...
Renz POV
Stun mo bobo!
Tanga, walang mana!
Nakng, patay tuloy ako!
Kaya pa yan! Puso lang!
Nandito ako sa computer shop, as usual. Madaming naglalaro dito, siguro napakarare nalang ng taon gumagawa ng project sa school sa isang computer shop. Pumupunta ako dito kapag tinatawag ako, may pustahan. Dayo ganun, oo. DOTA Player din ako, pero uunahan ko na kayo. Hindi lahat ng DOTA Player manloloko, karaniwan dyan sweet at loyal lover. Realtalk yan. May kapustahan daw kami, sa kabilang team may isang babae pero pro na daw ang galawan. EZ game, EZ money. Rak na!
Teka lang yung chix namen wala pa. Padating na daw.
Oh sino bang captain nyo?
Edi yung chix.
O ayan na pala e.
Holy sh*t. Napana ata ako ng pana ni Mirana, hinde pala ni Traxex este ni Windrunner. Ewan, tae ang bading ko. Uso pala ang love at first sight saken! Ang ganda nya. Teka, sya ba yung lalaro?
"Tara rak na." Sabe ng babaeng kasama nya.
"Bespren, bakit sinama mo pa ko dito." Sabe nya.
"Makikita mo kung gano ako kalakas mag-DOTA! Dadaragin ko sila! Hahaha."
O tara na, tama na yan. Upo na.
"Best, tayo lang babae dito. Di ba delikado to?"
"Eh minsan ako nga lang dito e, ayos lang yan. Tropapits lahat ng nandito."
Nagsimula na, captain's mode. Pick heroes, all set. Syempre ako mid, SF gamit ko. QOP katapat, yung chix. EZ to, wag lang lalapit saken yung babaeng kasama nya. Wag lang talaga. First towers nila bagsak na, lamang din kami. Ayos to!
"Best may bubulong ako sayo." Sabe nung babaeng naglalaro.
"Ha? Ayoko nga."
"Sige na, ililibre kita pagkatapos nito."
"Ayoko."
"Best minsan lang e, please."
"Fine, pero maya maya na. Nahihiya ako."
"Sige sabihin ko sayo."
Tae, ano kaya yun. Grabe, nasa kabilang side sila pero naririnig ko pag-uusap nila. Ay! Focus na uli sa laro baka makabanse sila.
Hoy tra!
Tara tara
Traaaa
-clear
"Best." Narinig ko yung naglalarong babae.
"Kuya pa-open! Number 15."
Number 15? San yon? Teka teka, sht. Sht! 16 pc ko, 17-20 mga kasama ko. Tangina, sa tabi ko yung pwesto. Sa kamalas-malasan. Tae ano kayang gagawin nito. Nagpeysbuk, "Lina Gonzales" Ma-add nga to mamaya.
"Oy pre, focus naman! Kelangan namen ng tulong.", bulong ng katabi ko.
"Sorry, sorry. Ito na."
"Ay shet! Namatay na kami, wala na."
"Tae tol, san ka ba."
"SHET MUKANG NANGANGAMOY LIBRENG MIRYENDA MAMAYA! HAHAHA."
"HAHAHAHAHA." Mga nagyayabang na bumoboses sa kabila.
Nakarebanse ang mga hayop, basag na mga tore namen. Last nalang, hindi ako makapagfocus. Bakit ba kasi ganto. Umalis ka na sa tabi ko. Sige na.
"Kuya pa-out ng 15. Paprint na rin nito."
![](https://img.wattpad.com/cover/18762271-288-k370823.jpg)
BINABASA MO ANG
You're my Clarity
RandomMy 1st wattpad story kung sakali, random thoughts lang to. Sana magustuhan nyo. :)