Chapter 1

14 2 3
                                    

Gerome's POV

🎶binnaneun geotteureun mana geu ane jinjjareul bwa bwa. Call me baby, call me baby (Oh) Call me baby, call me baby🎶

Napabalikwas ako sa mahimbing na pag kakatulog ng biglang mag ring ang phone ko. Sino naman kayang drugaddict ang tatawag ng ganitong oras?

Calling Christianak.....

Hindi lang pala drug addict, drug lord na.

" Oh? Ba- -"

[[ Hulaan ko? Tatanong mo kung ba't ako napatawag ng 7am ngayong linggo? Ano? Improving na yung sinasabi ko sayo na feeling ko psychologist yung past life ko? ]]

Maniniwala pa sana ako kung psycho ang sinabi niyang past life niya, pero psychologist? Ulol!

" Gago kaba? Tinawagan mo ako ng madaling araw para lang diyan? "

[[ Eto naman, aburadong aburado. Bakit? Naabala ko ba session mo? Nag paload ka siguro no? Ahhhh! Kaya pala naungol ka nung- - - ]]

" Pakyu ka! "

Naiinis kong binaba yung tawag niya at sinubukang bumalik sa pag kakatulog pero. . .

ARRRGHHHH!!! BWISIT KA TALAGA CHRISTIAN!!

Tumayo na lang ako at pumunta sa study table para mag DOTA nang biglang mag ring ang CP ko akala ko may nag text pero reminder lang pala.

^ christian's report on monday

Tsk, kung wala akong ginawang reminder nganganga talaga yang tyanak na yan sa lunes. Dinial ko ang number ni tyanak

[[ Ano?! Nag papatangkad pa ako tapos biglang nag fla flash yang jedai mong mukha sa screen! ]]

Anakng!

" Pumunta ka dito. "

[[ Bakit? Napag desisyunan mo na bang turuan ako ng tamang method para tumangkad ako? ]]

" GAGO KA! Sa Lunes na report mong puta ka puro kabalastugan pa yang inaatupag mo! "

Binaba ko na ang tawag ko at ni review ang topic na i rereport ni Christian si- nummarize ko na din at gumawa ng examples.

Eh? 9am na wala pa din ang puta.

" HOY JEDAI! BUKSAN MO TONG PINTO WAG MO TAKASAN MGA UTANG MO SAKIN!"

PUTCHA! Nakakagago talaga tong papuntahin sa dorm.

" Ano ba?! "

" Ang tagal mo buksan yung pinto eh, nilalamok na ako sa labas. "

Tsk, nakakainis umagang umaga badtrip.

" Hoy Tit, nakakahinga ka pa ba dito? Anliit liit naman ng dorm na nakuha mo eh, anlaki naman ng perang binigay sayo ni Mama. Saan mo ginamit yung pera? Nagamit ka ng bawal na gamot no? "

Eh? Anak nang pota sarap talagang tawagan ng mental institute tuwing kasama ko tong gagong to.

" Ts. Malamang nag titipid ako, alam mo namang may maintenance na si papa saka di naman pwedeng iasa namin lahat sa pamilya mo. "

Sabi ko sa kanya at sabay ibinato sa kanya ang na summary ko ng report niya.

" Eh? Bakit ang dami nito?! Aba, isang chapter lang naman yung irereport ko pero bakit tatlong page?! Ginagago mo ba ako? "

Hindi ko na siya pinansin at hinanap na ang examples na ginawa ko kanina.

" Hoy! Kahit mababa IQ ko aba Top20 kaya ako sa klase! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Crush is a Cold Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon