CHAPTER ONE

791 44 21
                                    

CHAPTER ONE

Great! This is really great.

Napabuntong hininga ako at nilingon ang kabilang direksyon ng tinatahak kong terrain kung saan ako binaba ng taxi driver na sinakyan ko mula airport. Palubog na ang araw sa kanluran at nagsisimula na ang paglamig ng ihip ng hangin. Malayo-layo na din ang huling gusali na nadaanan ko at wala din akong makita na kahit anong gusali sa harap ko bukod sa mga halaman, damo, puno at kalye na paakyat sa kung saan sa bahagi na ito ng Laguna.

Almost thirty minutes na akong naglalakad at hindi ko pa din makita ang hinahanap ko. How stupid of him to hide in this place? If only I have my car this would be much easier. Muli akong napabuntong hininga at naglakad akay-akay ang isang over-sized trolley bag bukod pa sa backpack na nasa likod ko.

It's been a long day. It was a twenty hours flight from JFK International airport in New York City to Manila with a four hours layover in Hong Kong. I had the choice to check-in at any hotel but I chose not to, because it's Monday and I have a business to attend to on Wednesday, kaya ayokong mag-aksaya ng oras. Or maybe, I'm just excited to see that person.

Malayo palang ay nakuha na ng dalawang lalake na pasuray-suray habang naglalakad patungo sa akin ang atensyon ko. Halatang lango sa alak ang mga ito habang maingay at wala sa tono ang pagkanta.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Wala akong balak na pansin ang mga ito ngunit napansin nila ako nang konti na lang ang pagitan ko sa kanila.

"Pre', cheks oh!" ani nung isa na walang suot pang-itaas.

"Abay oo nga ano. Ang ganda *hik* naman niyan. *hik* Hi ganda, sa'n *hik* ka punta?" tanong naman ng pangalawa na sa sobrang kalasingan ay inaakay na ng kasama niya.

Hindi ko sila inimik at nagtuloy lang sa paglalakad. I don't want to create any troubles while I'm here. It might jeopardize everything.

"Pre' suplada," natatawang sabi nung umaakay.

"Pu@$?#. *hik* hindi pwede yan dito!"

I felt him coming near me but before he could grab me I immediately let go my trolley, grabbed his one arm and used my other hand for a straight punch towards his face that made a loud cracking sound coming from his nose before he fell on the ground.

Magkahalong gulat, takot at mangha ang lumatag sa mukha nung isang lalake habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng kaibigan niyang dumadain sa kalye. Tinaasan ko lang siya ng kilay, inaabangan kung ano ang gagawin nito.

"A-ah, miss p-pasensya na. Lasing lang yung kaibigan ko," anito na hindi malaman kung tatakbo paalis o pupuntahan ang kaibigan.

Muli kong tinignan ang lalake sa sahig. Sapo ang kanyang duguang ilong ay hindi pa din ito makatayo. Mukhang sa kalsada na ito malilipasan ng malay. "May talyer ba dito?" baling ko sa kasama nito.

Nanlaki ang mga mata ng lalake bago mabilis na tumango at tinuro ang unahang direksyon na tinatahak ko. "S-sa taas pa. S-sorry talaga miss."

Marahan lang akong tumango bago pinulot ang handle ng trolley ko at iniwan na ang mga ito. At least I know I'm on the right track.

"Baliw ka talaga Anton. Lagot tayo kay mang Eugene nito. Bisita niya ata yun," narinig kong pagalit nung isa sa kaibigan na nalipasan na ata ng malay sa aspalto.

I Will See You In HellWhere stories live. Discover now