SWP-- Ang Pagbabalik

5 1 0
                                    

Ang Pagbabalik

Hinihintay ko ang pagbabalik mo. At sa paghihintay, utak ko'y napuno ng mga eksenang pamatay. Ako kaya ay bubuhatin at iiikot tulad ng sa eksena ni Dawn Zulueta at Richard Gomez? O ikaw ay tatakbo papunta sa akin at ako ay hahalikan?

Sa pag-iimagine pa lang, ako'y kilig na kilig. Paano pa kaya kung isa doon ay ating gawin? Pasensya na kung ako ay mapatili. Sadyang di lang mapigil, parang kinikiliti.

Kay tagal mo din palang nawala. Tatlong taon, pero pakiramdam ko ay tatlong dekada na. Ilang balentayns din ang aking pinagtyagaan na sa maliit na gadget lang kita makalambingan. Pero tapos na ang paghihintay! Sapagkat narinig ko na ang anunsyo ng paglapag ng eroplano. Konti na lang, mahal ko. Makikita na rin kita,  i-Dawn Zulueta mo ako.

Hindi ko alam kung gaano pa katagal yung lumipas na sandali. Naglabasan yung mga tao, kaya ang plakard ay itinaas ko. Mahal ko, andito ako!

At biglang nagliwanag ang paligid. Nakita ko ang ngiti mo sa labi. Ngiti sa labi na para sa katabi, yung babaeng may hawak na baby.

"Baka nakatabi sa upuan o kaya'y nakabiruan?", "Baka naman kaibigan at nakasabay lang sa pag-uwi sa bansa?". Mga naiisip ko habang hinihintay na mapansin mo. Tinawag ko na ang pangalan mo. Mahal, lingunin mo ako.

Ngunit mundo ko'y gumuho nang siya ay akbayan mo. Pagkatapos ay hinalikan pa ang mga labi ng katabi mo. Kaibigan mo nga lang ba ang babaeng iyan, o ka-ibigan at ako ay pinaltan??

Unti-unti nang bumuhos ang luha mula sa mga mata. At tsaka naman ikaw napatingin, sinta. Yung ngiti mong kay saya, bakit pinahi bigla? Di ka ba natutuwang ako'y makita??

Ika'y tumakbo patungo sa akin. Aasa pa ba ako sa pag-Dawn Zulueta mo gayong kanina ay iba ang kahalikan mo? Hinawakan mo ang kamay ko. Sabay sabi ng, "Patawad, hindi na ikaw ang mahal ko."

At lalong nadurog ang puso ko. Nung idagdag mo pa ang, "Sila ang pamilya ko". Putspa, di ba ako ang pinangakuan mo? Pero bakit ba nagbago??

Kaya ako'y tumalikod na. Ano pang mapapala kung may iba ka na? Sinayang ko lang ang panahon at oras sa paghihintay. Yun pala, may tinutuka ka ng ibang palay.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha. Alam ko, yung mascara ko ay kalat na. Bakit ba ako'y nagpaganda pa? Tapos wala rin palang pag-Dawn Zulueta? Putspa, sayang yung pinan-taxi ko, yung susunduin ko pala ay sarili ko. Susunduin mula sa pagkaloko, pipiliting iuwi sa kuweba ng lungkot.

Sayang din yung handa sa bahay. Surprise pa naman sana nila nanay. Yun pala ako ang may surprise. SURPRISE! May iba na sya at may baby na sila!

Putspa talaga, sana pala di na ko bumili ng bagong damit. Sa mall pa man din galing, hindi sa ukay ukay sa tabi. Pati yung 5 inches heels na killer shoes, murder na paa ko para sa OOTD na to.

Ganda ko noh? Pero naloko ako. San ba may wall at magwa-walling ako? Flooring na din para mas agaw-atensyon. Tapos i-video nyo ko, tag nyo ko pag nag-viral ito.

Tapos mention nyo rin yung kwago kong ex. Yung happy and contented with his family. Putspa, lagyan nyo ng mahabang caption. Para sure ball na magba-viral at sumikat ako.

Tapos yan, magtataxi na naman ako. Sana pala siningil ko pamasahe ko. Pano na nga pala yung reservation sa resort? Yung vacation na para sa magkarelasyon?

Hastag relationship with myself pala ang drama ko. Tapos patugtog ng "Malaya" habang nagsesenti ako. Iyak uli para sa lahat ng nasayang ko. Mamaya talaga, magkukwenta ako at maniningil sayo.

Bayaran mo sana, kwago kong ex. Di mo na nga binayaran ang loyalty at pagmamahal ko, pati ba naman sa pera ako ay tatakbuhan mo? Mahiya ka naman kahit konti lang. Pampalubag-loob sa iyong kataksilan.

Tapos wag ka na pupunta dun sa libing. Yung para sa puso kong minurder mo. Pag lumapit ka, dudugo ang iyong nguso. Yari ka kay tatay, idol pa naman non si pacman.

At sana alagaan mo yung pamilya mo. Kahit sila yung ipinalit mo, alam ko naman na sila yung may karapatan sayo. Wag kang mag-alala, kaya ko. Kaya kong paltan ang pangalan mo sa puso ko.

Tapos pag kinasal ako, punta ka ha? Isama mo yung katabi mo kanina. Gusto ko nga, best man ka. Best MAN-LOLOKO ng buhay ko.

Tingnan mo kung gaano kaganda yung ngiti ko. Teary eyed pa habang lumalakad ng nakatraje de boda. Tingnan mo kung gaano ako kasaya. Matapos mo akong lokohin at palitan pa.

At ninong ka ng mga anak ko. Yung kambal na syang plano mo. Taon-taon hindi ka pwedeng pumalya sa pagbibigay, panindigan mo naman, wag na ulitin ang nakaraan. Taon-taon ko rin ipapadala yung pictures ng mga bata. Oh di ba, ang gaganda nila? Ganyan sana kaganda mga anak mo kung ako ang iyong napangasawa.

Kaya sige, iiyak ako ngayon. At poproblemahin na rin ang handa sa okasyon. Pero wag kang mag-alala, magiging maayos ang sitwasyon. At ako ay makakabangon sa nasirang relasyon.

Nagmamahal,
Ang maganda mong ex

AdnecatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon