# Elliana Magtibay
" Ate may bakante ho ba kayo " tanong ko sa babaeng nagbabantay sa counter habang nililinis ang kuko nya
Tinignan naman ako ng babae mula ulo hanggang paa . tinaasan nya ako ng kilay .
" Sorry wala na kaming bakante bakla " sagot ni ate sakin ng hindi man lang ako nililingon at sinong tinatawag nyang bakla ? Ako ba yun ?
" Ate hindi naman po ako bakla eh, babae ho ako ? " sabi ko na nakangite. Mukha ba talaga akong bakla ?
" Aaaay hindi ba " ani nya sakin , nang aasar ba sya ???
Huminga ako ng malalim immune naman na ako
Pumunta ako ng entrance at kinuha ang karatula sa pintuan at bumalik ulit sa counter . tinignan nya naman ako ng hindi parin nawawala ang nakataas nyang kilay . pinakita ko sa kanya ang karatula.
" Wanted : Waitress ho ang nakalagay sa harapan ng Cafe nyo .kaya naman pumasok ho ako para makasigurado at ng makapag apply alangan naman pong ide display nyo lang " sabi ko ng mahinahon at magalang
Huminto si ate sa paglilinis ng kuko nya at tumingin sakin ng masama
" Pilosopo mo ha !!! Ano naman ngayon kung nakapaskil yan sa labas at kung ikaw lang naman ang mag aaply aba mahiya ka naman sa mukha mo . hindi bagay sa mukha mo ang maging waitress subukan mo kayang mag clown nalang para matakpan ng makeup yang nakakadiri mong mukha kaya kung pwede umalis ka sa harapan ko nakakasira ka ng poise . baka mawalan pa kami ng customer sayo ,alis shoo " inis at mahabang sabi nya sakin
Hindi lang sya ang unang nagsabi nyan sakin kaya hindi na ako affected wala pa sya sa kalingkingan ng mga nagsabi nang masasakit na salita sakin
Pang 12 na itong inaaplyan ko at hanggang ngayon .bokya parin . kung hindi man tumatanggi at pinapaalis ako eh sinisigawan at nilalait nila ako , Ang saklap ng tadhana ko .daily routine na siguro ng mga tao ang panglalait sakin." Sige po salamat po sa kunting oras na binigay nyo sakin, salamat din po sa mga panlalait nyo , sorry ho kung naistorbo ko ho kayo " sabi ko at yumuko , nginitian ko sya pagkatapos ay umalis na ako nakita ko pa ang pagtataka ng babae sakin
Hindi naman kasi ako marunong magalit ewan ko ba ni ako nga nagtataka rin sa sarili ko , inborn na yata ako sa pagiging manhid at palaunawa . kahit masakit yun ay binalewala nalang , ganyan naman kasi ang buhay wala naman kasing maidudulot ang galit ko kundi ang pagpapahamak lang sa sarili ko
Habang naglalakad ako ay laging nakatingin sakin ang mga tao
Yumuko nalang ako at tumingin sa wrist watch ko . hapon na pala kailangan ko ng umuwiPumunta muna ako ng lechonan at bumili ng lechon manok.
Sumakay na ako ng trycicle , gastos kasi pag magtataxi pa ako" Dito nalang ho ako manong " sabi ko at huminto naman si manong ,lumabas na ako at kumuha ng bente pesos sa wallet ko at ibinigay kay manong
" Salamat ho-- " sasabihin ko sana pero agad ding umalis si manong , bumuntong hininga nalang ako , mga tao talaga ngayon mukha nalang ang basehan
Binuksan ko ang gate at pumasok na ng bahay .hindi pa ako nakakapasok ay inambahan agad ako ng yakap ng mga kapatid kong kambal. Sina Sky at Skie , Oo lalaki silang dalawa obvious naman sa pangalan diba
at fraternal twins sila kaya hindi na ko mahihirapan pang mag isip kung alin si sky at skie sa dalawa." Ate anong ulam ? " sabay nilang sabi . pareho talaga silang iniisip , kambal kasi kaya iisa ang utak at puso nila , iba nga talaga pag kambal sobrang ang lalapit sa isat isa. Ngumite ako sa kanila ng malawak at tinago muna ang lechon sa likod ko
BINABASA MO ANG
MY LEADING LADY
Teen FictionSa mundo may mga bagay bagay ay sadyang dapat mangyayari Kagaya ng magmahal ,bigla bigla nalang darating na hindi natin nalalaman May pangyayaring masasaktan ka at hindi mo yun mapipigilan dapat handa kang sumugal ,dapat handa kang masaktan . Per...