PYRE'S POV
Good Morning World!!!Maaga akong gumising 6:00 palang ay gising na ko at sa katunayan ay hobby ko ma ito dahil gantong oras ay pumupunta ako sa kalapit na Bakery at ang trabaho ko ay ang magbenta at magikot sa buong lugar namin para makabenta.Magpalaalam na lang kay lola ang gagawin ko.
Ginising ko ang Lola Leti ko para magpaalam
"Lola nakaligo na po ako nahanda ko na rin po yung kakainin natin para mamayang tanghali,nagwalis na rin po ako sa labas magtatrabaho lang po ako babalik ako mamayang 8 para maasikaso ko po kayo" ani ko.
"Nako apo diba sabi ko wag ka nang nagpapagod dahil may pasok ka mamayang alas dyes ng tanghali?" Pagtutol ni Lola
"Lola oks na oks po ako di naman po ako napapagod atsaka di pa po ba kayo nasanay na ginagawa ko to halos simula nung pasukan?sige na lola aalis na po ako kasi yung kinikita kong 200 araw araw ay unti unti kong iniipon para someday sa magandang bahay tayo titira makakaahon po tayo ok?"
Hinaplos ni Lola Leti ang mukha ko at tumango
"O sya sige mag-ingat ka pupunta muna ko ng Smart padala sa kanto dahil nagtext ang tita mo magpapadala na sya ng pera para sa gastusin natin kada buwan"
Tumango ako at ngumiti.
Mahirap man kami napupuno ng pagmamahal ang nakapagihid sakin.Nagpapasalamat rin ako sa tita ko na kapatid ni papa na binibigyan parin kami kahit papano ng pera para sa buwan buwan.Naglakad na ako at nagbenta ng pandesal halos isang oras na ko dito pero kahit kailan di ako nakararamdaman ng pagod sa paglalakad dahil sa pagbebenta kong to kahit papaano ay nakakaipon ako para sa mga gusto kong bilhin simula bata ako ay natuto na ko sa kalakaran ng buhay na kapag mababa ka sa mundong to wala silang pakialam sa'iyo.Kaya gagawin ko lahat para makaahon kami at balang araw makakapagtayo na rin ako ng sarili kong Restaurant.
Pagkatapos kong magbenta at naubos ko ito ay bumalik ako sa bakery at ibinigay ang sweldo ko ay dumeretso na ko sa mumunting bahay namin.Naabutan ko si lola na naghahain at may pansit at manok sa hapag,nagtaka ako dahil ang kadalasang ulam lang namin ay tuyo at itlog.
"Pyre Apo umupo kana kakain na tayo alas nwebe na at papasok ka na" ngiting sabi ni Lola.
"Lola san po galing yang ulam na yan may nagbigay po ba sainyo dyan sa kanto?sino po ang may handaan?" Tanong ko habang nagsasandok ng kanin.
"Nagpadala ang tita mo ng dyes mil(10,000) ginastos ko yung iba para sa kakainin natin pero wag ka mag-alala,eto o kunin mo to at ikaw ang magtabi"inabot nya sakin ang tirang pera.Ganto kami sa bahay ako ang taga hawak ng pera.
Kinuha ko ito at inabot ko kay lola ang 2,000 at sakin ang iba
"Salamat apo ang swerte-swerte ko talaga sayo basta wag ka munang mag boboypren boypren para matupad mo ang mga pangarap mo ha?" Pangaral ni lola
"Syempre naman po ako pa,kain na po tayo".
Pagkatapos kung kumain ay naligo ulit ako at nagbihis ng simpleng kupas na pantalon at kupas na kulay Puting T-shirt at itinabi ko sa baboy kong alkansya ang 5,000 na ipinadala at itinabi ko sa wallet ko ang 2,000 libo in case of any needs di na kami nagbabayad ng kuryente o kaya ng tubig dahil sa may sariling poso kami at dun kami kumukuha ng tubig at kandila lang ang nagsisilbing ilaw namin sa gabi.Kaya pag nag aaral ako ay pumupunta ako sa kabilang bahay at nakiki ilaw sa ilaw sa labas nh bahay nila.
Naglalakad lang ako papunta ng unibersidad namin para makatipid at ehersisyo ko na rin ito para mas lalo akong sumexy hehe.Trenta minuto lang ang linalakad ko dahil may alam akong mga iskinita na short cut para makarating na mabiis sa unibersidad.
Dadanasin ko na naman ang mundo na ayaw ko.Lagi nila akong kinakawawa dito naranasan ko na dito ang mapahiya,mapagbintangan at mabully pero never ko pang iniyakan yun dahil yun lang ang magpapatunay na mahina ako at ipinaglalaban ko kung anong ang tama para sa paningin ko.
" aishh bakit pa kasi may paparazzi dito panira yan sa school natin eh ang mahirap"
"Kaya nga tingnan mo yung suot nya oh it's so old like eww parang galing ukay-ukay yuckk"
Tiningnan ko lang sila at nagdere-deretso na sa locker ko at kinuha ang mga libro ko hindi ako nahihirapan sa mga requirements ko dahil lahat ng kailangan ko ay sinasagot nya para bang sponsor, sya si Mrs.Mendez anak nya lang naman ang mayabang sa school na 'to si Jin Marco Mendez.
Alas dose ang simula ng klase ko ngayon at nang nasa locker ako ay nagulat ako ng may mga kalalakihang nagsipasok.Teka?bawal sila dito girls Locker to ah may nakalagay sa pintuan ah.Para makaiwas sa isyu ay linock ko na ang locker ko at palabas na ng hinatak ako ng isa kaya napasubsob ako pero agad nya kong tinulak kaya napaupo ako sa sahig.
"Don't you dare smell me Poor girl mabaho ka" ani ni Jin Marco Speaking..
"Pumunta ko dito kasi diba class A ka?same with me ,now gawin mo tong assignment ko at di ka pwede magreklamo pinapaaral ka ng mommy ko!"
Hinagis nya sa akin ang mga libro nila kasama ang barkada nya kaya naman umumpog ito lahat sa ulo ko.
"Arayy!" Pabulong kong sabi.
Umalis na sila at isa isa kong pinulot ang 5 libro na sa assignment namin.Pumunta ako sa lilim ng puno na lagi kong tinatambayan.
TAPOS!yey tapos kuna ang assignment nila halos lahat na yata sila binully ako pero kaya ko pa para sa pangarap!.
Magsisimula na ang klase kaya dumeretso na ko sa Classroom namin at as usual sa sahig ako nakaupo sa dulo ng room,sanay na ko at di na ko nagrereklamo kasi mas kumportable na ko dito walang katabi,may kanya kanya silang ginagawa kaya siguro di nila ko napansin,sabagay sino ba papansin sakin eh papansinin lang nila ko pag may ipinagagawa sila.
Nasa kalagitnaan ng pagtuturo Si MS. Ng bumukas ang pinto
"And why are You Late Ms. Gabrielle Grace Lee?"mataray na tanong ni ms.Alex
"Im sorry im late ms. Just something emergency came up sorry" nakayukong sabi ni BESTFRIEND.Yiee~
"Ok you may now seat"
"Thank you Ms.Alex"
LESSON
LESSON
REPORTING
LESSON
P.E
LESSONBreak time na!!
4 na ngayon at kasama ko si Gaby my best friend.Naglalakad kami ngayon habang kumakain si Gaby ng mamalaking pagkain na galing pang ibang bansa inalok nya ko pero tinanggihan gusto ko pag may titikman akong mahal o masarap na ganyan gusto ko sa sarili kong hirap ang pinangbili.Alam na alam yun kaya pag tumanggi ako tanggi ma yun."Uhmm...gusto mo bang ilibre kita bukas?punta tayo mall treat ko lahat?Kahit ngayon lang hayaan mokong ilibre ka.Please!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.Ano na ba bukas?
"Bakit a-anong meron bukas?" Tanong ko kay Gaby.Kumunot ang noo nya
"Birthday mo bukas diba?ano ilibre kita?"
"Huh?hindi na"hahahha nakakatuwang isipin na 18th bday ko na bukas pero ni minsan di ako naghahanda at kung di pa nga sinabi ni Gaby di ko alam na b-day ko bukas
"Pyre naman grabe ka ilang taon na tayong magbestfriend pero isang beses lang kitang nalibre pumayag ka na please kung gusto mo bayaran mo nalang ako pag may pera ka huh?"
"Pero kas-" di ko natapos sinasabi ko dahil may nagsalita bigla sa likod namin
"Gab lumayo ka nga sa poor girl na yan peperahan ka lang nyan"pagsingit na babae
" oy tumigil kayo ah masasampal ko kayo"pagsagot naman ni Gaby.Amazona kaya yan.
Sa huli ay di na ko nagpalibre at binigay nya nalang sakin yung pagkain nya na galing pang ibang bansa na ayaw kong tanggapin,masarap nga sya tinikman ko ng onti pero ibibigay ko na lang to don sa nangangailangan ng pagkain sa kalye.
YOU ARE READING
The Poor Girl's Life
RandomPaano kung magtagpo ang mundo ng dalawang hindi magkapantay ano ang kalalabasan....................