GOOD GIRL
Hilig niya makipag basag ulo.
Walang araw na hindi siya nagmumura.
Wala siyang kinakatakutan, walang nirerespeto.
Naninigarilyo rin pampalipas oras lalo na kapag badtrip siya.
Ang tingin sa kanya ng lahat ay isang salot sa lipunan. Isang taong wala ng pag-asang magbago.
Kung paiikliin natin, isa siyang masamang tao...isang masamang babae na halos isumpa na ng lahat.
Isang masamang tao ang tingin sa kanya ng lahat.
Pero bakit iba ang paningin ko sa kanya?
---
"pabili nga ng yosi."
"bawal ang sigarilyo sa mga bata hija lalo na't highschool ka pa lang." sabi sa kanya nung tindera.
Ngumiti si Bella sa tindera.
"tangna! Pasalamat ka nga at sa iyo ako bumili! Ano ngayon kung highschool lang ako?"
Gulat na gulat yung matandang tindera sa inasta nito. Hindi nito akalain na ganito umasta ang babaeng may maamong mukha.
"p-pero ba-bawal--"
"oy tanda! Pagbibilhan mo ba ako o gusto mong magwala ako dito. Iba ako magwala tanda." seryosong sabi nito na ikinaputla naman nung tindera kaya dali-dali nitong nilabas ang isang pakete ng sigarilyo at iniabot kay Bella.
"madali ka naman palang kausap. Oh ayan bayad ko!" sabi nito at agad na tinalikuran yung tindera.
"walang modo! Ano na ba ang nangyayari ngayon sa mga kabataan?!" walang pasakalyeng sigaw nung tindera ng mabalik na ito sa katinuan. Narinig ito ni Bella kaya agad nitong hinarap yung nagtitinda na napatigil dahil sa bigla nitong pagharap sa kanya.
"matagal na akong walang modo tanda at eto lang ang masasabi ko sa'yo...tangna mo!mamatay ka na sana!" tila na-estatwa yung tindera sa itinuran ni Bella na nagsimula ng umalis.
Ilang minuto lang ay nakarating na si Bella sa school nila at tulad ng nakagawian niya dumiretso ito sa lagi niyang pinagtatambayan.
"hoy, layas." dalawang salita lang ang binitiwan niya dun sa dalawang babaeng nakaupo sa pwesto niya.
"B-Bella..."
"bingi ba kayo o sadyang ginagago niyo lang ako? Gusto niyo bang mapahiya" banta nito na agad naman nagpatayo sa dalawang babae at dali-daling umalis.