what you did too me!!!mahirap ka na nga lang mamatay pa kayo sa gutom!!"sigaw niya ay hindi niya alam na pinakamayan sa buong mundo ang pamilya ko poor her

"Okay tell them i will wait"sabi ko

"Hindi kaman lang natatakot na mas lalo kayong maging mahirap??"tanong niya pero umiling lang ako

"At baka ako pa ang magpabagsak sainyo"sabi ko tapos ngumiti ng nakaka-asar

"You can't do that dahil isa kalang hampas lupa!!"sigaw niya

"Try me"sabi ko tapos may tumawag sa kanya tapos sinagot niya

"Dad......w-what??paanong nangyari yun??....i don't know....okay bye"sabi niya

"Ohh kamusta naman yung kumpanya niyo??"tanong ko at nag smirk

"You!!!sinong binayaran mo para gawin yun??"galit na tanong niya

"Oops wala akong binayaran kasi kung ano yung sinabi ko mangyayari talaga"sabi ko....bat ba ang tagal ng teacher nakakainis na ah

"Sino ka ba para gawin yun??!!"sabi niya

"I'll repeat what i said a while ago again my name is Icey Leigh STANFORD"sabi ko diniinan ko na yung pagkakasabi ko ng Stanford para naman malaman na niya at nagulat naman siya sa narinig niya

"Wag ka masyadong magulat at tsaka kilalanin mo muna kasi kung sino yung binabangga mo..bye"sabi ko tapos lumabas ng classroom hindi muna ako papasok ngayon badtrip kasi ako kaya pumunta ako sa garden tapos humiga ako sa taas ng puno para matulog

Playboys Vs. Badgirls(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon