Chapter 1: What's Happening?

181 5 32
                                    

Patchie's POV

Waaaaah! Parang kailan lang ung first day of School ko as a college student. Andami nangyari. Just to recap.

Nag enroll kami, tas dun namin unang nakilala si Winsher, tapos nun pumunta kami sa isang basketball game which happened to be a game nandun si Winsher. May ginawang kakahiyan si Sam, like always, which led us to finally talk. Niyaya niya ako magcoffee. Tas etong mga kaibigan ko made things kinda weird.

Tas nagstart na ang klase. Btw, nagkita ulit kami ni dating long time crush, Achilles na napagalaman naming may gusto kay Sam at eventually naging sila. Tapos nagkaroon ako ng secret admirer na di na naging secret kasi nakilala ko na pala siya. Siya pala si Xerius. Then nagkagulo na. Bumalik ung ex ni Winsher tas ayun. Tas naaksidente si Xerius which brought us to this point of the story.

Boyfriend ko si Xerius. And it makes so sad na of all people. Ako pa ung nakalimutan niya. But somehow I like this version better. Dahil in this case wala siyang gusto sakin. I mean, isipin niyo to. Noon di niya mapakita sa akin ang true self niya dahil lagi siyang paimpress dahil nga may gusto siya sakin. Pero ngayon, mas nakilala ko siya. Ung kilos niya di kontrolado. Mas carefree na siya.

I like him now more than ever. He makes me feel happy. Actually he makes me feel all sorts of feelings

"Hello? Earth to Patchie" huh?

"HUY!"

"Waaah" nagulat ako

"Buhay ka pa pala. Anong iniisip mo? Nandito na tayo sa school" sabi ni Xerius

"Eto naman. Napaisip lang ako how time passed by so fast. Akalain mo yun? Sophomore na tayo"

"So?" Oh diba? Aakalain niyo bang si Xerius yang nagsasalita?

"Sungit naman neto"

"Eh kasi baka malate tayo pag di pa tayo lumabas dito sa kotse"

"Ay oo nga. Sorry ah"

Lumabas na kami. One hour pa naman pero kasi magkikita kita pa kaming magkakaibigan. I miss them.

"Sammmyyyyy koooo. Last year ko na dito. Promise me na di ka maghahanap ng ibang lalake ah. Ako lang dapat sa two years na di mo ko makakasama dito. " umiiyak si kuya Achilles. Graduating na kasi siya. Kaya ayan. Hahaha

"OA mo naman. Di ako maghahanap ng iba. Pero kung ganyan ka ng ganyan baka mapilitan ako"

"Wag..." tas ayun nagmamakaawa si Achilles kay Sammy. Ang cute hahaha

"Kayo talaga. You make my day hahaha" sabi ni Cyrene

"Kaaga aga ang dami niyo alam" sabi ni ate Rachel

"Hahahaha. Grabe di niyo man lang napansin na nandito na ako"

"Patchieeeee!" Sabay sabay nilang sigaw.

"We miss youuu. Kahit kakakita lang natin last week haha" sabi ni Cy

"Ako din namiss ko kayo. Nakaready na scheds niyo?" Sabi ko

"Yep. Tara na ate Patchie" sabi ni Cy

"Kitakits mamayang lunchtime, Girls" sabi ni Ate Rachel

Di masyadong makapagsalita si Sammy dahil  boyfriend niyang di parin tumitigil hahaha

"Matanong ko lang. Kelan anniversary natin?" Sabi ni Xerius

"Hmmm. Nov 27"

"Ah. Okay"

"Bakit mo natanong"

"Titingnan ko sa facebook kung anong nangyari that time baka may maalala ako"

"Ah okay" nagulat ako hinawakan niya ung kamay ko

"Sana maalala na kita. Pagod na ako kakagising na parang may kulang sa pagkatao ko."

"Wag mo masyadong pilitin. You know how that goes diba?" I love his effort pero he gets kinda crazy pag pinipilit niya alalahanin lahat.

"Sige"

Pumasok na kami sa first class namin for that day.

Okay naman  at smooth sailing pero biglang hinawakan ulit ni Xerius ung kamay ko.

Mukhang hirap na hirap siya. Ansakit daw ng ulo niya.

Nagtaas ako ng kamay "Sir dadalhin ko lang po si Xerius sa clinic" umoo naman siya at tinulungan kong makatayo at makalakad papunta sa clinic si Xerius.

"Xerius kaya mo pa?"

"Oo. Malapit na ba tayo?" Tumango ako. Naiiyak ako. Kita naman kung gano kasakit ung nararamdaman niya.

Nakarating  na kami. Binigyan agad siyang  pain reliever nung nurse. Parang gumaan  naman agad pakiramdam niya at nakatulog siya.

"Text kita pag nagising  na siya. Balik ka  na muna  sa klase mo"

"Magiging okay lang po ba siya?"

"Tumawag na ako ng doctor para pag gumising siya matingnan siya"

"Salamat po" iniwan ko number ko at lugmok  na lugmok akong bumalik  sa class ko.

Tapos  na rin  ang klase at napagalaman namin  na absent ung prof namin for the next class.

"Ate Patchie. How is he?"

"Uminom  siya ng pain reliever at nakatulog siya  agad nung makaramdam  ng ginhawa. Sobra siguro nastress ung katawan niya sa sakit"

"Let's just pray. Magiging  okay din siya"

Naghintay kami hanggang maglunchbreak. Di ako masyadong makapagsalita sa sobrang takot.

"Let's go na Ate. Naghihintay   na sila sa Fave spot natin"

Anxious pa din ako. Pero kumakalam  na din sikmura ako. Nakuuu  baka magstress eating ako.

Nagkukuwentuhan  sila pero walang pumapasok sa isip ko hanggang biglang nagvibrate ung phone ko.

Nagtext  na ung nurse.

"Guys. Tara. Gising  na daw si Xerius"

Pagkapasok namin dun. Nandun  na ung doktor.

"Hi kayo ba  ang friends ni Xerius?"

"Opo. Kamusta  po siya?"

"Well I have some news"

"Ano po yun?"

"Xerius is...

~To be Continued

Just like I said, tatry kong habaan. This is it hahahaha. Hope I could do a regular update. Hahaha pero knowing me, malabo un. Huhu

Sana maenjoy niyo. Vote, comment at add sa lib or rl hehe

Love you all
~ Leela Turanga

University Love Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon