Nocturnal Memoirs

35 0 0
                                    

Nocturnal Memoirs

Prologue

"In this sad world of ours, sorrow comes to all, 

and it often comes with bitter agony. 

Perfect relief is not possible, 

except with time.

You cannot now believe that you will ever feel better.

But this is not true.

You are sure to be happy again.

Knowing this,  

truly believing it, 

will make you less miserable now.

I have had enough experience to make this statement."

-Abraham Lincoln.

PART ONE: RATHER BE

"I would wait forever,

Exulted in the scene,

As long as I am with you,

My heart continues to beat..."

Chapter 1 

"Carrot Cake"

Aechez

October 14, 1993

"Aechez!"

Naramdaman niya na tila ay may humahatak sa kumot niya. Hindi rin mapagkakailang narinig niyang may tumawag sa boses niya.

"Aechez!"

Lalo pang lumakas ang pagtawag sa pangalan niya. Alam niya sa kanyang sarili na hindi na ito panaginip pa, dilat na ang kanyang mga mata ngunit napupuno parin ng dilim ang kwarto niya. Maliit na silahis lamang ng liwanag ng buwan mula sa katabing bintana na natatakpan ng kurtina ang kanyang nakikita.

Nagpatuloy lamang siya sa hindi pagkilos at matamang nakinig. Dahan-dahan niyang itinakip ang kanyang dalawang palad sa kanyang mga tainga, at pinilit na muling ipikit ang kanyang mga mata.

Maya-maya pa ay may narinig siyang mahinang "click" at sinundan ito ng pagsabog ng liwanag sa kanyang buong kwarto.

"Aechez! Ano bang nangyayare sa eyo?"

Tuluyan nang hinatak ng kanyang yaya ang pinagtatalukbungan niyang kumot. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya sa tuwa na ang yaya lang pala niya ang kanina pang kinatatakutan niya o gusto niyang umiyak dahil sa pagkainis na ganoon na lamang siyang natakot sa yaya niya.

At dahil pareho lang naman ang nasa pilian, tuluyan na nga siyang umiyak. Hindi ito ngumawa na tila isang bata sa kalye na inagawan ng lollipop at lobo, ngunit tahimik na nagsipatakan ang mga malalaking luha niya sa mamula-mula niyang pisngi, na sinabayan pa ng kanyang mga hikbi.

Sapat na ito upang magdala ng totoong takot sa kanyang kaawa-awang yaya. Nagmadali itong tabihan ang kanyang alaga at pinatahan ito habang pinupunasan ng bimpo ang pisngi nito. Lalong kinabahan ang kanyang yaya nang haplusin nito ang noo ng bata, at maramdamang nag-aapoy ito sa lagnat.

Nocturnal MemoirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon