Chapter 7: Jameson

2 1 0
                                    

Special Chapter ito para kay Jamesy

Jamesy's POV

Ano na ba ang nangyari kay Gwen?? Bakit parang wala akong kaalam alam sa nangyayari sa kanya?? Best friend niya ako at dapat alam ko ang mga nangyayari sa kanya? Best friend ko siya, dapat ako ang unang makakalam ng anomang nangyayari sa kanya..... Pero bakit ganon? Hindi man lang siya nagsasabi ng kung anong nangyayari sa kanya?

Hindi lang kasi hanggang best friend ang turing niya sayo, nasasaktan na siya

"Hah? Anong ibig mong sabihin Babygirl?"

"Hah? wala. Kausap ko si Tracy"

Kahit alam kong nagsisinungaling siya ay hinayaan ko na lang siya dahil hindi ko rin naman siya mapapaamin. Pero klaro ang narinig ko na sinabi niya.

Hindi lang kasi hanggang best friend ang turing niya sayo, nasasaktan na siya

Hindi lang kasi hanggang best friend ang turing niya sayo, nasasaktan na siya

Paulit ulit na tumatakbo iyon sa aking isip. Totoo ba yun?

Siguro nagbibiro lang yun, lagi naman niya akong tinutukso kay Gwen.

Oo nga! Si Gwen! kasama niya yung doctor! baka kung anong gawin niya kay Gwen!

"Baby girl gusto mong sumama?" pag aya ko kay Jamie

"Saan?" pupungas pungas niyang sagot kasi kagihising niya lang

"Sa ospital! Kay Gwen"

"Sige!"

ang tipid niyang sumagot

"Bilis!"

Kumaripas siya ng takbo at agad na nagbihis muntik pa siya madulas hahahaha

Sumakay na kami sa kotse at pinaharuruot ko ito.

At tama nga ang aking hinala. kasama ni Gwen si Cedrick

Ano ito?? napahawak ako sa aking dibdib. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Nasasaktan ako? Nagseselos?? Pero bakit? ●︿● Hindi! Hindi ito totoo!

Huwag mo na salungatin ang iyong nararamdaman

Halos mapatalon ako sa gulat nang makit si Jamie. Para siyang kabute na laging sumusulpot kung nasaan ako.

Pero, ano bang alam niya? Malakas ba ang kabog ng aking dibdib?? Malakas ba ang pinagsasasabi ko?

Oo Kuya. Malakas
Tumawa siya nang mahina

Shit.

"Secret lang natin yun haa"

"Yes boss"

Lumabas na kami ni Jamie sa room ni Gwen. Dumeretso ako sa restroom upang doon mag isip.

Ano ba talaga ang naramdaman ko? Hindi ko naman siya gusto ahh, pero bakit biglang may iba akong naramadaman? Best friends lang kami, kaya natural na magseselos ako pag may kasama siyang iba. Pero hindi! never akong nagselos noon kahit noong may boyfriend siya na 4th year noong siya ay 1st year.

Shit.

Inlove na ba ako?

H-Hindi! Hindi ko alam!

Love at First YearWhere stories live. Discover now