IX-ALANDIA

967 12 1
                                    

{Kasandra}

aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

BLAG!

**sino siya?**

**san siya nanggaling?**

**mukhang hindi natin siya kauri**

**ssshh, wag kayong maingay baka siya magising! **

*** kay ganda ng kanyang mukha ****

*** san kaya siya nanggaling, bakit siya nandito, hindi kaya niya alam na delikado ***

**sinabi ng wag kayong maingay! hayaan nyo lang siya **

** subalit hindi natin siya maaaring pabayaan dito sa kakahuyan ng mag-isa **

*** wag kayong agad magtiwala baka pinadala yang espiya ng masamang babaylan ***

**sa tingin ko hindi, tingnan nyo nga kay amo ng kanyang mukha at isa mukha naman siyang

mabait, kaya huwag muna nating siyang husgahan **

nakapikit pa rin ang aking mga mata,

may naririnig akong maliit na boses na parang nag-uusap

dahan dahan ko pang idinilat ang aking mga mata,

inilinga ko ang aking paningin, wala akong nakitang kahit sino sa paligid,

eh sino kaya yung naririnig kong mga naguusap kanina?

huh!

anong ginagawa ko dito!

tumayo akong bigla!

inilibot ko ang aking paningin --

teka panu ako napunta dito sa kakahuyan?

binalikan ko ang nangyari --

ang natatandaan ko lang hinigop ako nung liwanag na nakita ko sa closet ni Lester

kung ganun isang portal pala ang liwanag na yun!

kaya ba wala sa kanyang kwarto si Lester ---

malamang! tama! hinigop din sya siguro ng liwanag na yun!

pinagpag ko ang alikabok na kumapit sa suot kong t-shirt at short,

inalis ko rin ang mga tuyong dahong kumapit sa buhok ko,

nasan na ba ako?

bigla ko na nmang narinig ang maliliit na boses na naguusap!

** wag matigas ang ulo mo Aramis! hindi mo kilala ang nilalang na yan! " **

** wala akong nakikitang kasamaan sa aura niya kaya bakit ako magiingat! **

" huh! s-sino kayo? m-magpakita kayo sa kin? wag nyo akong t-takutin!

nanginginig ang tuhod ko sa takod

dahan dahan akong umupo para maghanap ng kahit anong pwede kong magamit na

pang hampas sa mga nilalang na di ko nakikita!

sa wakas may nakapa akong isang kahoy, kinuha ko yun at hinawakan ng buong higpit!

subukan nyo lang sige!

**wag kang matakot, hindi kami masama**

" wag matakot! panung di ako matatakot, salita kayo ng salita eh di ko nman kayo nakikita! "

mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kaputol na kahoy,

ready to fight ako kung sakaling may di kanais nais ang biglang nag appear sa harap ko,

BOOK II : Ang Huling Sangre ng Alandia......Kasandra { completed }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon