Nandito na kaming lahat sa parking lot ng bar. Dito na kami nag kita-kita.
"Hoy! Mga bakla, tara na!" tawag sa amin ni Zyl este barbie daw kuno.
"Heto na!" sagot namin at pumasok na sa bar.
Eto yung ayaw ko sa bar eh. Pagpasok mo palang usok ang nagwe-welcome sayo! Tapos yung tugtugan ang lakas, yung feeling na yung eardrum mo lalabas na. Charottt!
Tapos sa isang banda may nagkakantana babae, lasing na ata eh. Ang pangit ng boses MAKABASAG PINGGAN! HAHAHA! Totoo naman eh. Try nyo punta dito!
"Bakla, dun tayo sa may nagsasayaw na Fafa! Ang yummy!" turo ni Zyl/Barbie.
"Tara" tipid na sabi ko.
At pinuntahan na namin ang sinasabi nyang Fafa.
"O paalala lang bakla! Wag kang iinom ng alak, huh? Lemon juice kana lang! Okay?" sabi ni Zyl, kase naman muntik na akong mamatay sa ka-lasingan eh. Charot
Kwento ko no? Ganito kase iyon....
Nag bar kami nung isang gabi! Tapos nalasing ako! Nag drive akong mag isa, nabangga ko yung poste. Buti nga may tumulong agad sa akin eh. Ang daming nakakita.
Dinala ako sa hospital syempre alangan naman sa albularyo! Pagdating ko sa hospital ginamot ako alangan naman sugatin o pabayaan ako. Chena!
Tapos sabi ng doctor buti daw hindi daw grabe ang pagka-bangga ko. Kunh daw grabe baka magka-amnesia ako! O diba? May pa amnesia-amnesia si doktora?
Tapos ayun doon na nagtatapos ang buhay ko— este ang kwento. HAHAHA.
"O sige, bakla! Bilisan nyong makipag-landian, huh? O ikaw Jane! Wag kang makikipag- jugjugan huh? Baka mamaya o bukas may lobo na yang tiyan mo!" paalala ko sakanila.
"Oo promise. Sige na bye!" sabi nila at umalis na.
Mag isa nanaman ako. Haysst!
Umupo nalang ako sa mya sofa, binigyan ako ng juice nung lalake. Tapos may chips at peanuts. Yun yung kinain ko.
Nakita ko sina Jane at Zyl, ang saya nila. Kainis naman.
Pupuntahan ko sana sila kaso may naka-bangga akong lalake.
"Sorry, po kuya." sabi ko at aalis na sana, kaso hinila ang kamay ko.
"Weh?! Kunwari kapa Miss, pero gusto mo lang nyan eh." sabi nya at ngingisi-ngisi pa. Kapal! Anong gusto ko?
"Ano pong pinag sasabi nyo diko po maintindihan!" sabi ko habang hinihila ang kamay ko sakanya.
Ayaw akong bitawan kaya tunadyakan ko yung ano nya. Napa- aray naman, tatakbo na sana ako kaso hinila nya ako at sinampal. Ouch! It hurts, you know?
Binuhat nya ako bigla. Pangit pa naman neto. Nakakahilo! Hindi dahil uminom ako obvious naman ba di ako uminom diba? Nahihilo ako kase ang baho ng hininga nya.
"Zyl, tulong!" sigaw ko.
Nakuha naman ng atensyon nya ako, kaya tumakbo sya at hinila si panget (yung nanampal sa akin) kaya nabitawan ako, bumagsak ako sa sahig, yung pwet ko kawawa.
Nakipag suntukan pa si Zyl o si Barbie. Ang galing nya. Marunong syang makipag-laban. Omg! Ang bait talaga ng bestfriend ko.
Pagkatapos dumating na ang mga bouncer, ar ayun kinuha si panget dadalhin daw sa presinto. Tinanong ako kung sasama pa daw ba ako, syempre AYOKO! Ayoko ng makita ang pag mumukha nya ang kapal.
Pagkatapos ng awayan, umuwi na kami. Pero pumunta muna kami sa condo ko. Doon muna sila matutulog, tutal friday ngayon. At gagamutin pa namin yung sugat ni bakla.
Nakarating kami agad sa condo ko at pina upo ko agad si Zyl/Barbie.
Kinuha ko agad yung ice bag imat nilagyan ko ng yelo.
Agad kong nilagay sa bugbog ni Barbie/Zyl.
"Aray ko naman bakla!" sigaw ni Barbie/Zyl.
"Kaloka ka, huh? Nabugbog pa yung skin ko at baby face ko ng dahil sayo!" dagdag nya.
"Abat! Kaysa naman ma-rape ako ng damuhong iyon! Pinaka iingat-ingatan ko, mawawala nalang bigla? Ang swerte naman nya?! Pero salamat bakla! Kaya love kita eh!" sabi ko at niyakap sya.
"Ano ba bakla, wag monga akong yayakapin! Sorry di tayo talo! Pero Your Welcome!" sagot nya at nilalayo nya ang katawan nya sa akin.
"Kapal mo! Di ako magkaka-gusto sayo, noh!" sabi ko at diniinan ko ang ice bag sa bugbog nya.
"Aray ko naman bakla! Hinay hinay lang!" sagot nya ta pumunta ng kusina. Gutom siguro.
Nagluto kami ng hotdog, nuggets at bacon. Kapal noh? Nangalkal sa ref ko. Hayaan kona nga lang. Natapos kaming kumain at natulog na.
Sorry for typos, wrong grammars and spellings!
BINABASA MO ANG
My Gay Bestfriend (On-Going)
Teen FictionSlow Update! Kaya kung dika marunong maghintay bahala kana lang sa buhay mo! HEHEZ!