17.//

263 22 9
                                    


Inis na hinila ni Soonyoung ang sweater niya at nagmamadaling lumabas ng apartment unit niya habang sinusuot ito sa katawan. Mabilis din ang mga yapak niya pababa mula second floor.

Lee Seokmin, his long time best friend, was really keeping something from him. Mabigat na problema o hindi, kailangan niyang malaman kung ano ito dahil bukod sa pagiwas, pagtatago rin ng sikreto ang pinakaayaw niya sa isang friendship. Actually hindi na nga matatawag na friendship ang meron sila ni Seokmin dahil para sa kanya, parang magkapatid na sila.

Malamig ang simoy ng hangin kaya hinila niya ang suot na scarf palapit sa bandang ilalim ng mukha niya para maibsan ang lamig. Panigurado, natutulog pa ito kaya malaki ang chance na maunahan niya ito bago pa ito makaisip na naman ng nakakabobong excuse. Dahil sa tagal na nilang magkasama, hindi kailan man naging ganito si Seokmin kaya talaga namang nakakapanghinala.

Oh well, Soonyoung just has to know what's bothering his friend.

Kahit na wala siyang masyadong tulog, kahit na pagod pa rin ang isip at katawan niya.

Malapit na siya sa kanto ng bahay nina Seokmin ng mapahinto siya dahil sa biglaang pagring ng cell phone niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang si Wonwoo pala ang tumatawag.

He licked his lips wearily before answering the call.

"Hello mahal?" Nagakto pa siya na masigla kahit na litaw na litaw ang maitim na eye bags sa ilalim ng mga mata niya.

Wala siyang ibang narinig mula sa kabilang linya kung hindi ang mahinang paghinga at pagsinghot. His brows automatically furrowed. "Wonwoo? Hello?"

"...hoshi."

Parang ilang taon ang hinintay niya sa pagbigkas nito ng pangalan niya. Isang salita lang ang sinabi nito pero alam na niya kung anong problema. Medyo paos ang boses nito, mukhang galing sa pagiyak.

Soonyoung sighed softly, being careful with his words even though his heart was about to explode from his chest. "Anong nangyare?"

"Si Mingyu."

He felt nothing, eyes staring at the concrete. "Nakapagusap na kayo?"

"Nagkita kami kanina."

"Mm. Tapos?"

Halata namang pinipigilan nito na umiyak. Kahit na buong gabi siyang nasa tabi ni Wonwoo kagabi, hindi naman ito umiyak. So bakit ito umiiyak ngayon? Ano bang pinagusapan nila ng gagong si Mingyu na 'yon at umiiyak ito ng ganito ngayon? He's dying to know.

"Nakakahiyang umasa. Humingi siya ng tawad sakin sa nangyare. Hindi raw niya sinasadya na gawin 'yon. At. . .at mahal na mahal daw niya si Wendy."

"Tang—" he barely kept his mouth from swearing. Pero sa isip niya, ilang mura na ang natanggap ni Mingyu na may kasama pang bugbog. Even though he should be happy at the fact that Wonwoo was rejected, he still couldn't bring himself to be one. Mas nangibabaw kasi sa kanya ang galit dahil malungkot at nasasaktan ngayon ang taong mahal niya.

Kaya naman para mawala ang inis niya, huminga ulit siya ng malalim. "Sinabi ko naman kasi sayo na diyan lang ako sa tabi mo e. Hintayin mo na lang ulit ako."

Soonyoung turned his heels back, walking towards the opposite direction he was supposed to be taking. Mas lalo niyang hinila ang sweater na suot sa katawan niya.

"Pero bakit ganun?"

He let him talk.

"Hosh, mahal ko pa rin siya."

Soonyoung, once again, stopped. While staring at the still deserted road, he was subconsciously waiting for the blow he was going to receive from those words.

But none came.

Kaya naman ngumiti siya sabay tumingin sa kalangitan.

"Papunta na ko."

What will be left of his heart which now, only knows nothing but to love and love and love?

dree / soonseokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon