Buko by Jireh Lim ang naisip 'kong theme song. Bakit? Wala lang ;D
×××
Puro hiyawan nang mga taga-suporta ni James Carter ang maririning sa buong arena. Isa kasi siya sa mga artista sa bagong launch na movie na talaga namang pumatok sa marami lalo na sa fans niya.Sa edad nitong 20 years old ay talaga namang napatunayan na niya sa industriya ng pag-aartista na may ibubuga siya.
Kumakaway siya sa mga fans niya habang pababa nang stage at heto naman ako, naka-abang sakaniya bitbit ang mga gamit niya. Naka-poker face agad siya pagbaba nang stage, malamang pagod na pagod nanaman 'to.
"Oh, towel mo", sabi ko sabay bato ng towel niya. Tumama naman 'yon sa mukha niya.
"Ano ba yaaaan! Alam mo namang pagod ako denden, hahagisan mo pa ko ng tuwalya hmp!" Parang batang sabi nito at naka-nguso pa. Wow nawala agad yung pagka-poker face, bipolar talaga -_-
Ayan si James Carter sa likod nang mga camera. Minsan masungit, kadalasan isip-bata na kala mo hindi nabibigyan ng atensyon.
Padabog ito naglakad at nauna na papunta sa van niya. Kung akala niyo ka-close niya lahat ng co-artists niya, nagkakamali kayo, dahil hindi lang sila 'close' kundi 'close na close'. Pala-kaibigan talaga siya eversince kahit nung mga bata pa kami.
At oo, magkababata kami nitong asungot na 'to. Pati pamilya namin close na close ewan ko ba, pano ako naging dakilang PA nitong panget na 'to -_-
Panget nga mahal mo naman.
Bwiset oo na, aaminin 'ko na, inlove ako sa panget na lalakeng 'to. Kelan pa? Mga bata pa lang kami, crush 'ko na siya. Talandi na 'ko bata pa lang -_- At kung nagtataka kayo kung bakit ako naging PA niya, ay dahilang hindi ko matanggihan si Tita Venice sa pabor na hiningi niya sakin.
"Anak, Denise alam mo namang walang tumatagal na PA kay Jam diba? Pwede bang kahit ikaw muna? Don't worry may sweldo naman yun at free accomodation pa sa condo niya! Isn't that nice? Watcha think?"
At dahil ako 'tong si mabait na may lihim na pagtingin sa bakulaw na yun, pumayag ako -_- Wala talagang tatagal sakaniya na PA pano ba naman, lahat naiinlove agad sakaniya at hindi na nagagampanan ng maayos ang trabaho nila -_-
Kahit na alam 'kong hindi naman niya masusuklian yung pesteng feelings ko, hala sige arangkada si tanga. At sa bawat araw na kasama ko siya, pakiramdam ko hulog na hulog na talaga ako, pano ba naman, halos magda-dalawang taon na 'kong alalay nitong asungot na 'to.
Madaling araw na ng makarating kami sa condo niya, dire-diretso lang siya sa banyo niya at naligo. Inayos 'ko muna ang mga gamit niya at humilata sa sofa. Antok na antok na 'ko. Di ko namalayang nakatulog na pala 'ko sa sofa.
Paglabas naman ng binata sa cr, kumunot ang noo nito ng makita si Denise na nakahiga sa sofa at mukhang mahimbing na ang tulog. 'Tsk dito pa natulog, may sarili naman siyang kwarto', sabi ni James sa isip-isip niya.
Lumuhod siya sa may sofa at wala sa sariling tinitigan ang mukha ng kaniyang kababata. Maganda naman kung tutuusin ang dalaga, mahaba ang mga pilik-mata nito, matangos ang ilong na namana nito sa tatay na may lahing spanish, natural 'ring mapula ang mga psingi nito, pati na ang manipis nitong labi. Sumisigaw 'rin ng karangyaan ang kaputian nito dahil sa hindi makakailang mayaman ang pamilya Jimenez.