KABANATA 1: MAYNILA

1.3K 69 5
                                    

"The start of a beautiful ending."

I spent the remaining days of the summer vacation in Isabela with my grandparents. It was a well-spent summer. Sinulit ko talaga iyon dahil alam kong magiging abala na ako kapag nagsimula na ang pasukan at bibihira na lamang makauwi sa Isabela.

Nagkita-kita pa kami ng mga batchmates ko sa high school para huling outing namin bago magkolehiyo.

"Pinili kong dito nalang mag-enroll. Nandito naman ang kursong gusto ko kaya napagdesisyonan nina mama at papa na dito nalang. Hindi rin naman kasi ako sanay sa Maynila." Ani ni Rose.

Nasa tabing dagat kami at hinihintay ang paglubog ng araw. Kakatapos lang naming maligo sa dagat at hindi pa nga ako nakapag-shower kaya nararamdaman ko ang alat sa aking balat.

"Gusto ko nga rin sanang dito nalang mag-aral kaya lang wala ang gusto kong kurso rito." Si Mika.

"Ako iba ang gusto ko. Noon pa talaga gusto ko ng mag-aral sa Maynila. Doon mas malaking syudad, mas maraming oportunidad." Si Lira sabay inom sa coke na hawak niya.

Tumango-tango ang ibang mga kaklase namin sa kanyang sinabi na parang sinasang-ayunan siya. She have a point. Mas marami nga namang oportunidad ang naghihintay sayo sa malaking syudad. Pero kadalasan kasi sa mga kaklase ko ay dito na talaga ipinanganak at lumaki sa probinsya. Malaking adjust rin naman para sa kanila kung maninirahan sa Maynila.

"You have a point. But me, I like the peacefulness and simplicity of the province. Hindi naman ako partikular sa kursong kukunin kaya dito na rin ako nag-enroll." Si Rain.

"Ikaw, Laureen? Tuloy na talaga ang pag-aaral mo sa Maynila?" Tanong niya sa akin.

"Yeah. Nakaayos na ang lahat roon." I answered while playing with the roughness of the sand.

"Kunsabagay naroon ang daddy mo." She replied.

Tumango ako at hindi na dinugtungan pa ang kanyang sinabi. Dad and I are still not okay. Mas lalo kaming naging distant sa isa't-isa pagkatapos ng 18th birthday ko.

Nagpatuloy ang usapan tungkol sa ibat-ibang plano nila sa buhay. Some will go to different cities to pursue their dreams and some will stay here to do the same. Iyong iba naman ay mas piniling hindi na muna mag-enroll sa college dahil kapos pa sa pera at mag-iipon muna.

While listening to their plans I realize that we all have to make our decisions and considerations in life. Bawat isa ay may iba't-ibang daan na tatahakin para sa mga pangarap nila.

Tahimik naming pinagmasdan ang paglubog ng araw. Our hearts full of worries for the future that's waiting for us. For the uncertainties of life. Bumuntong-hininga ako at dinama ang malamig na hangin. Ganunpaman, ay kailangan mong gumawa ng desisyon para sa iyong sarili gaano ka man ka hindi sigurado. If things won't go the way we planned it to be then we can always start again. Ang importante sinunod mo ang bagay na makapagpapasaya sa'yo.

Dalawang araw bago ang pasukan ay tumulak na ako pa Maynila. Isang mahabang pamamaalam pa ang nangyari sa amin ni Lola bago ako nito hinayaang sumakay na sa SUV namin.

Hapon na kami nakarating sa Maynila. Ramdam ko ang sobrang pagod at pananakit ng balakang kakaupo. Hindi biro ang anim na oras na byahe. Sa condo ako dumeretso para ibaba ang mga dala kong gamit.

Pagkatapos maibaba ang mga gamit ko ay bumalik ako sa loob ng sasakyan dahil sa mansyon ako matutulog ngayong gabi. Wala pang pagkain at mga gamit sa condo ko kaya roon muna ako sa mansyon matutulog ngayon.

A strong feeling of nostalgia filled my system as I looked at our house. Walang pinagbago iyon. Naroon pa rin ang aming malaking family portrait nakasabit sa dingding malapit sa grand staircase. I can see that some of the furniture is new.

EMBRACING THE DARK PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon