Chapter 15

21 1 0
                                    

Mae's POV

Nasampal pa ko bwesit! Umalog utak ko dun ah! Urghhh parang wala na kong lakas mag drive. Ahhhhhhhh ang sakit na ng ulo kooo!! Sinikap kung magdrive pabalik ng campus pero kinaya naman. Pinark ko na yung kotse at dali daling pumasok ng dorm.

"Oh mae bat ngayon ka lang?" Maddie

"May pinuntahan lang. Sige pasok nako, pagod na pagod na ko eh" sabi ko at tuluyan ng umakyat at pumasok ng kwarto. Agad na kong humilata sa kama.

Haaaayyyyy. Parang ilang taon akong di naka higa ah. Niligpit ko na yung mga gamit ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako

-------------------------

Max POV

Habang papauwi ako, paulit ulit na bumabalik yung mga sinabi sakin ni jaime.

Di ba talaga ako marunong magmahal? Ang selfish ko di ko matanggap tanggap na hindi na siya babalik sakin. Ako yung bobo! Ako yung tanga! Na pilit umaasa na babalik pa siya!

Eto na naman ako umiiyak na naman, kelan ba ko titigil? Awang awa na ko sa sarili ko. Nakarating ako ng bahay ng mapayapa.
Pumasok na ko ng bahay, nadatnan ko si kuya na naka upo sa sofa

"Ey bakit ngayon ka lang?" He asked

"Nagusap lang kami nina shayne"

"Oh? Bakit? May  problema ba kayo?"

"Hmm? Meron lang misunderstanding"

"Ah ganun ba?"

"Hmm. Akyat na ko kuya" sagot ko at tuluyan ng pumasok ng kwarto

Haaaaaaaaaayyyy.

Eto na naman ako, parang naging routine ko na every night ang tumingin sa mga pictures naming dalawa at inaalala yung mga memories namin. Hahaha baliw lang noh? Paano ako makakamove on kung palaging ganito?
Ang tanong kelan ko ba matatanggap na wala na siya?

Yes. Wala na siya at di na siya babalik pa, he died 8 months ago because of heart failure. Sa lahat ng mga tao sa mundo, bakit siya pa? Yung taong minahal minahal ko nang sobra? In the first place, bakit pa pinagtagpo pa kami ng tadhana?.

8 months na, 8 months ka ng wala sa buhay ko
8 months na kong walang karamay sa mundo, 8 months ka ng nasa langit.....

Alam ko na masaya kana dyan pero bakit nauna ka? Naisip mo ba na hindi ko kaya na mawala ka? Dave bakit ang unfair mo? Akala ko ba walang iwanan?

Sa mga araw na ikaw yung kasama ko, kahit isang minuto di ko naramdaman na hindi ako mahalaga, andyan ka palagi at tinuturing mo ko parang prinsesa. Masasabi ko sa sarili ko na ikaw at yung mga ginawa natin ay ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko.

Bago ka mawala ako pa rin yung iniisip mo. Ramdam na ramdam ko kung gaano mo ko kamahal, Love ang swerte swerte ko sayo
Wala nang makakapantay sayo. Sa sobrang pag aalaga mo sakin, di mo na naaalagaan yung sarili mo. Ako yung girlfriend mo pero di mo sinabi sakin na nag aagaw buhay ka na pero sinabi mo na ayaw mo lang akong mag alala. Ako pa rin yung iniisip mo kahit ganyan na yung nararamdaman mo. Alam kong naging matatag ka at lumaban pero alam kong napagod ka na rin pero dave hinding hindi ako mapapagod na mahalin ka.

And the last thing I knew,
















I'd cry once again..

*Dreams*

"Love, mahal kita"
"Love, mahal kita"
"Love, mahal kita"
"Love, mahal kita"
"Love, mahal kita"

Stay Together, We'll Be ForeverWhere stories live. Discover now