Chapter 4 : New Home II

20 2 1
                                    

Xandy's Pov.

6:30 pm nang ako'y magising, narinig ko ang mga katok ni aling helya sa aking pintuan.

Tok tok tok

"Anak!! Gising na at tayo'y kumain ng hapunan, nandoon nadin sila sir at maam." Mahinang pagtawag saakin ni aling helya.

"Opo!!! Susunod na po ako."

Nagpunta muna ako sa aking banyo bago maisipang lumabas ng aking kwarto.
..........

"Shotaro!! Paano natin ipagtatapat sa kanya?? Paano kung mabigla siya?"

"Ano pinagsasabi mo evalyn? Hindi niya dapat malaman!!! At wala tayong ipagtatapat dahil hindi siya magiging ganun!!! Naiintindihan mo ba ako?"

Ayan agad ang narinig ko habang papalapit ako sa kainan.

Dahil sa aking curiousity ay nagpakita ako agad sa kanilang dalawa at wala sa sariling tinanong sila.

"Ma! Otoosan! ano po ang pinag uusapan niyo"

Bumalot naman ang pagkabigla sa kanilang mukha.

"Anak kanina ka pa ba andyan??" Wala sa sariling tanong ni mommy.

"Ah hindi naman mommy kararating ko lang din."

"Ah eh wala anak tara kumain na tayo" pagpapatapos ni mommy sa usapan namin.

Si otoosan naman eh para siyang pinagpapawisan.

Hindi ko nalamang pinansin ang aking mga narinig at kumain nalang ako.

Dahil baka problema pang asawa lang yun at hindi pwede maki alam ang anak.

..........

Natapos na kaming kumain at ngayon andito na ako sa aking kwarto ngunit hindi parin mawala sa aking isip ang aking mga narinig.

Parang may bumabagabag saakin at gustong gusto ko iyon alamin.

Dahil saaking pag iisip ay hindi ko namalayan na ako'y nakatulog ulit.

................

Cringgg cringgg cringgg.

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock.

Naka set na kasi tong mag alarm araw araw pag sumapit ang 7 am ng umaga.

Katulad ng aking nakagawian, pagkagising hilamos, toothbrush, suklay at onting ayos ng kama bago ako bumaba sa aming hapag kainan.

"Baby, naasikaso na nga pala namin ng otoosan mo ang papasukang mong school." Eto agad ang bungad saakin ni mama ng masilayan niya ako.

"Ahhh ok po." Walang kagana gana kong sagot sakanya.

Kumain nalang kami ng tahimik at pagkatapos nun umakyat ako sa aking kwarto upang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay naisipan kong pumunta sa garden namin at mag tingin tingin ng mga halamang dinidiligan ni aling helya.

"Napakaganda naman ng mga halaman aling helya."

"Nako salamat anak, alam mo bang inaalagaan ko yang mga yan ng mabuti upang hindi sila malanta at mamatay." Masayang pag bibida ni aling helya sa kanyang mga halaman.

Ngumiti nalang ako sa kanya at muling pinagmasdan ang mga halaman.

Habang pinagmamasdan ko itong mga to ay bigla akong napaisip.

Ano bang nangyayare saakin? Bakit parang tumamlay ako, samantalang nung nasa japan kami at bago umuwe eh ang sigla sigla ko.

Bakit parang Nawalan ako ng gana ?? Bakit parang wala na akong pakeelam sa mundo.

Nagtataka padin ako sa aking sarili bakit ako ganito.

Habang ako'y nagtataka at napapaisip hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si mommy.

Bigla etong yumakap saakin at sabay tanong ng......

"Anak anong iniisip mo?? Bakit parang ang lalim niyan ? Baka malunod na kami dito ah haha."

"Ah wala naman mommy" sagot ko sa kanya sabay ngiti.

Hindi naman nangulit si mommy at yumakap nalang ito saakin.

6:30 na ng gabi at kami ay nandito sa hapag kainan.

Ngayon ko lang napansin na sobrang tahimik pala naming tatlo.

Si otoosan seryoso lang siya sa kanyang pagkain at ganun din naman si mommy.

Habang kami ay kumakain biglang nag salita si otoosan at napakaseryoso niya.

"Maghanda ka na para pumasok bukas, dahil bukas na ang unang araw mo sa iyong paaralan." Seryosong pagkasabi ni papa saakin.

Tumango nalang ako bilang sagot dahil wala din ako sa mood.

After namin kumain ay derederetso ako sa aking kwarto

Naisipan ko muna manood ng movie saaking laptop at pagkatapos nun ay naglinis ako ng katawan para bago ako matulog ehhh maginhawa ang aking pakiramdam.

Habang nakahiga ako sa aking kama ay d ko maiwasang mag isip kung ano ang magiging buhay ko sa bago kong paaralan at sino sino ang magiging kaibigan ko.

Sana naman mababait sila

Dahil sa aking pag iisip ay hindi ko na namalayan na ako'y nakatulog na pala...

........... Author's saying..........
Yan na guys sorry medyo hindi maganda kasi medyo wala ako maisip pero at least naka update ako, sana supportahan niyo naman to vote and comment kayo promise d kayo mag sisisi. And isa pa kaya siya maiksi lang dahil dugtong lang ito sa part 1 ng new home, wag kayong mag alala mas lalong eexcite tong story ko.

How can i unlove you? Where stories live. Discover now