1

18 1 0
                                    


Sumilip ako sa labas ng bintana ng kotse. Mangilan ngilan lang ang nakikita kong sasakyan na bumibiyahe ngayon dahil malamang sa basang kalsada.

Malakas ang ulan kanina mula sa intersection na nadaan namin at marami din akong nakitang mga sasakyan na nakaparada sa mga gas station malamang naghihintay na tumila ang ulan para iwas disgrasya.

Mabuti nalang at di na gaano malakas ang ulan ngayon.

Nagsimula nang mag moist ang bintana na sinisilipan ko kaya marahan kong ipinunas ang kamay ko sa salamin umaasang matatangal ang hamog at malaya ulit akong makakakita sa labas.

Ngunit hindi ito nawala sa paulit ulit kong pag punas. Malamang sa labas na ang problema nito. Isip isip ko.

Ibinaling ko nalang sa harap ng sasakyan ang tingin ko dahil mukhang wala nang pag asa na mapunasan ko ito mula sa loob.

"Napahanda ko na ang kwarto mo kay Aunt Eine kahapon para pag dating mo magpapahinga ka nalang." Ani Dad.

Demian Yoo o kilalang Sheriff Dem ang tatay ko sa Belleville isang maliit na bayan malayo sa nakagisnan kong syudad.

Nginitian ko lang siya.

Halos tatlong taon na din nung huling tapak kong muli dito sa syudad na to.

"Ang mga school requirements mo? Dala mo ba? Para maayos ko na rin ang papasukan mong eskwelahan dito." Pagtatanong uli niya habang sumulyap sakin bago muling ibinaling sa daan ang tingin.

Nakita ko na ang lumang karatulang nagsasabing Welcome to Belleville.

"Opo naayos ko naㅡ" naputol ang sasabihin ko nang marinig kong may bumati kay Dad mula sa labas.

Binuksan niya ang bintana at isa isa ding binabati ang mga taong bumabati sakanya.

I sigh. I hope things will get better here.

Ilang sandali pa tumigil kami sa tapat ng old two-story house. May naghihintay saaming dalawang lalaki sa tapat nun.

Bumaba na si dad kaya bumaba na rin ako.

I felt a small smile crept in my mouth. Matagal tagal narin simula ng huling tapak ko dito.

"Demian! Siya na ba si Daniella?" Napalingon ako sa dalawang lalaki na wari'y nagaabang saamin sa tapat ng bahay.

"Oo siya na nga." Ngiti ni dad sabay akbay kay Uncle Joe.

Siya ang best friend ni dad since im in diapers. And we're really close. Closer than i am with dad. I chuckle bago lumapit kay Uncle Joe.

Niyakap ko siya at ganun din naman siya.

"Ahh Daniella! Bat ang bilis mo namang lumaki? Parang kahapon lang ako lagi ang tinatakbuhan mo pag ayaw kang bilhan ng candy ng daddy mo" ani Uncle Joe na wari'y pinupunasan pa ang imaginary tears niya.

I was about to reply kaso may brasong pumulupot sa leeg ko mula sa likod at ginulo ang buhok ko.

"Oo nga naman Dana suplada. Bat ang bilis mong lumaki? Kaso nga lang ang panget mo pa rin" tawa ng lalaki sa likod ko.

Parang nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya kaya sinubukan kong abutin siya mula sa harap.

"Wag kang aano ano jan Hobi linta ah! Mas panget ka sakin lintek ka!" Sigaw ko habang pilit ko pa rin siyang inaabot kaso hawak niya ang ulo ko para di ko siya maabot.

Narinig ko namang nagtawanan sila Uncle Joe at Dad kaya nakitawa naman tong Hobi lintang to.

Pano nung mga bata pa kasi kami lagi nalang nakadikit sakin. Pag mag ccr lang ako iiyak siya kasi kala niya iniwan ko na daw siya. Basta sobrang drama niya dati halos di na kami mapaghiwalay. Kahit ata matulog nun minsan magkasama kami eh.

"Hay nako kayong dalawa. Pumasok na nga tayo at baka bumuhos nanaman ang ulan. Madalas pa namang umuulan sa panahon ngayon." Awat ni Uncle Joe


ㅡ ㅡ ㅡ ㅡ ㅡ ㅡ ㅡ ㅡ ㅡ

A really short first chapter😅 im sorry.. natatakot kasi ako na baka mawalan nanaman ako ng idea at mabitin yung chapter sa awkward situation kaya hiniwalay ko nalang.

Masked→ kth.Where stories live. Discover now