a chalkboard love story

127 3 2
                                    

 Natatandaan mo pa ba ung feeling na tinawag ka sa harap para magsulat sa board ng tamang sagot kinakabahan ka at dinadasal mong kainin ka nalang ng lupa wag ka lang magsulat...

Pero ang totoo pagwala na ung teacher ninyo at may natirang chalk ay maguunahan kayo ng classmates mo para madrawing sa blackboard?

Diba ang saya nun? ^__^

Pero maiisip mo bang dahil sa ganun makilala mo ung taong para sayo?

"galing talaga nung klase bago tayo noh?" narinig kong sabi ni pia, bestfriend ko.

"oo ang artistic nila!" sagot ni nikki, ung bading naming kaibigan.

"artistic? Bakit kasi laging may drawing ung board?" medyo sarcastic kong sabi.

"ang nega mo bianca!" sabay pa nilang sigaw. Wow! Bawal na pala maging sarcastic kasi nega ka na agad =_=*

"pero infairness friendship bet ko yang drawing na nakaturo sayo" sabi ni nikki habang nakangiting tinititigan ung blackboard.

"cute nga.." bulong ko nalang, yun din kasi una ko napansin sa lahat ng nakasulat at nakadrawing dun. Bukod kasi sa nasa tapat ko talaga siya, eh sobrang cute lang talaga ung pagkakadrawing.

Hangang sa mga sumunod na araw laging may ganun na nakadrawing sa tapat ng pwesto ko, nasa harap na harap kami kaya tapat na tapat talaga sa akin.

Minsan nakakaway, minsan nakaturo, nung minsan nga nakakindat pa eh.

"bianca!" excited na salubong sa akin ng mga kaibigan ko, kulang nalang ay kaladkarin ako papasok ng classroom.

"anakng ano ba meron? Bakit ang hyper niyo?" 

"tingnan mo dali dali!" sigaw pa rin nila habang tinutulak ako sa upuan ko.

"TADA!" ^______^ sabay pa silang tumuro dun sa blackboard.

-_- O.O "kayo nagsulat nyan noh?" -_-

Lokong mga 'to! Nilagyan ng bubble caption ung drawing, alam nyo yun ung parang sa comics? Basta yun na yun! Alam nyo ano nakalagay?

drawing: "hello Bianca!"

"hoy assuming ka!" nakapout na umupo si pia sa tabi ko.

"tanong mo man sa kanila ganyan na yan nung pumasok kami!" sigaw ni bakla, habang nakapamewang sa harap namin.

"oo Bianca, promise wala pang gumagalaw nyang mga sulat sa blackboard" sabi nung classmate namin na nakaupo sa likuran ko.

"eh baka ibang Bianca yan" i said as i waved my hand dismissing the thought.

"gaga! Panong ibang Bianca? Eh last class na tayo!" hampas ni nikki sa braso ko.

"bestie ikaw yan promise tapat na tapat sayo eh" hampas naman ni pia sa kabila.

"hai paniwalaan niyo kung ano gusto niyo, pero utang na loob wag nyo ko bugbugin ng hampas!" at sabay ko silang hinampas. Gantihan lang yan! At chaka kinikilig din ako di ko lang pinapahalata >///<

Ang cute lang kasi, ang ganda din ng pagkakasulat, weakness ko pa naman yung lalaking magandang magsulat bonus na ung magaling magdrawing. Sino kaya yun noh?

After that day, lagi ng may bubble caption un nga drawing sa board, at naniwala na rin akong ako yung tinutukoy na Bianca. Minsan kasi nagiiwan na rin siya ng gifts, simpleng chocolate or candies lang naman at note na "hello" or "hi". Hindi naman nakakakilig yun diba? Pero kinikilig kami kasi pati si pia at nikki meron din pero alam niyo ano nakasulat?

"pia/nikki, pabantay nalang si bianca ah. Salamat! :)"

Kinilig ako sa smiley! >>_<< joke! So ayun alam nyo na bakit kami kinikilig at bakit alam na namin na ako ung tinutukoy, kasi pati si pia at nikki nadamay.

Kung tutuusin daig niya pa stalker sa ginagawa niya diba? But instead of being creepy, we find him cheesy. >>_<< mali ba? Sweet naman kasi ung ginagawa niya, diba? :">

"friend help!" sigaw ni nikki sa kabilang linya, bigla kasi siyang tumawag sa akin.

"ano nanaman problema mo baklita ka?" =_= walang energy kong tanong.

"bakla! Nandito ko sa school punta ka please I NEED YOU FRIEND!" sigaw niya.

Wow! Happy birthday din sayo nikki ah. =_= oo! Birthday ko at ang kaibigan kong 'to ay inuutusan ako imbes na batiin ako. At wala naman kami pasok bakit nasa school 'to?

"bakit kaya di ikaw pumunta dito sa bahay?" medyo inis na sabi ko.

"ikaw pumunta dito dalian mo!" at binabaan na niya ko.

Pilit kong tinatawagan at tinetext pero di sumasagot. Di naman siguro nakidnap un diba? Hai kainis! No choice. Ako pa tuloy pupunta dun.

Pagdating ko sa school sinalubong na agad nila ko. Kung ano anong pigil na ginawa ko at kung ano anong tanong na rin tinanong ko pero tawa lang sila ng tawa. Di ko alam bakit basta hinila nalang nila ko sa tapat ng isang classroom namin. 

"jan ka!" sabay nilang tulak sa akin papasok sa loob ng classroom.

"hoy problema nyo!" pag ikaw nabigyan ng baliw na kaibigan mababaliw ka din, grabe!

"tingnan mo ung blackboard!" narinig kong sigaw nila, kaya ginawa ko nalang.

O.O

KYAAAAH! Teka lang nalaglagpuso ko! Pero "HAPPY BIRTHDAY BIANCA!" lang naman ung nakasulat dun sa board with matching drawings sa paligid.

Nung lumapit ako at mas nakita ko ung nakasulat sa ilalim. At daig ko pa ang pinaliguan ng isang drum ng kilig.

"liligawan kita ah, bawal umangal." ^_^ narinig kong may nagsalita sa gawing pinto.

Grabe! Ang pogi ni Peter! >///<

TEKA! Bakit nandito 'to? Siya ba ung nagsalita?

Natauhan nalang ako ulit nung tumawa siya, nakalapit na pala siya sa akin.

"hello bianca" tinuro niya ko, kinawayan at kinindatan.

"h-hello din" nautal pa ko, nakakahiya!

"natatandaan mo pa ko? Ako ung kasabay mo noon magenroll, mula sa admission, pagpapamedical pati nga sa pagsukat ng uniform eh at ung pinikafavorite part ko ung sa id picture, ang ganda kasi ng ngiti mo nun, parang lahat ng pagod ko napawi nung makita kita. Malas lang kasi di pala tayo magkaklase, pero swerte pa rin kasi nakikita kita after ng klase ko. Ako nga pala ung nagdradrawing para sayo, nabasa mo naman siguro un diba?" sabi niya at tinuro ung blackboard.

ang haba ng speech nya! At windang ang lola mo! Kalerkei!

"ah-eh-ah---oo he-he-he salamat" ninenerbyos naman ako dito. Help? >///< di ko kinakaya! Pero crush ko din kasi 'tong mokong na 'to eh, kaya nga kinausap ko siya nung enrollan eh. Akala ko di ko na ulit makikita yun pala ang galing niyang gumawa ng paraan at pati mga kaibigan ko kasabwat niya.

Pero pasalamat nalang ako kasi at least ngayon may pagasa na kong makasama ung taong 'to.

"happy birthday! Liligawan na kita sa personal pati sa drawing, bawal angal ah?" ^____^ sabi niya habang nakangiti at inaabot ung stufftoy na hawak niya.

Tinangap ko nalang at nginitian din siya, bago sabihin "makakaangal pa ba ko kung lahat din ng inis at pagod ko napapawi pag nakikita ko ung ngiti mo." ^___^

 ----

comments are very much appreciated! THANKYOU! arigatou! kamsamnida! xiexie! merci!

a chalkboard love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon