Umaga na naman, pangalawang araw sa pagpasok namin sa paaralan ng Xianghe Middle School.
Kagaya pa rin ng dati na tuwing dadaan ka ay siyang umpisang pagtinginan at pagbulungan ka.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang mga binabato nila dahil nasanay na ako sa walang sawang gawain nilang 'yan lalo na ng mga taga Class 3.
Pumasok na ako sa loob ng klassroom nang marating ko ito.
"Jian!"sigaw ni Jane ng makita ako. Expected na ang ganitong ritwal ni Jane sa'twing darating o makikita ako ang pagsigaw nito sa napakaganda kong pangalan. Tumakbo ako papunta sakaniya at binigyan siya ng isang yapos—yapos ng isang kaibigan.
Ako na ang unang humiwalay sakaniya, "Wala bang nangyaring kabababalghan? "makahulugan nitong batid na ikinailing ko ng todo.
Tumungo ako sa aking puwesto at isinaayos ang mga gamit ko bago umupo at tignan siya.
Umupo ito sa kaharapan ko atsaka humalikipkip.
Naagaw lang ang atensyon namin sa isang ingay kaya napatingin kami sa hindi maipintang mukha ng isa sa mga kaklase ko na kakarating lang.
Ibinalibag nito ang gamit niya na ikinagulat namin, "wala na ba talaga tayong pag-asang makapasa? "Sigaw nito na ikinatahimik namin.
"Sumosobra na ang Class 3 sa panglalait nila sa Section natin"dugtong nito na ikinaangat ko ng tingin.
"Sila na naman,"rinig kong bulong ni Jane.
Pumasok na may pagtataka sa mukha ang Class Monitor namin, "Anyare? "Takang tanong nito.
Inilibot nito ang paningin niya sa buong klassroom atsaka nagpakawala nang malalim na paghinga.
"Sila na naman ba?"tanong niyo.
"Tinatanong pa ba 'yan, sino pa ba ang maaaring mangutya sa atin kung hindi sila rin," tugon ng kaklase ko.
Naglakad ang Class Monitor namin sa designated seat nito.
Tumayo ako atsaka naglakad papunta sa harapan. Dahil hindi ko na kaya ang ginagawang pangungutya ng mga taga Class 3.
Nagtataka naman silang tumingin sa akin, "Andito na ba lahat?"tanong ko atsaka ko inilibot ang paningin ko to make sure na kumpleto ang lahat ng masiguro ko ay tumindig ako nang maayos atsaka ko sila hinarao na matigas ang pagmumukha.
"Dahil hindi ko na masikmura ang ginagawa ng mga taga Class 3 sa atin ay hindi ako papayag na gani-ganituhin nila tayo na parang walang alam..."matigas kong batid. "Andito ngayon sa inyong harapan si Jian Klein na nag-iimbita sa inyo na pumunta sa Plaza Hall mamayang pagkatapos ng ating klase para magkaroon group study para sa darating na Final Exam. Iyon lang Salamat. " paliwanag ko bago yumuko ng ninety degree.
Narinig ko silang nagsigawan kaya umayos ako ng tayo bago naglakad pabalik sa puwesto ko nakita ko pa na may malapad na ngiti sa kaniyang mga labi si Elton at Jane.
Tinaas nito ang isang kamay niya kaya nakipag-apir ako at umupo ng ngiting-ngiti. Saktong dumating ang guro namin na napasalubong ang mga kilay dahil nadatnan niya ang mga kaklase kong nagsisigawan.
"Quiet!" sigaw ng aming guro na nagpatahimik sa mga kaklase ko. Napalabi naman ako.
"Ano na naman ang dahilan ng kasiyahan ni'yo may ginawa na naman ba kayong kalokohan? "Nakapamewang ng guro niyang sabi.
"Ma'am, porket po ba na nagsasaya kami ay may ginawa na kaming kalokohan 'di ba puwedeng magsaya dahil may paparating na malaking sorpresa, "tugon ng pilyo kong kaklase.
BINABASA MO ANG
He Is From My Rivalry Class (#Watty2018)
RomanceAkala ni Jian ay kontento na siya sa patingin tingin at pasulyap sulyap niya kay Tres. Kilala si Tres bilang isang outstanding student ng Xianghe Middle School at kinababaliwan ng mga kababaihan sa kaniyang paaralan dahil sa taglay nitong kakaiba...