****Monique's Pov*******
6:00 am palang ay nandito na ako sa school . Everyday ko kasing binibigyan ng red envelope si Dominic , crush ko . Araw araw ko siyang binibigyan ng letter. Grabe! Makalaglag panty talaga si Dominic! Ang swerte ko nga kasi Dominic at Monique ay magkatunog! OMG! Ang saya saya ko dahil dun .
Crush ko siya since 1st year. At simula pa 1st year ay binibigyan ko siya ng letters. Ewan ko ba kung bakit ako nag kakagusto sa lalaking yun. Yung parang ang bilis ng tibok ng puso mo sa tuwing marinig mo siyang magsalita, ngumingiti siya , at ang pinaka malala sa lahat ay yung parang sumabog na yung puso mo at parang ang sarap hampasin ng katabi mo at yung parang ang sarap sumigaw ay yung sasabihan ka niya ng "Hi" . Grabe! Yung simpleng Hi litterally makes me High!
"Hoy Monique! Nandito na crush mong suplado! Hahahaha . Oi infairness ang gwapo niya ngayon."sabi ni Karen
"OMG Girl! Hawak niya yung letter mo! Grabe! Sandamak na yung nag papadala sa kanya ng letters pero infaireness ah! Sayo lang ang hinawakan niya! Ayieee Lady in Red!"sabi ni Sugar
Grabe tong mga kaibigan ko no? Kung may crush ka talaga sa isang tao hindi mo dapat sabihin sa kaibigan mo . Imbes na SECRET nga lang namin yun eh sila pa yung tumutulak sakin kay Dominic! Nakakahiya talaga nung 3rd year ko!
Flashback:
"OMG! Nanditoo na si Dominic ! "sigaw ni Kris
"Ano ba! Tumahimik ka nga! "sabi ko
Arggghhh! Simula nung nalaman nila na crush ko si Dominic at binibigyan ko si Dominic ng letter ay ARAW-ARAW na nila akong tinutukso kay Dominic! Grabe talaga kaibigan mo no? SECRET KEEPER talaga pagdating sa crush mo .
"Hi Dominic!"sabi ni Lia
Sa lahat ng kaklase ko since 1st year ay si Dominic lang ang hindi ko close. Nahihiya kasi ako sa kanya. Grabe!
"Ano ba lia!"sabi ko
"Wag ka ngang assuming! Nag Hi lang ako no! "sabi ni Lia
Inirapan ko nalang siya at patuloy sa pagbabasa. Nahiya ako dun ah!
"Dominic mag Hi ka naman kay Monique please!"sabi ni sugar
Parang tumigil ng pagtibok yung puso ko nung narinig ko yung sinabi ni sugar. Parang biglang nanlamig yung mga kamay ko . Yung parang kinikilig ka na kinakabahan . Ay ewan ko ba!
"Hi Monique "sabi ni Dominic
Bigla akong napatingin kay Dominic at natulala . OMG! BEST DAY EVER! OMG! WAAAAAAA! NAG HI SIYA SAKIN! WAAAAAA!. Bigla lang akong natauhan nung ngumiti siya sakin . WAAAA! NAKAKAHIYA!
"uhh.--uhh. H...i"nauutal utal kong sabi