Chapter 1

82 1 2
                                    

Mabilis ngunit maingat na naglalakad ang isang dalaga papunta sa hardin na nasa likod ng kanilang mansyon, palingon lingon sya sa paligid upang siguraduhin na walang nakakapansin sa kanyang mga bodyguard ng kanyang ama. Pagdating sa dulong bahagi ay narinig nyang nagkakagulo na ang mga tao sa loob, malamang ay nakita na ng mga maid na hindi sya kundi ang alaga nyang si sprite ang nakahiga sa kama.

Dali~dali nyang binuksan ang isang sekretong daan na tanging sya lamang ang nakaaalam at sumuot para makalabas. Pagkalabas na pagkalabas ay agad bumungad sa kanya ang kanyang bestfriend na si megan na kanina pa kinakabahan dahil sa kalokohan nya.

''Zoul!! hali kana at baka makita pa tayo ng mga tauhan ng daddy mo!! kanina pa tayo hinihintay nila JL!'' tarantang sabi nito at hinila na sya sa kotse at nagdrive.

''Wooh!! nakatakas din sa wakas, akalain mo yon? naisahan ko si dad?hahaha!'' masayang turan nito sa kaibigang nakatutok sa pagdadrive

'' yeah right! may pakinabang din pala scary dog mo na si sprite sa mga ganitong pagkakataon''

''don't call him scary, ang cute kaya ng baby ko!'' sabi nito sabay hampas sa balikat ng kaibigan.

''gezzz!! you call that freaking dog cute? eh muntik na akong lapain nun ano!'' reklamo nito habang hinahaplos ang brasong nasaktan.

''ahh basta! for me cute si sprite, period.''

Megan just rolled her eyes, ayaw niya nang patulan pa ang kaibigan dahil sigurado syang hahaba pa ang usapan.

Hanggang ngayon ay may kaba pa rin syang nararamdaman dahil sa ginawang pagtakas ni zoul sa kanila. alam niyang mabait na tao si Don Rafael, ang daddy ni zoul, pero iba parin itong magalit. Nasaksihan niya na itong magalit ng minsang makidnap si zoul noong mga bata pa lamang sila habang naglalaro sa park na katabi lamang ng subdivision nila.Halos maihi na sya sa takot noon dahil feeling nya ay siya ang sinisisi nito kung bakit nakidnap ang bestfriend nya dahil sya ang umaya ditong maglaro.Pero nang mapansin naman nito na mukhang balisa ako ay sinabi nyang hindi nya ako sinisisi dahil hindi ko naman daw alam na makikidnap si Zoul.

Pero ngayon, alam kung may death threat na natatanggap ang mag ama pero tumuloy pa rin syang tulungan itong tumakas.

Samantala, napansin naman ni zoul ang pamumutla ng katabi at ang panaka~naka nitong pagbuntong hininga. Hindi nya napigilang matawa, masyado syang naaaliw sa itsura na katabi.

Tiningnan lamang sya ng masama ni Megan.

''bakit ka tumatawa jan? kinakabahan na nga ako sa mga pinaggagagawa mo oh! aishh! dapat talaga hindi ako pumayag sa plano mo eh!''mahabang litanya nito habang hindi maipinta ang mukha.

*chuckled*''bakit ba kasi masyado kang affected jan? Ako na ang bahala kay daddy mamaya, trust me on this ok?''nangi~ngiti nitong turan.

*signs* ''as if i have choice'' pagsuko nito.

''good'' sagot ni zoul sa kaibigan.

Nang makita nyang kumalma na ang kasama ay tumingin na lang sya sa labas habang nagbabyahe kami. They're heading now to JL's resto bar, one of their close friends. It's Caysee's birthday kaya magcecelebrate ang buong barkada.

After 20 minutes of driving ay nakarating na rin sila sa bar.

''We're here bitch! let the party begins! wooh!!'' hyper na sigaw ni megan habang palabas ng kotse, nakalimutan na nito ang kabang kanina ay nagpatahimik sa kanya dahil sa excitement na nararamdaman ngayon. Matagal~tagal narin kasi magmula ng huling beses silang lumabas na magkakasama.

Mag isa na lang syang pumasok sa loob since nauna na ang hindi excited na kaibigan, pero bago pa man sya makapasok ay may bumangga sa kanyang lalaki na nagmamadaling pumasok.

''Hey watch out!'' asar na sigaw niya sa lalaki pero hindi man lang sya nito tinapunan kahit sulyap lamang.

Hindi man lang nagsorry! hmmp antipatiko! reklamo nya sa isip habang sinusundan ng tingin malapad nitong likod.

Nagpatuloy na syang pumasok at kaagad napalitan ng saya ang kaninang asar na pakiramdam ng marinig ang magkahalong music at sigawan na nagmumula sa mga taong nasa dance floor.

''Caysee bebe!! happy birthday!!'' bati niya sa kaibigan ng marating nito ang table na talagang nakalaan para sa grupo nila.

''Thanks Zoul! mabuti at nakarating kayo! akala ko kinalimutan nyo na ako eh'' sabi nito habang naka nguso.

''Ang drama mo te! kelan pa namin kinalimutan ang birthday mo aber?'' si megan na nakipag beso~beso din sa kanya at tumabi kay Jhoenelle na tahimik lang sa ibang tabi.

''Last...'' sabi nito na tila nag~iisip

''We never missed any of your birthdays'' Jhoenelle says while rolling her eyes.

''Aw, Jhoenelle dear. Naglalambing lang naman ako, huwag ka namang highblood jan'' puna ni Caysee na natatawa sa pagsusuplada ng kaibigan.

''by the way, where's the twins?'' putol ni Zoul sa lambingan ng dalawa. Iba talaga ang mood ng isang Jhoenelle Aragon kapag nakainom.

''JL's on the dance floor while JV is on her room, may tumawag kasi sa kanya kanina''sagot ni Caysee.

Tumango na lamang sya at humingi ng drinks sa waiter na dumaan. Inilibot niya ang paningin sa loob ng restobar at agad nyang nakita ang kaibigang si JL na ngayon ay nagkikipagsexy dance sa lalaki. Napailing na lang sya, mukhang may bagong laruan ang kaibigan nya. They're not a group of gorgeous ladies na liberated nor Maria Clara ang peg. Lets just say that they're just playing and doing what they want but with certain limitations. Just like JL, yes she's definitely a player pero never nyang ipinagamit ang katawan nya sa mga nakakarelasyon nya.

Busy silang nagkikwentuhan na magkakaibigan ng mapansin nya ang isang lalaki na nag~iisa sa bar counter, namumukhaan nya ito.

''Its him'' di nya napigilang sambitin

''who's that yummy Adonis zoul?''

Tanong ni JV na kararating lang at saktong narinig ang tinuran ng kaibigan.

''My..''pabitin nitong sagot.

''My??''sabay sabay na tanong ng mga kaibigan.

''My new target!haha!'' sagot nito sabay tayo papunta sa kinaroroonan ng lalaki.

Malayo pa lang ay nakita na nyang sa kanya nakatingin ang lalaki.

*Shit ng malagkit! Makalaglag panty pala ang kagwapuhan ng antipatikong ito sa malapitan* nasabi na lamang nya sa sarili habang papalapit sa lalaki. Tumuloy sya sa ikalawang upuan na nasa kanan ng lalaki, bigla syang nakaramdam ng hiya dahil sa mga titig nito.

''One martini please'' request nya sa bartender na kaagad namang tumugon sa sinabi nya.

''Alone?'' tanong nya ng hindi tumitingin dito.

Ilang sandali ang lumipas pero hindi parin sumasagot ang katabi kaya nilingon nya ito. Nagulat sya ng malamang kanina pa pala sya nito tinitingnan kaya naasiwa sya ng konti.

''Did I pass?'' birong tanong na lamang nya upang pagtakpan ang kabang nararamdaman.

*Ano ka ba naman Zoul! marami ka ng nakadate na mga gwapong adonis kaya wag kang kabahan jan!* kastigo nito sa sarili.

''Are you trying to pick me up?'' bigĺang tanong nito dahilan para masamid ang dalaga.

In His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon