CHAPTER 31

4.5K 80 1
                                    

CHAPTER 31

I wish that she's only your princess...

And Im your...

Queen..

Shit! ano ba tong pinag-iisip ko. Tumalikod nako kasi baka makita nya pako. Ayoko lalo na kapag naiisip ko yung nangyari saming dalawa. Iniwan nga nya lang ako eh kaya alam kong wala lang ako para sakanya.

Tumungo sila sa stage at nilapitan naman sila nung emcee.

Nakikita ko panaman sila mula rito, pero alam kong hindi nila ako makikita dahil sa may kadiliman na sa parte ko.

"Good evening everyone. Thank you for coming in this event. Just enjoy with other's company" maikling sabi ni King.

Nag palakpakan naman ang lahat. Ngumiti lang yung kasama nyang babae at bumaba na sila. Kagaya kanina, maingat nya parin itong inaalalayan at nakipag usap na sa iba pa.

Kaano ano kaya nya yung babae?

Girlfriend kaya nya yon?

Ano kayang magiging reaksyon nya kung sakaling magkita kami?

Wow as if naman na gusto nya akong makita, at tyaka di naman ako magpapakita sakanya no.

Maya maya pa...

"Good evening King" natuod nalang ako sa kinatatayuan ko sa pagbati ni Maam Amandine sa mga bagong lumapit.

Sht! bakit pumunta pa sila dito? Ano ng gagawin ko? Baka makita nya ko.

Hindi ko inaasahang lalapit rin pala sya rito.

Kasasabi ko palang kanina na baka magkita kami, eh bakit napakabilis naman ata..

"Nananadya ka ba author?" -Heven

"Hoy, wag kang ano, ginusto ko ba yan?" -Ms. A

"Sige na nga" -Heven

Back to the topic..

"Good evening Mr. and Mrs. Zoldyck. Thank you for accepting my invitation" dinig kong sabi ni king.

"Its our pleasure to be invited in this event" sabi naman ni Sir Zeyr.

Buti at nakatalikod ako sakanila, at hindi nila ako mapapansin.

"Just enjoy the party" dinig kong sabi ng babae.

Babae?

Sya yata yung magandang babaeng kasama ni King. Mukhang malapit talaga sila sa isa't isa.

"Oh, sure Lownera"

Ahh, so Lownera pala ang pangalan nya. Mukhang kilala din sya nila Maam Amandine.
Tanga lang Heven? Kaya nga alam yong pangalan eh, tsk

Ayy may problema pa pala ako...

Pano nato? ...

Dahan dahan akong naglakad papalayo para tumakas na dito. Dapat makaalis nako habang hindi pa nila ko napaapalayo

"By the way, who's your representative?"

Damn! Ito na nga bang sinasabi ko eh. Lagot, bakit pa kasi tinatanong yan eh.

"Ah yes, she's here... Heven" tawag sakin ni Maam Amandine.

Naramdaman kong nabaling na ang tingin nila sakin..

At isang malamig na titig ang nagpakilabot sakin. Feeling ko tumatagos sa katawan ko ang napakalamig nyang titig.

Sh*t ano ng gagawin ko?

I Can Make You Cry In Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon