I wish i would be with you

36 3 0
                                    

One shot story, nagmamahal youradmiringwriter

Wait! Please, put an earphone and hearing this song. Nasa gilid ang song, maraming salamat! Just-i love you!

Nandito ako ngayon sa bukirin malapit sa eskwelahan namin. Malawak ito kumpara sa ordinaryong bukirin. Madalas akong mamalagi dito lalo na't kung walang pasok.

" Bernal!" Tawag sa akin ni Marvorie habang siya'y tumatakbo palapit sa akin.

" Palagi kang nakabernal, tawagin mo naman ako sa pangalan ko." Giit ko sabay hampas sa kanyang balikat.

" Sige, Marjorie Bernal na lang. Hahahaha... Nahiya na ang kalyo ko sa pagtawag ng hindi kompleto sa pangalan mo. Another cutting class?" Tumawa siya saka tinabihan ako sa damuhan.

" Hmmm. Wala namang bago, cutting at pagtambay lang sa bukid na ito ang tungkulin ko sa buong maghapong nagdaan. Kailan ba ako nagkumpleto ng klase?" Tumawa ulit siya. Kapag tumatawa siya ay parang kamatis ang kulay ng pisngi niya sa pamumula non.

" Nakita ko yung crush mo sa gym. Naglalaro na naman ng basketball. At ang hot niya a! kapag tinanggal yung jersey non. Sana lahat mabiyayaan ng lalaking mas hot pa kay Iñigo." Kinukwento niya na naman sa akin ang crush kong si Iñigo.

Hindi ko naman talaga crush si Iñigo. Inaasar lang talaga ako ni Marvorie doon dahil panay ang iwas ko sa tuwing makakasalubong namin siya noon. Nalalagkitan nga ako sa tuwing nakikita ko siya. Parang ayokong mahulog ang loob ko sa kanya. Dahil siguro sa papalit-palit at pabago-bago niya na namang girlfriend. Kung yung dati si Ysamin ngayon ay iba na naman. Koreana ang lahi nung babae. Jusko, ang sarap nilang basbasan ng holy water! Kaya ayokong tumambay sa gym eh, puro kalaswaan ang tanawin doon.

" Ayiie naman pala! By the way, Si Iñigo 'yang nasa isip mo 'no? Mariin niyang sinambit ang pangalan na Iñigo. Sumosobra na siya. Ayoko na ngang naririnig yung pangalan non eh!

" Hindi, uuwi na ako. Ikaw, magpapaiwan ka ba dito?" Nakatitig lang siya sa mukha ko.

" Shit, why it's now?" Napamura ako sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan.

" Tara, makipayong ka nalang sa akin." Hinablot ko ang uniporme niya atsaka pinayungan siya.

" I dont go home." Malungkot niyang sabi.

" Bakit naman? Ihahatid na kita sa inyo baka mapagalitan ka pa kapag nilagnat ka." Nagpara ako ng taxi para sa aming dalawa.

" Sasama ako sa'yo, gusto ko sumama sa'yo, Marjorie kasi m-mah--" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi hinablot ko na siya papasok ng taxi.

" Bakit ang hirap sabihin? Bakit ang sakit sa dibdib sa tuwing hindi ko maamin ang nararamdaman ko para sa isang tao?" Pinaghahampas niya ang hita niya.

" May problema ba?" Kunot kong usisa sa kanya.

" Maaamin mo din niyan kay Drake, konting kembot nalang." Hagikhik ko sabay tingin sa kalsada.

" Hindi si Drake." Kita ko sa gilid ng mata ko na sa akin siya nakatingin.

" Manong, sa kanto lang po." pumara na ako tapos bumaba nadin kaagad sa taxi upang payungan ang basang si Marvorie.

" Seryoso ka talaga, hindi ka uuwi sa inyo?" Muli kong tanong sa kanya.

" Gusto kong itanan ang sarili ko sa nagaaway kong magulang. Puro sila bungangaan at batuhan ng mga kaldero. Naiirita na sa bahay at sobra na akong nasasaktan." Hinaplos ko ang likuran niya at pinatuloy ko na siya sa apartment namin.

I wish i would be with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon