Prologue

2 0 0
                                    

Rain drops falling down through the glass window. Sipping at my cup of hot chocolate drink. Nakatanaw sa malayo habang iniisip ka.

Kamusta ka na? Anong nangyari na sayo? Mga tanong na minu-minutong dumadaan sa isip ko.

Kinuha ko yung phone ko sa tabi.

My finger automatically tapped the gallery icon on my phone revealing our photos taken long time ago. Nung ayos pa kami,nung mga panahong okay pa at masaya kami.

Isa-isa kong tinignan yung mga pictures namin.May time na nagmamake face kami sa picture at may time din na nakangiti lang kami.

That's the best about taking photos every moments were captured.Moments that can be treasured forever but sadly it will only remain as a memory.

Ramdam ko na ang pamumuo ng luha ko habang tinitignan ang mga photos namin.

Sh*t. Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko ng umiyak. Pagod nako pero bakit may luha pa din?

Bakit kasi kailangan pang may nasasaktan habang may sumasaya? Hindi pa pwedeng parehas nalang kaming masaya? Masaya sa piling ng bawat isa.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Sino ba namang hindi maiiyak kung alam mo na hanggang ala-ala nalang ang pagiging masaya nyo.

I was thinking of deleting our photos. Mawawal ba yung sakit kapag nawala na din yung mga photos? Sana ganon nalang no? Para lahat happy. Sana cellphone nalang ako.Minsan nakakainggit din maging isang bagay eh.

Im in the middle of selecting the photos that i will delete nang biglang bumukas yung pinto.

Naalala ko tuloy everytime na bubukas yung pinto ng kwarto ko siya yung papasok.

My god Zailee enough with the drama you need to move on!
I said to my self

Narinig ko nalang na sumara ang pinto at nakitang lumalapit ang isang napakahelpful na tao.

"Oh qaqa umiiyak ka nanaman? Jusko ah king may award lang yung pinakamaraming luhang nailabas champion ka na" sabi niya habang inaagaw sakin yung hot chocolate.

Di ko siya pinapansin nakatingin lang ako sa phone ko pinag-iisipan kung idedelete ko ba yung yung nga  pictures.

I coconfirm ko na sana yung deletion nang biglang may umagaw sa phone ko

"Tsk give me back my phone Jella!" I was trying to get my phone from her then suddenly narinig ko siyang tumawa.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko

"Ngayon ko nalang kasi narinig sayo yung nickname ko nakaka-miss friend ah"

Inirapan ko siya at kinuha yung phone ko.

"At pairap-irap ka na ulit ngayon ah?" Tumawa ulit siya.

Binalot kaming dalawa ng katahimikan.
Ilang saglit pa nang nagsalita siya.

"Kamusta ka na?" Tanong niya na nagpatulo sa luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko nalang nalumapit siya sakin at niyakap ako.

"Ang sakit parin hindi ko alam kung pano titigil to" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Siya naman ay sinusubukang patahanin ako pero siguro kapag iniyak ko to ngayon baka sakaling mawala na yung sakit.

Baka sakaling makalimutan ko na siya.

Siguro nga ito yung tadhana ng buhay ko ang mapuno ng mga tanong na "Paano".

Paano ko siya makakalimutan? Paano ko tatapusin lahat samin? Paano ko bibitawan lahat ng ala-ala? How can I unlove him? How to end this pain.

Because im f*cking tired of all this pain.

Hows Of ZaileeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon